Christine's POVNasa room kami ngayon at hinihintay namin si Mireille pero wala siya nang dumating na ang lecturer at nagturo.
Asan na kaya siya?Natigil lang ang pagsasalita ng lecturer namin nang may bumaril sa kaniya. De Lisle Commando carbine ata ang gamit diyan. Ang tahimik mashado oh. Nagpanic ang mga kaklase namin nang may makitang dugo galing sa tagiliran ng lecturer namin. Sht!
May tumawag na ng ambulansiya at may umaalaly sa lecturer baka mabawian ng buhay. Natigilan na naman kami nang may pumasok na mga armadong lalaki na higit sa lima ang bilang nila. Nagtinginan kami nila Ian, hindi namin alam ang gagawin.
"Nasaan dito si Mireille Martinez?!" Tanong ng isang armadong lalaki.
"W-Wala po." Nanginginig nilang sabi.
"Sigurado kayo?!" Tanong niya ulit.
"Trulalu sila kuya newbie lang siya."
"O-Opo!" Malakas nilang sagot.
"Oh edi asan mga kaibigan niya? O mung sino man makakilala sa kaniya." napapikit ako sa tanong niya. Nakita ko nalang na nakaturo silang lahat sa amin ni Raine at nila Ron, Ian at Zelan.
"Magaling." Bulong niya.
"Lumabas na yung hindi niya kaibigan dito, ngayon na!" Agad naman silang nagsitakbuhan palabas at kami nalang ang naiwan.
"Kayo ba talaga ang mga kaibigan niya?" Tanong niya na naman.
'Tanong mo sa pagong." Sagot ni Raine. Hindi ako makatawa kasi nakakakaba naman kaya kinagat ko ang loob ng pisngi ko para mapigilan iyon. Malakas naman siyang sinapak nito.
"Itali niyo yang mga yan!" Utos niya sa mga kasama niya. Itinali kami sa gilid at pinasandal sa pader habang nakapalibot sila sa amin.
Nagulat ako nang magvibrate ang cellphone ko at palihim na sinagot iyon. Buti nalang naka-mute.
"H-Hello?" Mahina kong tanong. Baka marinig ako.
"Oy may klase pa ba?" Napapikit ako nang sinagot ni Mireille iyon.
"Wag ka munang pumunta dito, b-baka mapapahamak ka." Sabi ko.
"Eh? Bakit?" Takang tanong niya.
"Hinahanap -aaahhh!" Natigil ako sa pagsasalita nang bigla nila akong bitbitin.
"Bitiwan niyo ako!"
"Nasaan na ang kaibigan mo?" Tanong ng isang lalaki. Pinutol ko agad ang linya para hindi nila malaman.
"Hindi ko alam! Absent! Nag-cutting!" Sigaw ko. Hindi ko inakalang may hinampas sa akin na kahoy. Try ko kaya sayo manong? Sakit niyan!
Napaupo ako sa panlulumo. Itinabi nila ako ulit kay Raine. Hindi ko na alam kung gaano katagal ang nangyayari. Maya maya.
"A-Anong nangyari?" Dinig kong tanong ni Mireille sa labas ng pinto. Nakatingin siya sa amin at mukhang naaawa sa amin.
"Sino ka ba?" Tanong pa ng isang lalaki.
"Eh ikaw sino ka ba?" Seryosong tanong ni Mireille pabalik sa lalaki.
BINABASA MO ANG
I Do Sweet Vengeance
Teen FictionUnexplainable reasons. Unexpectable coincidence. Unacceptable fate. Siya ay ilang taong nagsanay upang magawa niya ang kaniyang misyon at kahit ano man ang mangyari lalaban siya para sa kaniyang kinikilalang pamilya. Mula sa kabilang panig, Siya ay...