EA 2.5: Kwento

1K 37 1
                                    

Hailey's POV

Umayos ako ng tayo at tuluyang tumingin sa gawi ng mga kaibigan ko.

"Ayos ka lang ba, Ley?" Tanong ni Cey.

"Anong nangyari?" Tanong naman ni Bhabe.

Lahat sila ay may pagtataka at pag-aalala sa akin. I just to assure them that is everything is fine.

yeah, it's fine-- yet. It's fine as long as kumpleto at buo kami. Gagawin at haharapin ko ang lahat. Because ang buhay ay puno ng digmaan at laban, nabubuhay tayo upang lumaban at hindi sumuko. That is the value of life. Life is nothing without challenges. Kung iisipin mo na walang ganito, paano tayong mga nilalang na nabubuhay sa mundong ito? Wala tayong makukuhang aral, wala tayong dahilan upang lumaban at mabuhay. 

Lahat ng kasiyahan ay may katumbas na kalungkutan. Lahat ng sakit ay may katambal na lunas. Lahat ng ito ay may patutunguhan.

If you don't fight, you are weak. And no matter what happen just fight. If you win, take as a success experience to move to the next level of life. And if you lose, take it as a lesson to fight again until you success.

Life is worth it if you try. Life is nothing if you give up.

Tinignan ko sila isa isa at hinanap ang isang nilalang na pinaka-importante sa akin. Wala ito sa aking paningin, wala ito sa kinatatayuan namin.

Kumunot ang noo ko at kinabahan sa posibleng mangyari. Kinakabahan dahil alam kong totoo ang mga winiwika ng itim na enchantor na iyon. Kung alam n'ya kung sino ang trusthy ko ay may malaking posibilidad na may gawin s'ya upang mapagtagumpayan ang mga winiwika n'yang dapat na mangyari.

Magtatanong na sana ako at ibubuka na ang aking labi ng may nagsalita, "Nandito ka lang pala, Hailey. Kanina pa kita hinahanap." 

Nang makita ko kung sino ito, si Ney. Lumuwag ang sikip sa aking dibdib.

"Saan ka galing?" Tanong ko dito.

"Hinahanap ka malamang. Sino ba namang matinong nilalang na hindi mag-aalala sa isang prinsesa na umalis na lang bigla na may kakaibang kinikilos." Mahabang paliwanag nito.

May kung ano sa loob ko na may mali at hindi tama. Hindi ko nga lamang mawari kung ano ito. Pero huminga na lamang ako ng malalim at ipinasawalang bahala iyon. Tumango at ngumiti na lamang muli ako sa kanila.

"Nasaan sila ama at ina?" Tanong dahil napansin ko mula kanina ay wala sila dito. Nais ko lamang silang maka-usap.

"Nasa kaharian, mahal." Sagot naman ni Ash sa akin at saka ipinalibot ang kamay nito sa bewang ko.

Hinaplos ko ang kamay nito ng maramdaman ko ding ipinatong nito ang baba sa aking balikat.

Napag-alala ko sila ng husto. Hays. Bwisit kasi na enchantor 'yon masyadong pa-intense. Char.

"Halika na, bumalik na tayo." Sambit ko at nag-simula ng mag-hawak hawak ang lahat upang sumama sa amin na mag-teleport.

Ngunit bago ako tumuloy, nahagip ng mata ko si Ney na hindi kumapit sa amin at naglaho ng mag-isa.

Anong meron? Paano n'ya nagawa iyon? May kakayahan ba s'ya na mag-teleport at maglaho?

Nakarating na kami sa garden and I tilted my head because of the thoughts i'm having in. Something is wrong. I'll assure.

"Ayos ka lang?" Rinig ko namang tanong ni Ace.

"Ang wierd mo ngayong araw, Enchant. May nangyayari bang hindi namin alam?" Sa pagkakataong ito ay ang kapatid ko naman ang nag-salita.

ENCHANTED ACADEMY: Behind the truthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon