Kabanata 36 🖤

1.8K 47 12
                                    

8 months later...

~Third Person's Point of View~

"IOOOOOON!!! Ang sakeeeeet!!!" napabalikwas ng pabangon si Ion ng humiyaw ang kaniyang asawa na nasa kaniyang tabi.

"Ma-Manga-manganganak ka na?!" nagpapanic na tanong niya sa asawa. Namalipit naman sa sakit si Mitch.

"ANO BA'NG AKALA MO?! ION TAWAGIN MO SI PAPA!!!" muling hiyaw ni Mitch kaya naman dali dali niyang kinuha ang kaniyang telepono upang tawagan ang kaniyang father in-law.

"D-Da-Dad! Si Mitch ma-ma-manga-manganganak na p-po!!" pinipigil niya ang kaniyang sariling wag mag panic. Pero trinaydor siya nito.

"Oh sige dalhin niyo na 'yan dito." kalmadong sagot sa kaniya. Napa kamot na lamang siya ng batok at hinanap ang mga kasambahay.

"IOOON! PUTANGINA, LALABAS NAAAAAA!" bulaslas ni Mitch, kaya naman si Ion ay dali daling tumakbo papunta sa kwarto nila.

Walang pa-abiso binuhat niya ang kaniyang asawa papunta sa kotse, hahanapin niya pa sana ang mga kasambahay ngunit wala siyang makita ni-isa dito.

Isinakay niya ang kaniyang asawa sa backseat at dali dali siyang tumakbo papunta sa drivers seat. Agad naman niyang pinaandar ang kotse niya at nag-drive papunta sa ospital.

"Ba-Babe, teka lang ah. Mga baby 'wag muna lumabas..." pinapawisan niyang saad sa kaniyang asawa na nahihirapan.

"SO KAMI PA YUNG MAG-A-ADJUST?! PUTANGINA BILISAN MOOO!" muling hiyaw ni Mitch sa kaniya. Wala sa oras ay mas binilisan ni Ion ang pag drive ng kotse. Ng biglang nag ring ang kaniyang telepono.

"Hello bro?  Nasaan na kayo?" tanong sa kabilang linya. Si Ion naman ay palinga-linga dahil madaming kotse ang nakaharang sa kanila.

"Malapit na kami sa ospital, don na lang tayo magkita." aniya at pinatay na ang tawag. Nilingon niya si Mitch na kanina pang pinapawisan.

Ng makarating sila sa tapat ng ospital, dali dali niyang tinapakan ang break ng kotse,  at agad agad na bumaba. Binuhat niya si Mitch at may sumalubong sa kanila na mga reporters.

Putanginaaaa!!!! Hiyaw niya sa isipan.

"EXCUSE ME PO!  MANGANGANAK NA YUNG ASAWA KO!" sigaw niya sa lahat ng reporters na naka-harang sa entrance ng ospital. Imbis na tumabi sila may isang reporter na lumapit kay Mitch.

"Mrs. Perez ano po ang iyong nararamdama-" hindi natuloy ang tanong ng babae ng sinampal niya ko.

"ANO'NG NARARAMDAMAN KO? WALA MAG-PAPAHANGIN LANG! PUTANGINA ANG SAKIT NA NG PEPE KO KAYA TUMABI KAYO DIYANG MGA PUTANGINAAAA!" sigaw niya sa lahat,  kaya naman dali dali silang tumabi at umalis sa harapan ng entrance.

Nangangalay na ang braso ni Ion dahil buhat buhat parin niya ang kaniyang asawa na nahihirapan. May mga dumating na mga nurse na dala dala ang isang kama na may gulong.

"Sir, dito niyo na po siya ihiga, suotin niyo na po itong ospital suit." utos sa kaniya ng nurse, sinunot niya na lamang ang suit at sumunod sa mga nurse.

~Emergency Room (E.R)~

"Mrs. Perez, pag sinabi kong iri umiri ka. Okay isa...dalawa-" naputol ang kaniyang pag bilang ng malakas na tumili si Mitch.

"AAAAAHHHHHH! MNGGHH!" hinihingal na siya, habang naka-kapit sa kaniyang asawang umiiyak dahil sa sakit.

"Isa pa, isa dalawa-"

Newly Mrs. Perez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon