Kabanata 29 🖤

1.2K 42 20
                                    

~Third Persons Point of View~

Sunday July 16, 2020 [10:15 am]

AGAD agad na dinala nila di Mitch sa clinic ng resort. Lahat sila ay nagtaka kung bakit sa clinic lamang at hindi sa ospital.

"The clinic here has an operating room. We have doctors here. The best doctors." Eksplenasiyon ni Ion sa mga kaibigan niya.

Agad na inihiga nila ang walang malay na katawan ni Mitch, at halos mamutla na ang buo nitong katawan, dahil sa pag agos ng dugo sa parteng dibdib nito.

Walang magawa ang kaniyang mga kaibigan, kundi umiyak at magdasal upang maging mabuti ang kalagayan ng kaibigan. Si Ion naman ay hanggang ngayon wala sa isip at walang emosiyon ang mukha.

"Mr. Perez, mediyo malalim nakarating yung bala na nasa loob ng katawan ni Ms. Viceral, it may take Four Hours or more for the operation." Pag agaw ng attention ng doktor.

Nilakasan ni Ion ang kaniyang loob at humarap sa doktor na hini-hintay ang kaniyang sagot. Huminga siyang malalim.

"Doc, please do everything. Gawin niyo po yung lahat upang maging successful yung operation. Please doc I'm begging you." Halos mapaluhod na si Ion sa pag mamakaawa sa doktor.

"We will do our best Sir." Ani ng Doktor at pumasok na sa O.P.

Muling umupo si Ion at humawak sa magkabila nitong sentido. Hindi niya mapigilang maiyak sa mga nangyayari, ramdam niyang may humawak sa kaniyang balikat.

"Think positive Ion. Magiging okay din si Mitch." Bulong sa kaniya ni Annita na halatang umiiyak na rin.

"You are not alone kuya, we are here. But first we need to know who shot ate." Suhestiyon ni Ethan na nasa harap ni Ion.

"Are you guys looking for Lia?" Biglang sabat ni Ver sa usapan.

Lahat ng attention nila ay napunta sa kaibigan. Biglang napa tayo si Ion sa kaniyang inuupuan. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o magagalit.

Ang tanging alam niya lang ay kailangan niyang hanapin si Lia.

"Teka Ver, what makes you sure na si Lia 'yon?" Tanong ni Khaye na pinupunas yung luha. Napa ngiti naman si Ver.

"Noong una, nakita ko siya na sumusunod sa atin nung papunta pa lang tayo sa beach area. Tapos may hawak siyang baril, halos hindi na mapinta yung mukha niya, dahil sa sobrang inggit at galit. At pang huli, nung nag propose ka na, nakita ko siya sa gilid ng isang coconut tree na umiiyak. Kaya hindi ako nakapag salita nung niyakap ako ni Mitch dahil nakita ko siyang lumalapit. Tapos pinutok niya yung baril saktong tumama sa dib dib ni Mitch." Mahabang eksplenasiyon ni Ver. Walang bahid na masaya sa mukha ni Ion, kundi galit at lungkot.

Newly Mrs. Perez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon