Ian's POV
Ilang buwan na ang nakalipas nang mabalitaan namin ang pagkamatay ni Marra dahil sa panghihina niya, kuwento ni Tin pero iba si Zelan ngayon, sobrang tahimik niya at palaging umiiwas ng tingin kapag kinakausap.
Kakausapin ka lang niya kapag kinausap mo siya. Malungkot siya pero hindi niya sinasabi sa amin, halata rin naman. Hindi na namin kinukulit ni Ron si Zelan, pero nakakapagtaka na mas nalungkot siya kaysa sa natuwa dahil natapos niya na ang ipinauutos sa organization nila at pagtaas ng rank ang isa doon.
Nakakainggit nga siya kasi tapos na siya, habang kami naman ni Ron ay namomroblema kung paano namin kakalabanin sila Chistine at Raine. Mas naging close kami simula noon dahil sa pagpapractice nila Marra at Zelan noong nakaraan para sa contest. Ngayon naman dahil wala na si Marra, hindi natuloy ang pagsali ng section namin sa contest. Dahil ayaw ni Zelan ng mga kapartner niya kaya nagbayad kaming lahat.
Bata pa nga si Marra para mawala sa mundo...
"Mister Raquez!" Nagulat ako sa sigaw ni Miss Labrador. Ay nagkaklase pala kami nawala sa isip ko! Boblaks!
"Mister Raquez, Are you with us?" Tanong ni Miss habang nakapameywang.
"Y-Yes miss..."
"Good, makinig ka. Okay?"
Tinignan ko si Ron na dinilatan ako. Loko to ah!
Tuloy ang pagdiscuss... Boring..
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
BREAK
Sabay sabay kaming lumabas at dumiretso sa canteen para magmeryenda.
Halos kami lang ni Ron ang naguusap, nakikinig naman siya at natatawa minsan kapag may nakakatawa.Natapos ang araw at nagsiuwan na kami.
KINABUKASAN
Nasa hallway na ako nang makasalubong ko si Christine. Nag-iisa siya. Nang makalapit siya sa akin dahil magsusulubong palang kami nang tumingin siya sa akin. Napatigil ako dahil nakita kong putok ang labi niya at namumula ang magkabilang pisngi.
Pinigilan ko siya at humarap sa kaniya. Tiningnan ko siya sa mata niyang naluluha.
"Anong nangyari sayo?" Tanong ko na hindi ipinahalatang nagaalala.
"Eh ano naman sayo?" Inirapan pa ako.
"Come on Christine, ang tagal na nating magkakilala. Tell me, anong nangyari?"
Tell me. What happened? I mean look at her.
"Pinagisahan lang naman ako nila Nika kasi dikit daw ako ng dikit sa inyo ni Zelan." Mahinang sabi niya at yumuko. Hindi ko mapigilang mainis. Hindi ko dapat ginagawa to! Pero nandito na tayo.
Hinila ko si Tin at pumasok kami sa room. Lumapit ako kila Nika habang hawak pa ang braso ni Chrstine.
"Anong ginawa niyo sa kaniya?!" Tukoy ko kay Christine.
"Wala naman kaming ginawa ah! Ugh like she's so maartey." Painosenteng sabi ni Nika. Tumingin siya kay Christine na nakayuko.
"Ano naman ang ginawa namin sayo?" Maarteng sabi niya.
"Wag na nga kayong painosente diyan!" Inis kong sabi.
BINABASA MO ANG
I Do Sweet Vengeance
Teen FictionUnexplainable reasons. Unexpectable coincidence. Unacceptable fate. Siya ay ilang taong nagsanay upang magawa niya ang kaniyang misyon at kahit ano man ang mangyari lalaban siya para sa kaniyang kinikilalang pamilya. Mula sa kabilang panig, Siya ay...