BILANG IKALAWA

13 2 0
                                    

IKAW PA RIN HANGGANG NGAYON

Sariwa pa rin ang mga ala-alang dulot ng kahapon
Gaano man kalalim ang pagkakabaon
Malapit ito sa akin kung kaya't mabilis ko ring natunton kung saan ito naroroon
May panahong lubog ang ngiti ko
Sanhi ng ala-ala ngunit lubos itong marahas
Sapagkat madalas nitong wari'y tutukan ako ng matalas niyang hanggan na 'di ko magawang makapalag
Nananatili pa rin ako sa nakaraan
Nakakairita mang malaman
Subalit ito ang totoong kalagayan
Ako'y bihag mo pa rin
Nagkaroon na tayo ng katapusan
Pero pagmamahal ko ay hindi ata ito magkakaroon ng hangganan
Dahil nanatili ka pa sa puso ko na dati mong naging tahanan
kay tagal na ng huli mo akong ibigin
Masakit mang isipin subalit totoong ikaw ay aking mahal pa rin
Alam kong malabo ng mangyari ang inaasam
Hindi ko hawak ang puso mo kung kaya't bilang alipin ng pag-ibig mo'y nais ko lamang itong protektahan
Umibig ka sa iba'y malaya ka
Pigilan ka ay wala akong karapatan
May kasama ka mang iba at ito'y aking masasaksihan
Masakit mang aminin ngunit hindi maitatangging ika'y mahal pa rin
Sapagkat ang puso'y 'di natuturuan
Kung kaya't durog man ito ay wala akong magagawa kundi maghintay kung kailan ito makakalimot sa nakaraan
Sa ngayon, basta ang alam ko matapat pa rin ang pag ibig ko sayo
Walang nagbago
Kahit pa nilisan mo.

TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon