Zelan's POV
Napapansin ko nang mga ilang araw na iniiwasan ako ni Mireille kapag kasama namin sila Christine at Raine. Dahil ba sa 'accident call' niya sa insta, what a stalker. Napangisi ako sa naisip.
"Ay si Zelan oh, Ron tignan mo kung anu-ano nasa isip ngumingiti magisa." Sumbong ni Ian kay Ron.
"Zelan okay ka lang naman 'di ba?" Ani Ron.
"Nakooo! PH yan noh?" Malakas na tanong ni Ian.
"The heck?!" Naiiritang tanong ko at tinignan sila ng masama.
"Ay PH pala Zelan ha! Hindi mo sinasabi sa amin ha!" Singit ni Christine sa usapan.
"Hindi no!" depensa ko.
"Tsk tsk tsk! Zelan! Ano 'yong narinig ko? PH ba 'yon?" Pang aasar ni Raine na kakarating lang.
"Sinabi nang hindi 'di ba?" Inis kong sabi.
"Hindi naman daw pala kasi." Pang- aasar pa rin ni Ian. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ewan ko sa inyo." Inis akong umalis sa room.
"Zelan!" Hinabol ako ni Ian, tumakbo ako pero may nakabungguan ako at natumba siya. Mabilis kong tinignan kung sino iyon at nang makita ko ay si Mireille pala kaya bigla ako nakaramdam ng kaba. Nasa sahig pa rin siya at nakaupo habang hinahabplos ang ulo.
"Sorry." Sabi ko at tinulungan siyang tumayo.
"Aray ko." Sabi niya at humawak sa likod niya. Parang ang late naman ng reaction niya? Hindi ko pinahalata ang pagkalito.
"Okay ka lang?" Tanong ko at hindi niya ako sinagot.
"Hala Zelan lagot ka!" Ani Ian.
"Sorry talaga." Sabi ko.
"O-Okay lang." Sabi niya habang nakahawak sa bewang at napapikit-pikit pa.
"Patingin nga yan." Sabi ko at tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa bewang niya nang may makita akong dugo.
"A-Anong nangyari? Ayos ka lang?" Nag-aalala kong tanong.
"Wala konting sugat lang 'to." Sabi niya sabay tago nito gamit ng kaniyang mga kamay.
"Samahan kita sa clinic gusto mo?" Umiling lang siya.
"Paano ka nasugat?" Hindi ko mapigilang hindi mag-alala. I feel really close to her for no reason.
"Ah kanina pa 'to, may gagawin pa ako." Sabi niya at ngumiti. Iniiba niya ang usapan.
"Anong nangyari kanina?" Bumuntong hininga siya mukhang nainis na sa pagtanong ko.
"Pwede ba? Ako na bahala rito." Inis niyang sabi at umalis. Tiningnan ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
HIndi ko mapigilan ang sarili kong habulin siya, nakita ko siya papasok sa lumang building at may kinausap. Nagtago lang ako sa makapal na puno dahil payat naman ako hindi ako makikita.
"Anong nangyari sayo?" Tanong ng lalaking mukhang mas matanda sa kaniya na rinig kong sabi sa 'di kalayuan.
"Sinundot ako ng breadknife, may sumugod sa'kin." Inis na sabi ni Mireille pero bakas sa tono niya ang pagkatuwa.
BINABASA MO ANG
I Do Sweet Vengeance
Teen FictionUnexplainable reasons. Unexpectable coincidence. Unacceptable fate. Siya ay ilang taong nagsanay upang magawa niya ang kaniyang misyon at kahit ano man ang mangyari lalaban siya para sa kaniyang kinikilalang pamilya. Mula sa kabilang panig, Siya ay...