Kabanata 30 🖤

1.3K 39 9
                                    

July 17, 2020 (10:30 am)

~Mitch's Point of View~

GOOD morning! Alam niyo, ang swerte ko talaga sa soon to be husband ko, kasi sobra niyang maalaga, tapos lagi hindi niya 'ko pinapabayaan. Hindi ko nga namamalayan na napapagod na 'ko, kasi lagi siyang andiyan para sa'kin. He saves me eveytime I need him.

And kung alam niyo lang...shempre hindi di ko pa nasabi eh. Si Ion? He is just a simple man, who owns a big company but he's not like other men. Hindi siya mayabang, hindi niya tini-take for granted yung lahat ng meron siya. And that's what I want for a man.

Nakahiga lamang ako sa kama kasama si Annita at Khaye, alas diyes (10) ng umaga na at si Ion ay kanina pang umalis. At ako naman ay nag pasiya na lang na pumunta sa kwarto nina Annita.

"Sis? Sure ka na?" Napalingon ako ng mag salita si Annita. Kukunot naman yung noo ko.

"Ang alin?" Kunot noo kong tanong. Napa face palm na lamang silang dalawa. Napaupo naman ako.

"Sure ka ba na si Ion na talaga?" I just then smiled and nodded.

Lumapit sila sa akin at niyakap ako, ng biglang bumukas yung pintuan ng kwarto. Bumungad sa amin ang tatlong lalaki na kasama namin. Lumapit sa akin si Ion at hinalikan ako sa noo.

"Ready na? Uuwi na tayo." Aniya at binack-hug ako. Napa-'ayiee' naman yung mga kaibigan namin sa ginawa ni Ion, hindi ko na lamang 'yon pinansin.

"Yup, kanina pa. Hinihintayna lang namin kayo. So alam na ng parents mo?" Tanong ko sa kaniya, hindi ko nga alam eh. Yung dinala ako ni Ion sa bahay nila, bigla nalang dumating yung tatay niya. Hindi naman siya galit pero, oo hindi talaga siya galit hehe.

"Matagal na nilang alam, hindi pa tayo pumunta dito alam na nila." Napatango na lamang ako sa sinabi niya, umikot yung mata ko upang hanapin si Mika at Ethan, kumunot yung noo ko ng wala akong naaninag na isa sa kanila.

"Sina Mika asan?" Tanong ko sa kanila, tumingin sila sa akin.

"Sinabihan ko na sila na mauna nang umuwi." Nagulat naman ako sa sinagot ni Ion. Mahina itong natawa. "Nah just joking, nandun sa labas nag pipicture." Muli akong tumango.

"Sa susunod na bukas na pala yung birthday ng kapatid ko, wala pa akong maisip na gawin at ibigay sa kaniya." Aniko, hindi nila ako pinansin at binuhat na ang isa isa nilang mga bag.

Fast forward...

Nasa kotse na kami at nagpaalam na si Ion sa mga staffs niya, he's so responsible. Nakatitig lamang ako sa kaniya at hindi namamalayang nakangiti na pala ako,narinig ko na lamang na tumunog yung pintuan ng kotse.

"Walang sinong mag da-drive pag natunaw ako." Bungad ni Ion habang kinakabit ang kaniyang seat belt. Inirapan ko na lamang siya at tuminging sa labas ng bintana.

Habang nakatitig sa labas ay may tilang puting ilaw na tumatama sa mata ko, napalingon lingon naman ako upang hanapin kung saad 'yon nanggaling.

"Baliw ka na? Sa singsing nanggagaling yung puting ilaw sis." Napatingin ako kay Annita at tumawa, hindi ko siya pinansin at pinalit ang attention ko sa singsing.

Newly Mrs. Perez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon