Kabanata 26 🖤

1K 37 12
                                    

~Mitch's Point of View~

HABANG naliligo kami ni Ion, ay todo titig lamang ako kay Precious. Kasi kanina pa siyang naka-tingin kay Ion. Ang lagkit nung tingin niya, kaya naiinsulto ako. Parang gusto niyang kunin si Ion sa'kin.

"Babe, tingnan mo yung Precious oh, grabe makatitig sa'yo." Bulong ko kay Ion. Ngayon ay nakatayo lang kami sa gilid ng pool. Naka back hug sa akin si Ion at naka-sandig ang ulo ko sa kaniya.

"Hayaan mo na 'yon. Nag hahanap lang 'yon ng attention sa'kin." Usal ni Ion na nasa likod ko. Dahan dahan akong humarap sa kaniya. Nag simulang mag-babaan yung mga kaibigan ko upang maligo.

"Nakaka-irita eh! Parang gusto siyang gawing kababuyan sa'yo!" Hindi ko sinadiya, pero napa taas ko yung boses ko. Nagsitinginan yung mga kaibigan ko sa amin.

"Ba't k sumisigaw?" Sabay sabay na wika nina Ferdi. Kumingon kami sa kanilang lahat.

"Kasi Masaya akooo! Let's party, party!!!" Pag iiba ko ng topic, at hinila si Ion. Lumapit ito sa akin at  hinalikan ako sa labi.

Tumigil siya at tumingin sa akin. "Gawin na natin mamaya?" Taning nito habang nakangiti ng nakakaloko. Sinampal ko ito ng mahina.

"Ang landi mo! Laro tayoooo!" Sigaw ko sa kanila. Isa isa silang sumang-ayon, at nag isip kung ano'ng lalaruin namin.

"Alam ko naaa! Chicken fight!!!" Sigaw ni Ferdi. Isa isa naman kaming sumakay sa likod nila. Nakasakay ako sa balikat ni Ion, si Annita naman ay kay Ferdi, si Khaye naman ay kay Ver, at si Mika naman ay kay Ethan.

"Ito ha, pag sino yung mahuhulog. May dare!" Sigaw ko. Hawak hawak ni Ion yung balakang ko, at ako naman ay nakahawak sa ulo niya. "Rica, at Kiara. Kayo yung titingin ah." Dagdag ko pa.

"Yes ate!" Sigaw pabalik nilang dalawa.

Nagsimulang humakbang si Ion at ako naman ay iniharap ang kamay ko. Tuluyan kaming nakalapit keyna Annita. Nagsimula kaming mag tulakan, pero tawang tawa kaming dalawa. Si Ion naman at Ferdi ay todo alalay saming dalawa. Itutulak ko na sana si Annita ng humiyaw sina Rica at Kiara.

"Hahahahaha! Mika at Ethan! Nauna silang mahulog!" Natatawang sigaw ni Kiara. Si Rica naman ay konting utot na lamang ay baka matuluyan na.

"Okay, Okay! Dare, dare, dare!" Sabay na sigaw nina Annita at Khaye. Nag isip naman ako.

"Kumain kayo ng isang ipis, hati lang kayo do'n." Alam kong nandidiri si Mika, dahil hindi niya kinain kanina no'ng inorder namin.

"Ate naman eh! Nakakadiri ka!!!" Tili ni Mika at sa mukha niya ay diring diri siya. Napahalakhak lang naman kaming lahat except sa epal na babae.

"masarap naman yung Love eh, tiyaka hati lang naman kainin mo. Kasi akin yung isang hati." Wika ni Ethan na nagsimulang umahon at kumuha ng isang pirasong ipis.

"Arte mo! Hati nga lang eh." Usal ko at humalakhak muli. Ramdam ko parin na hawak. Ni Ion yung balakang ko. Bumalik si Ethan na may dalang isang pirasong fried ipis.

"Love oh, ikaw yung maunang kumagat." Sabi ni Ethan, napa tili naman si Mika. Habang kami ay tawang tawa parin.

"Ahhhh!!! Ayokoooo!" Muling tili ni Mika. At napapikit, lumapit sakaniya si Ethan upang isubo sa kaniya yung fried ipis.

"Dali Love say 'ahh'." Utos ni Ethan sakaniya. Dumilat siya at ibinuka ang kaniyang bibig. Kumagat ito ng hati. Ngumuya siya at halatang diring diri. Agad naman na kinain ni Ethan yung natirang hati.

Newly Mrs. Perez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon