Unexplainable reasons. Unexpectable coincidence. Unacceptable fate. Siya ay ilang taong nagsanay upang magawa niya ang kaniyang misyon at kahit ano man ang mangyari lalaban siya para sa kaniyang kinikilalang pamilya. Mula sa kabilang panig, Siya ay inatasan upang bantayan ang kaisa-isang tagapagmana ng kanilang katunggalian. Dalawa silang isa ang nais, at ito ay ang pagkakaroon ng kapayapaan ngunit ito ay malabong mangyari dahil sa mga katotohanan. Isa ang nais na makamit at hindi mawari ang nararamdaman sapagkat hindi na nila makilala ang kanilang mga sarili. Kapag pangungunahan ang emosyon? Magiging sagabal nga ba ito?