AKO AY PINAGPALIT PERO 'DI YUN MASAKIT
Hindi 'yun masakit kasi naging kasiyahan mo naman
Naging kasiyahan mo naman kahit ikasasakit ko
Ikasasakit ko man ngunit ayos lang
Ayos lang dahil mahahanap mo ang tunay mong saya
Saya na 'di ko naibigay
Naibigay lahat ng pinapangarap mo
Pinapangarap mo na kahit kailan hindi naman naging ako
Ako yung nandito pero nagawa mong maghanap
Maghanap ng mas higit
Mas higit sa paningin mo
Paningin mo na tila lumabo
Lumabo dahil ako itong dati
Dati mong nag iisang mahal
Mahal bakit ka nagbago
Nagbago kasi hindi ka nakuntento
Hindi ka nakuntento sa mayroong ako
Ako na hanggang dito lang
Hanggang dito lang yung kaya ko
Kaya ko ng palayain ka
Palayain ka sa bisig ko
Sa bisig ko na matagal mo ng binitawan
Binitawan mo kasi hinawakan mo yung sa iba
Iba na kahit kailan ay magiging hindi na ako pero ayos lang
Ayos lang kasi ikasasaya mo naman.
BINABASA MO ANG
TULA
PoetryMga tulang aking nilikha upang ipabasa sa mga madla Damhin mo ang bawat letra't kataga At kumuha ka ng aral mula sa aking katha. -🤗