Kabanata 33 🖤

1.1K 43 8
                                    

~Ion's Point of View~

NASA bahay lamang kami dahil ang sabi ni Direk B ay bukas na raw papasok si Mitch para mag trabaho, wala na sino sa amin ang umangal dahil gusto rin ni Mitch na mag pahinga muna.

"Babe, kailan natin sasabihin kay Direk at sa iba kong kaibigan, tiyaka sa madlang people?" napa angat ako ng tingin ng magsalita si Mitch.

Naka-upo lang ako sa terrace dahil malakas yung hangin, hindi ko naman namalayan na nagising na pala si Mitch dahil natulog ito kanina.

"Ba't gising ka na?" pabalik kong tanong sa kaniya. Ramdam ko siyang naka tayo sa aking lakod, nakatingin parin ako sa malayo.

"Bakit bawal ba akong magising? Tiyaka,  gusto ko ng magising bakit ba?" pagpipilosopo nito sa akin,  napa iling na lamang ako. "So kailan nga?" tanong nito ulit.

"Bukas, no, no...next week na- uh no,  bukas,  oo buka- ewan ko?" patanong kong saad sa kaniya. Binatukan niya lang naman ako. Nakita ko siya'ng umikot papunta sa lugar ko.

Umupo ito sa lap ko at isinandal ang kaniyang ulo sa dibdib ko, naka-titig lang ako sa kaniya habang hawak hawak ang kaniyang kamay.

This is The best feeling I can feel right now.

Naalala ko nung last month,  we celebrated Mika's Birthday sa isang restaurant na pag mamay-ari nila,  ang sarap ng pagkain, pero mas masarap yung sa resort ko. Ang saya ni Mitch no'n, nandon din sina Dad (Doctor Max)  sina Mama,  inimbitahan sila ni Mitch

"Ano'ng ipapangalan natin sa baby?" I asked. Ilang minuto pa ako nag hintay bago makakuha ng sagot sa kaniya.

"Cristal Shine kung girl,  and Christian Yce kung boy. What do you think? Maganda ba?" napangiti na lamang ako sa sinagot niya,  ang talino niya mag isip,  I love the names pang kambal.

"Pa'no kung kambal 'yan?" muli kong tanong sa kaniya, gumalaw naman ito ng konti.

"Edi yun parin,  ang ganda kaya 'Crystal and Christian' o kaya 'Shine and Yce'" sumangayon na lamang ako sa sagot nito. Pa'no nga kung kambal? Edi masaya!

Ilang oras pa kaming nanatili sa gano'ng posisyon, hindi kami gumalaw, naglalambingan lamang kaming dalawa sa iisang upuan. Naisipan ko'ng magluto na dahil bumababa na yung araw.

"Babe tayo, mag-luluto ako." ngunit hindi parin ito tumatayo, walang paabiso ko siyang binuhat na parang bagong kasal. Hindi ito umangal.

Binuhat ko siya hanggang makarating kami sa baba,  naabutan namin si Mika na may kasama'ng nanonood ng TV, habang kumakain ng cheese curls. Binaba ko si Mitch sa upuan na nasa gilid lamang ni Mika.

"Ate,  gusto mo?" pag aya ni Mika sa kaniya, umiling lamang ito na parang bata, pumunta ako sa kusina kung saan naroroon ang mga kasambahay ni Babe.

"Kiara, Hain, and Aling Nene,  ako na po yung magluluto, magpahinga na lang po kayo." pag agaw ko ng attention sa kanila na kanina pa abalang abala kung ano yung lulutuin.
"Ay Sir hindi na po, kami na po yung bahala rito." pagtatanggol ni Manang Nene. Ngumiti ako at hinawakan ito sa balikat.

"Hindi na po, ako na po ang bahala dito, magpahinga na po kayo." hindi na sila sumagot at tumango na lamang. Bumalik muna ako sa sala kung saan nandoon sina Mika, ang kaniyang kaibigan at si Mitch na nanonood ng TV.

"Mika,  sabihin mo sa kaibigan mo na dito na siya kakain. Magluluto ako ng sinigang na isda." pag agaw ko ng attention nila. Lumingon naman si Mika at tumango, habang sumang-ayon naman ang kaniyang kaibigan.

"Ate ito pala si Jane, best friend ko, tiyaka ate, ano'ng ipapangalan mo sa baby? I'm sure kamukha ko 'yan!!!" masayang tanong nito kay Mitch, si Babe naman tumawa ng mahina at biglang hinila yung buhok ni Mika.  "Aray kooo! Joke lang sabi. "

Natawa na lamang ako sa kanilang dalawa, at bumalik sa kusina. Lumapit ako sa isang kabinet upang kumuha ng mga sangkap, at nagsimula ng magluto.

Habang nagluluto ako,  rinig ko naman na tumatawa yung mga kasama ko sa sala,  hindi na ako nag abala pang pumunta do'n dahil rinig ko yung kantang pinapakinggan nila.

"Sa classroom may batas, bawal lumabas o bawal lumabas~" ito yung mga liriko na tumatak sa isip ko,  kaya habang pinagpatuloy sa pagluluto,  sinasabayan ko na rin sa pag kanta.

Paulit-ulit lang naman yung mga liriko na binabanggit ko kaya,  hindi na ako nahihirapan. Tinikman ko yung sabaw na niluto ko, napa-'shake'naman yung katawan ko.

"Asim kiliiiig~" pag singit ko sa kanta,  at tinuluoy yung kaninang kinakanta ko. Sabay giling giling na parang adik.

"Hahahahhahahahah!!!" napalingon ako sa likod ng marinig kong may namamatay na sa kakatawa. Nakita ko si Mitch na naka-upo sa upuan ng dining table na naka tingin sa cellphone.

Sinerado ko muna yung apoy ng gas stove at lumapit sa kaniya, hinalikan ko ang kaniyang leeg at tumingin sa cellphone niya.

"Ayoooon. Nananahimik yung tao, hay nako ito'ng asawa ko." aniko at hinalikan muli siya sa leeg, alam kong kinikiliti siya pero wala kong pake.

"Galing mo namang gumilimg Babe, sali ka kaya sa XB Gensan? Tanggap ka ni Direct B agad. Swear!" pagmamaktol nito sa akin, nakitawa na lamang ako sa sinabi niya kahit hindi naman nakakatawa.

Bumalik na ako sa gas stove at sinimulang ilagay ang sabaw sa mga bowl, tinikman ko ito ulit at napa-shake ulit. Hahahahah! Nilapitan ko yung kanin na sinaing ko at inilagay din 'yon sa malaking puting tasa.

"Mika, kain na!" tawag ni Mitch ng makita niyang patapos na 'ko. Naglagay na rin ako ng mga baso sa tabi ng plato na nasa dining table.

Umupo na ako sa tabi ni Mitch at nag simulang kumain, natawa na lamang ako ng isa isa silang nag-shake.  hahahahah!  Parang mga bulateng inasinan. Hahahahah!

Patuloy lang kami sa pagkain, nagusap-usap na parang may pinag-uusapan, tawa tawa na parang may nakakatawa, at ayon nabulunan si Mika.

"Ayan kasi,  kain muna bago tawa, kagaya ng gulat muna bago tawa okay?" lalo namang natawa habang nabubulunan si Mika. Para tuloy siyang baliw.

"Oh,  okay na?" sabi ni Mitch sabay thubs up. Nag thubs up rin naman si Mika. Mag-kapatid nga.  *face palm*





______________________________________
DAN DAN DAN DAAAAN!!! AHHAHAHAHA! Ayan naisipan kong mag update kasi nabo-bored ako kaya ayan,  medyo lame kasi walang ospital scene. Charot HAHAHHAAH!

Thank you pooo sa 8.11k readers and 560+ votes!!! Awieee! Salamaat po talagaaa,   ilang kabanata na lang po ay magwawakas na ang istoryang ito.

Naisipan ko ding gumawa pa ng ibang story pero,  hindi pa ako sure. Hehe,  kung meron man sana support niyo rin. Hehe,  thank you pooo ulit!!! Loveyouuu all poo!!

Vavuuush!  🖤

Newly Mrs. Perez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon