EA 2.26: Captured

365 17 4
                                    

Thin's POV

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nalulungkot ako, oo. Pero hindi ko alam kung tama bang maramdaman ko iyon. I mean, uunahin ko ba ang nararamdaman ko o mas uunahin kong iligtas ang mundong ito?

Hindi ko naman sinasabing isa ako sa pinakamalakas na kayang iligtas ang mundo. Hindi ako ang superman na kagaya sa mundo ng mga tao.

Hindi ko rin naman sinasabing kakalabanin ko talaga si Enchant.

Pero, umaasa pa rin ako na maibabalik s'ya. Hindi ko man alam ang tunay na dahilan kung bakit ito nangyayari, pero alam kong hindi niya ito ginusto.

Kilala ko kasi ang kaibigan ko. Naiisip ko na malaki ang responsibilidad nito at madami itong iniisip kaya nagpadala ito sa kadiliman. Hindi ko alam kung ano at paano pero sigurado ako doon.

She must be in pain and more and more.

Nasa kadiliman s'ya. Nasa panig ng kadiliman. At ang nangyari kanina ay isang matibay na ebidensya. Alam kong natapos na ang digmaan ng liwanag at dilim. Pero magaganap na naman at ano ang dahilan?

Ito ang kinatatakutan naming lahat. Alam naming posible itong mangyari. Maaari s'yang sakupin ng dilim dahil sa emosyong kalungkutan at galit. Kaya s'yang sakupin at kontrolin ng malakas n'yang mahika. Pero alam ko ding imposible na itong mangyari ngayon, ang mismong Gods at Goddess ang nagturo sa kan'ya at walang ni isang porsyento ang matatalo s'ya ng mahika. Kaya n'yang mag-balanse.

Ang gulo. Ang gulo-gulo.

Hindi ko na magawang idaan sa biro ang nangyayari ngayon. Walang kasiguraduhan o kaya naman ay malay mo mamaya o bukas o sa susunod ay kailangan naming lumaban. Kailangang may masaktan.

Nangyayari na naman ang nakaraan. Kung noon ay nawala si Enchant ngayon naman ay kalaban. Unti-unti na naman nalalagas ang royalties. Nakikita ko ngayon ang dating kami. Kami na tahimik na nakatanaw sa dalawa. Nasasaksihan ko na naman ang isang Vis na walang tigil sa pagluha at ang pagiging tulala ng isang Ash.

Napangiti na lamang ako ng mapait, see? Enchant? Ikaw lang ang may kakayahang gawin ito sa amin, pero parang awa mo na. Bumalik ka na. Wala pa mang isang linggo ng ika'y mawala pero parang ilang taon na ang lumipas.

Tumingin ako sa langit upang pigilan ang namumuong luha, ngunit imbes na matigil ay tumuloy ito sa pagpatak. Nakikita ko ang langit na hindi na katulad ng dati.

Akala ko pagkatapos ng digmaan noon, wala ng magaganap pa. Wala na dahil wala naman kaming nakikitang dahilan. Bakit?

Pinunasan ko ang luha ko at nagsimulang maglakad patungo kay Vis. Hindi ko naman naramdamang sumunod sila Ace kaya ipinasawalang bahala ko nalang. Tumitig ako sandali kay Vis bago magsimulang umupo sa tabi n'ya.

Rinig na rinig ko ang hagulgol n'ya. "Bakit ka naiyak?" Tanong ko, ngunit nagbalik ang ala-ala ko noong bata pa kami. Ganito rin kami, ang katagang binitawan ko ay aktong-akto.

Sandali s'yang natigilan at unti-unting nag-angat ng tingin sa akin. Nag-punas s'ya ng luha na parang bata at 'saka tumitig sa akin. "Ano ba sa tingin mo ang dahilan?"

Nag-kibit balikat ako at 'saka sumandal sa puno. "Dahil sa mga nangyayari? Hindi ka pa rin ba nasasanay?"

Inirapan n'ya ako, "Makapagsalita ka naman akala mo ikaw sanay na."

"Pwedeng oo, pwede ring hindi. Ang tanong ko bakit ka naiyak?"

"Kasi nalulungkot ako?"

Tumawa ako ng bahagya, "Bakit parang hindi ka sigurado?"

ENCHANTED ACADEMY: Behind the truthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon