Kabanata 35 🖤

1.1K 40 17
                                    

Hii! Soo, second to the last chapter na 'to ng story ko, and sorry kung ang panget ng part na 'to kasi wala na 'kong maisip na scene para dito. So ngayon ibubuhos ko yung half na laman ng utak ko HAHAHAHA! And hindi ko po alam pano kinakasal ang mga magpapakasal,  kaga sorry kung angpanget. Peace na lang. HAHAHAH

...

October 25, 2020 (12:30 pm)

*Cling... Clang... Cling... Clang...*

Lahat ng mga tao ay nasa simbahan na, at ang hinihintay na lamang ay ang Bride. Si Ion ay naka-upo sa upuan na nasa harap ng altar ng simbahan.

Siya ay kinakabahan, masaya, naiiyak, excited. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang mararamdaman sa araw na 'to. Ang tanging alam niya lang ay ikakasal na siya sa babaeng minamahal niya.

"Bro, kalma. Baka hindi matuloy yung kasal pag ganiyang yung nararamdaman mo." biro ng kaniyang kaibigan. Naka-suot ito ng puting polo sa panloob, at itim na suit o 'tux'at may boe tie.

Yun din ang suot ni Ion,  ngunit mas espesiyal yung sa kaniya. Ngumiti na lamang si Ion at huminga ng malalim at napapikit.

Tama ang sinasabi ni Ferdi, hindi dapat ako kakabahan. Sabi niya sa kaniyang isipan.

Ilang minuto pa ay dumating na ang pari at pumwesto na sa gitna ng altar. May mga upuan na inilagay ng mga lalaki kanina, kung saan doon sila uupo ng kaniyang mapapang-asawa.

Sinenyasan ng isang babae si Ion na umupo na at pumunta sa harap kung saan nandoon ang pari na naghihintay na rin.

Si Ion na kinakabahan ay dahan dahang tumayo at sinunod ang utos ng babae. Lumakad siya kasama sina Ferdi at Ver na nasa kaniyang likod.

Ang mga tao naman sa loob ng simbahan ay nagsitayuan na rin ng makita nilang bumukas na yung malakimg pintuan at bumungad sa kanila ang mga babae na naka-angkla sa lalaki nilang kasama.

Ngumiti naman si Ion at lumapit sa kaniyang magulang. At hinalikan nito sa pisnge. Sumunod naman ang mga babaeng may hawak na bouquet of flowers. At isa isa naman silang umupo sa ika-lawang upuan na nasa harap din.

Sunod ay ang mga maliliit na bata na may maliliit na puting belo sa ulo, at may tinatapon na magkaiba-ibang kulay na petals. Ang panghuli naman ay ang kaniyang kasintahan na si Mitch kasama ang Papa niya.

Napatigil naman si Ion, at nawala ang ngiti sa kaniyang labi ng makita niya ang kaniyang magandang mapapang-asawa. Nakangiti ito sa kaniya.

"Bro, ang ganda ni Mitch oh! Naiinlove ako!" bulong ng kaniyang kaibigan na si Ferdi kay Ver. Natatawang lumingon si Ion sa kaibigan.

"Akin 'yan, kay Annita ka na. This girl belongs to me. And mine only." saad niya at muling lumingon kay Mitch na naiiyak.

Hawak hawak ni Mitch ang isang kumpol ng puting rosas, at naka-angkla ito sa kaniyang Papa. Kitang kita naman ang hugis ng kaniyang tiyan na may laman na bata.

"I found a love, for me...
Darlinf just dive right in, and follow my lead." paninimula ng isang lalaki na si Louie.

Mabagal na naglalakad si Mitch kasama ang kaniyang Papa, hindi niya maiwasan ang lumuha nf makita niya ang kaniyang gwapong kasitahan na nakangiti sa kaniya.

"Papa,  naiiyak ako." mahina nitong sambit sa Ama. Rinig niya naman na mahinang tumawa ang kaniyang ama.
"It's normal anak, pareho lang kayo ng nararamdaman ni Ion." bulong sa kaniya. Ngumiti siya kahit hindi siya masiyadong kita ng mga tao.

Habang naglalakad, nakita niya ang kaniyang mga kaibigan na nagpapagid ng luha sa mata, halatang umiiyak, natawa na lamang siya dito. Nakita niya rin ang kaniyang kapatid na nakangiti sa kaniya kasama ang kapatid ni Ion.

Newly Mrs. Perez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon