Chapter 5

33 5 0
                                    

Nicole's Pov

Nandito ako ngayon sa hallway naglalakad patungo sa room namin nag papasalamat ako at hindi ako napuyat kagabi nag video call kasi kaming mag kakaibigan.

Parang ayaw ko pang pumunta sa room ang aga pa naman kasi isa pa paano kung wala pa si Vega doon edi na out of place naman ako kaya naman tumambay lang muna ako dito sa hallway at umupo sa may hagdan.

Ayaw ko nang istorbo kaya naman nag salpak ako ng earphone sa tainga ko at sabay yuko. Sa kalagitnaan ng pag tatambay ko may napansin akong isang pares ng sapatos sa harap ko kaya naman inangat ko ang ulo para makita kung sino iyon.

Isang lalaki ang naka tayo sa harap ko. Napaka amo ng mukha niya, idagdag mo pa ang makapal na kilay nito na mas lalong bumagay sa makinis nitong mukha at tila nang aakit nitong mapupulang labi at mapupungay na mata sh*t naman mas gwapo pa kay Wayne ito ehh.

"Miss okay na ba? tapos mo na ba akong titigan? " sabi ng lalaki sa harap at doon lang ako nabalik sa reyalidad.

"H- huh u- uhm a- anong tinititigan? hindi kaya isa pa anong kailangan mo?"

"uhm so hindi pala titig yung tawag doon sa ginawa mo?" Balik na tanong nito sakin.

"Hindi! Eh sa hindi naman kasi talaga kita tinititigan noh! wag ka ngang assuming!" sagot ko sa tanong Niya.

"Ok sabi mo eh." walang ganang sabi nito.

Nag taka ako kasi di parin ito umaaalis sa pwesto niya.

" Eh anong pang ginagawa mo rito bakit di ka pa umalis? O baka naman nag papansin ka sa a- diko na tapos yung sasabihin ko nang bigla siyang nag salita.

"Eh sa paano naman po kasi ako makakadaan kung naka harang ka sa hagdan? Isa pa ginawa itong hagdan para daanan hindi pagtambayan ng kahit sino lang." masungit na sabi nito.

At ako naman natameme sa sinabi niya my ghad na kakahiya! Ngayon ko lang na realize na kaharang pala ako Sa dadaanan niya huhuhu please lupa lamunin mo na ako!!!!

Kaya naman mabilis akong tumayo para gumilid at nang makadaan na si bakulaw ay doon ko lang napansin si Vega na nag pipigil ng tawa
Kanina pa kaya siya diyan?

Narinig niya kaya yung sagutan namin ng bakulaw na iyon? shete talaga nakakahiya huhuhu i want to die na ayyy di pa pala pwede papakasalan ko pa si Wayne uyyyy charot Hahahah!
Nang makalapit ako sa kaniya ay tinanong ko siya agad.

"Kanina ka pa diyan?"

"Uhm honestly oo kanina pa ako lalapitan sana kita but bigla namang sumulpot si Lexter."

Nagulat ako sa sinagot ni Vega.

"Lexter? Tanong ko sa kaniya.

"Oo Lexter! Lexter Velasco." pag kukumpirma niya sa tanong ko.

" So kilala mo siya? Tanong ko ulit sa kaniya.

"Yup and ang totoo niyan eh he's my cousin."

Ano daw? Pinsan niya?

"P- pinsan mo?" medyo alinlangan ko pang tanong.

"Yes yung mommy ko at mommy niya eh mag kapatid." explain niya sakin.

Guyss isa lang masasabi ko I CAN'T BELIEVE IT!

"Bakit pala kayo nag kasagutan ni Lexter? Biglang tanong niya sa akin.

"Ewan ko sa bakulaw na iyon may elevator naman kasi kung bakit dito pa sa hagdan dadaan."

"Hayaan mo nalang iyon ganon talaga iyon mahilig mang trip." she said.

"So you mean ako yung napag tripan niya?"

"Parang ganon na nga."

Ayaw kong masira yung araw ko kaya naman niyaya ko na si Vega na pumunta na lang sa room.

Pag dating namin sa room nandon na yung iba naming kaklase wala pa si ma'am kaya naman may kanya kanyang mundo yung mga kaklase namin may nag ce- cellphone, nag me- make up, nag se- selfie at iba pa.

Kaya naman pumunta na kami sa upuan namin.
Haysss sana naman di matuluyang masira yung araw ko.

(Few minutes later)

Sa wakas dumating na yung Professor namin natawa kami ni Vega sa inasal ng mga kaklase namin paano ba naman kasi ang bilis nilang tinago yung mga gadgets nila tapos yung mga make up kit ng mga kaklase kong babae halos maihagis na nila sa pag mamadali nilang itago hahahhaah laugh trip again.

DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
BREAK TIME

Sumakit ulo ko doon paano ba naman kasi first subject eh math tapos two hours pa tapos yung tipong pilit mo iniintindi yung lesson eh ayaw mag sink in sa utak mo huhuhu ayaw ko na! suko na ako.

Nandito kami ngayon ni Vega sa cafeteria para mag recess nabanggit din niya kanina na ngayong time niya ipapakilala sakin yung sinasabi niya kahapon. Matapos kaming umorder pumunta kami sa vacant table at doon na kami nag simulang kumain ng bigla siyang mag salita.

"Parating na daw sila!" she said.

"Who?" I asked

"Secret basta makilala mo rin trust me hahaha!"

"Okey if you say so." balewala kong sagot.

Pinag patuloy ko nalang yung pagkain ko nang biglang sumigaw si Vega.

Thank you for reading may story!!!!!

But may nagbabasa ba??

Must Be Date The Playboy (On Going)Where stories live. Discover now