Christine's POVNandito kami sa clinic na located katabi ng Gym at nakahiga ngayon si Marra sa bed mukhang natutulog. Kasama ko ang coach na may hawak ng volleyball club at kinakausap ang nurse. Hindi ako mapakali hanggang ngayon, bakit ko pa kasi sinama si Marra sa Gym huhu ang nakakapagtaka ay hindi ko nakita kung saan galing 'yong bola na tumama at kung sino ang nakatama, ang lakas pa naman non kaya halata namang nabigla si Marra at sa ulo pa!
Tinawagan ko na si Aye 'yong kasama ni Marra sa bahay nila kung ano ang nangyari. Wala kasi 'yong parents niya dahil palaging out of country na may mga business daw kuwento ni Marra, pinapadalahan nalang siya ng pera para sa pangangailangan at gusto niya.
"Marra!" Nagulat ako kay Aye sa sigaw niya kaya napatayo ako at mabilis siyang lumapit kay Marra upang gisingin ito.
"Anong nangyari sa kanya?!" Ani Aye bakas ang galit sa tono nito ngunit nananatiling kalmado. Napasinghap ako ng hangin bago magsalita. "Ate natamaan po siya ng bola sa ulo," sabi ko at lalong kumunot ang noo nito.
"Sino ang nakatama? Nasaan 'yong nakatama?" Sunod sunod na sabi ni Aye kaya pinilit kong hindi kabahan para masagot siya ng maayos.
"Aye, okay naman na po siya sabi ng nurse kanina at nawalan lang siya ng malay pero gigising din daw po siya."
"Mabuti naman," nakatingin na ito kay Marra at bahagyang hinahaplos ang noo nito.
"Kayo po ba ang guardian ni Marra?" Tanong ni Coach na kakatapos lang makipag-usap sa nurse.
"Oo ako nga," mahinang sabi ni Aye.
"Pasensya na po, hindi po namin sinasadya." 'Iyon lang ang tanging nasabi ng Coach.
"Asan yung nakatama ng bola gusto ko siyang kausapin," si Aye
"Sandali lang po," lumabas siya sandali at pagpasok ay kasama niya si Zelan.
Nang makalapit sila, tumayo si Aye at lumapit kay Zelan na ngayon naman ay halatang kinakabahan.
"Sorry po, hindi ko po sinasadyang matamaan si Marra ng bola," sinserong sabi nito.
"It's okay naku kapag nalaman niyang sinadya mo, ewan ko nalang Haha! Don't worry I'll tell her"" Sabi ni Aye at marahang ginising si Marra.
Ano kayang ibig sabihin non? Anong mangyayari kapag sindya ito? Nakakapagtaka.
Zelan's POV'..naku kapag nalaman niyang sinadya mo, ewan ko nalang Haha!'
Halos magpaulit ulit sa akin 'yong sinabi nung guardian ni Marra na para bang may ibang nais ipinaparating.
Wala 'yon, tsk, hindi yan tatalab sakin.
F L A S H B A C K
"Zelan! Saluhin mo 'yong bola ipapasa ko sayo!" Sabi ni Chris na kasama kong naglalaro.
"Eto na!" Aniya tsaka bumwelo at pinalo papunta sa akin ang bola. Agad ko naman itong inabangan para saluhin at nang masalo ko ito ibinalik ko ito kay Chris. Pinalo ko ito at laking gulat ko nong umiba ito ng direksyon! Palpak Zel ano ba! Hindi ko inaashang napunta ito sa may entrance at lalong nagulat ako ng makitang papasok si Marra mula dito at natamaan ng bola!
BINABASA MO ANG
I Do Sweet Vengeance
Teen FictionUnexplainable reasons. Unexpectable coincidence. Unacceptable fate. Siya ay ilang taong nagsanay upang magawa niya ang kaniyang misyon at kahit ano man ang mangyari lalaban siya para sa kaniyang kinikilalang pamilya. Mula sa kabilang panig, Siya ay...