4. Come Back Stronger

61 11 5
                                    


Christine's POV

Nasa emergency na kami ngayon, naghihintay kami ni Raine dito habang binabantayan si Marra. Grabe naman 'tong araw na toh! Tinignan ko si Aye sa may counter habang kinakausap 'yong babaeng nurse pagkatapos ay lumapit siya sa amin.

"Ipapacheck up ko na muna si Marra, Tin, Raine." Sabi niya at tumingin sa aming dalawa.

"Pwede na kayong umuwi babalitaan ko kayo 'pag nagising na si Marra."

"Sige po." Sabi ko at tumayo kami at umalis.

Habang nasa daan kami pauwi hindi ko mapigilang mag-alala kay Marra, biglaan kasi siyang nagkaganyan. Naalala ko pa noong-

"May lason yung needle," biglang sabi ni Raine.

"Ha?"

"May lason yung needle na tumusok kay Marra..."

"Paano mo nalaman???"

"Nakita ko, tinanong ko sa nurse nong umalis ka para sugudin sila Zelan kung ano 'yong tumusok kay Marra at pinakita sa akin yung needle, may kulay itim sa tip non at hindi ako nagkakamaling walang lason 'yon kasi may ganon din tayo sa Org. Iyon 'yong 'Poison Needle' na parang may baril na maliit, doon ilalagay yung needle at itutusok sa kalaban, kahit malayo ka matatamaan ka." Bumuntong hininga ako.

"Alam ko na kung sino." Sabi ko.

"Sila Zelan." Sabay naming sabi.

Nakakainis sila!

Maya maya ay nakauwi na kami.
Pagaling ka na Marra babawian natin sila.

Inopen ko ang cellphone ko at sinearch ang symptoms ng napoison.

'Symptoms: Dizziness, Hallucinating, Hard to breathe, weak, pale skin, and vomiting'

My goodness! Nalason nga!

Marra's POV

Nagising ako dahil sa liwanag sa taas ko. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko na parang hindi na mabuksan kasi parang ang daming muta na nakidikit.

Nilibot ko ang tingin at nakita ko si Aye nakahiga sa sofa. Mukhang natutulog.

Sinubukan kong bumangon pero ang sakit ng katawan ko kaya hindi ko magawa. Bakit ganon?! Tinignan ko ang kamay ko na may nakakabit na dextrose. Halla siya! Sobrang puti! Parang walang dugo at ang lamig.

"Aye," sabi ko pero unti lang ang boses na lumabas sa bibig ko. Anong nangyayare???
Feeling ko ang lakas ko pero itong katawan ko lang ang walang pakisama.

"A-Aye." Nasabi ko din sa wakas!
Ay dedma?

"Aye." Sabi ko na, na unting malakas. Bumangon siya at nilingon ako, dali dali siyang lumapit sa akin nang makita niya akong gising.

"Marra okay ka na???" Nag-aalala niyang sabi. Tumango nalang ako.

"Nagugutom ka ba? Anong pakiramdam mo? Nahihilo ka pa ba? Nasusuka?" Sunod-sunod niyang tanong at parang maluluha. Bakit parang namamatay na ako?! Mamamatay na ba ako??

"Aye, okay na po ako. Bakit anong meron? Anong araw na ba ngayon?"

"L-Lunes." Na mahinang sabi niya na bahagyang nanghihinayang pa.

I Do Sweet VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon