BILANG SAMPU

8 2 0
                                    

WALA NA ANG DATING TAYO AT ANG DATING AKO,WALA NA.

Ikaw pa rin ang pinakapaborito
Sadyang nahumaling sayo ng husto
Gusto ko na rin ngang kumawala rito
Ngunit paano,
Kung sa tuwing tatakbo ako,hinahabol naman ako ng mga ala alang konektado sayo
Subukan mang itulog ang lahat ngunit sa panaginip ko ikaw pa rin ang isinisiwalat
Katangahan na nga ba ito
Sinanay mo kasi ako
Alam kong 'di nagkaroon ng tayo
Ngunit turingan natin ay umayon pa dito ng husto
Kaya siguro ako nahihirapan
Hindi ikaw ang nauna sa karamihan
Ngunit natatangi ka sa ilan
Kung kaya't nabihag mo 'ko ng biglaan
Nung makilala kita natutunan ko ulit mabuhay ng masaya
Kaya noong lumisan ka ako'y lubos na nanamlay
Ngayon mag-isa nanaman
Ano mang sakit ang nararamdaman
Mas inaalala ko pa rin ang iyong kalagayan
Kung kaya't piliing iwanan ako ang iyong napagpasyahan
Unti-unti ko pa ring tinatanggap
para sa iyong kapakanan
Naging masaya na rin ako nang panandalian
Aminado akong ang masiyahing ako'y tuluyan na rin akong iniwan.

TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon