Kabanata 28 🖤

1.2K 37 26
                                    

[A/N: Hehe, walang magaganap na mga bad scenes dito, kasi nag paalam muna ako sa mama ko, and hindi siya pumayag. I should follow my mom's orders. Sorry! Mag imagine na lang kayo. Hanggang kiss at hug lang yung story dito. Sana maintindihan niyo because I'm still 12 hehe.]

***

~Mitch's Point of View~

NAGISING ako ng magkayakap kami ni Ion, hindi muna ako tumayo baka magising siya. Pinagmasdan ko muna yung mukha niya na naka-dantay sa balikat ko.

"Alam mo, gwapo ka nga, madaming may nagka-kagusto sa'yo. Pero hindi ako papayag na mapupunta ka sa kanila." Bulong ko, hindi niya naman maririnig kasi natutulog siya.

"At hindi rin ako papayag na iwan kang luhaan at mag isa." Nagulat ako ng bigla siyang nag salita. Ngumiti siya at kumalas sa pag yakap.

"Gising ka na? Ba't hindi ka pa bumangon?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya. Muli itong ngumiti sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Kasi ang himbing ng tulog mo, tapos ang higpit rin ng yakap mo, ayokong magising ka." Sabi niya na parang naglalambing. Tumawa na lamang ako. Tumayo na ako at dumeretso sa luamabas.

Kumuha ako ng malamig na tubig at ibinuhos 'yon sa baso. Ininom ko muna 'yon bago ako muling pumasok sa kwarto, ng palapit na 'ko sa kwarto rinig kong may kausap si Ion. Hindu muna ako pumasok at pinakinggan ko muna yung sinasabi niya.

"Oo, bukas uuwi naman kami, magkikita na ulit tayo. Ha? Nandito ka? Text mo ako kung san ka pupuntahan kita." Rinig kong sabi nito, kahit nasa labas ako rinig na rinig ko na naglalambingan sila sa cellphone.

"Sige na baka marinig ako ni Mitch, bye Loveyou!" Bigla akong nagulat sa huli nitong liniya. Ramdam kong papalapit ito sa pintuan, kaya agad akong nag panggap na papasok pa lang ako.

"Oh sa'n ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya, ngumiti ito sa akin at hinalikan ako sa labi.

"Mag ready ka na magkita na lang tayo sa beach area my future wife. Loveyou." Sabi nito at tumungo na sa labas ng kwarto. Ako naman ay naka tunganga lamang at nakaharap parin sa pintuan.

Pumasok ako at nag ayos at sinunod na lang yung sinabi ni Ion. Nagsuot ako ng bikini na sobrang seksi. Wala lang last day na 'to eh kailangan pakak na pakak yung outfit ko. Kinuha ko na rin yung sunglasses ko at sinuot ito, naglagay ako ng konting sunblock para hindi ako masunog.

Habang naglalakad ako, ramdam kong lahat ng tingin ng tao ay nasa akin, hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa paglakad. Umupo ako sa isang bakanteng upuan na nasa harap lamang ng beach. Nakatutok lamang ako sa dagat at hindi pinapansin yung mga bagay bagay sa paligid ko.

"SISSY!!!!!!" Napalingon ako sa kanan ng rinig kong tili ni Annita. Kumunot naman ako ng makita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin.

"Oo pwede kang mag utos sa mga staff, pero 'wag mong angkinin yung resort, kung makasigaw ka naman!" Pabalik kong sigaw,agad agad naman itong umupo sa tabi ko.

"Eh ikaw nga sumisigaw eh!!!" Muli niyang tili at napatakip lamang ako ng tenga. Mui kong isinuot yung sunglasses ko at humarap sa beach.

"Ano ba kasi 'yon ba't ka sumisigaw?" Tanong ko sa kaniya ng hindi tumitingin sa direksiyon niya.

"Ano kasi....nakita ko si Ion....uhm..." Hinihingal niayng wika, muli akong lumingon sa kaniya.

"Ano naman kay Ion?" Biglang sabat ni Khaye na nasa kaliwa ko. "Hi Mitchy!" Bati nito sa'kin at hinalikan kaming dalawa ni Annita sa pisnge.

Newly Mrs. Perez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon