Timer's POV
"Why in the hell that she's out there?!" my jaws dropped at napasabunot ako sa sariling buhok. How?! Paano s'ya napunta doon? Kailan pa?! Bakit? Anong mayroon?! Natatanga na ako sa mga nangyayari, ano bang nangyayari?!
"Paano nangyari 'yon? Sigurado akong nakita ko pa s'ya bago kami umalis at hanapin si Bhabe-- Teka, huwag n'yong sabihing sumunod s'ya sa amin?!" bulaslas ko at isa-isa silang tinignan na tila ba naghahanap ng sagot sa tanong ko.
"Hindi namin alam dahil hindi naman kami tutok sa inyong lahat mag-damag." tugon si boss Melon.
Nginatngat ko ang kuko ko at nag-simulang magpaikot-ikot ng lakad. Hindi ako mapakali, shit. Sinong uunahin ko? Hindi ako sigurado kung ligtas ba sa kinaroroonan ni Sydney dahil alam kong hindi pwedeng mamatay ang trusty dahil hihina ang kapangyarihan ng master n'ya.
"Pumirmi ka nga, Lix. Nakakahilo ka."
"Huwag n'yo nga ako sabing tatawaging Lix!" sigaw ko at huminto na, "Tell me, may magagawa ba si Sydney para maibalik o kaya naman ay tulungan kami sa paparating na digmaan?"
"Kakaiba ang mahika ng isang trusty. Bawat isa ay may pagkakaiba. Hindi ko tukoy kung ano ang sa kan'ya. Kung pupuntahan mo s'ya at tatanungin ay posibleng masagot ang iyong katanungan." Sagot ni Boss Con.
"Pero wala na akong oras para d'yan. Malaki ang mundo ng mga tao at hindi ko alam kung nasaan ba mismo s'ya. Lalo na ngayon, masisigurado kong magaganap na ang digmaan. Maaaring mamaya, bukas o sa makalawa. Nakuha n'ya na si Thin, simbolo na ang isang 'yon. Hindi ko alam kung ano pa bang binabalak ni Bhabe."
"Hindi kami pwedeng manghimasok sa mga desisyon mo. Pag-isipan mo ng mabuti. Oo, kailangan ka sa digmaan para makumpleto ang kulay o kaya naman ay hanapin mo si Earthin at ibalik sa mga royalties. O diya ay hanapin mo si Sydney dahil may posibilidad na may magawa s'ya at may dahilan ang lahat ng ito." Wika naman ni Boss Quake.
"Ang dami namang choices, hindi naman pwedeng all of the above dahil ako ang dehado at kulang ako sa oras. Hindi ako maaaring bumalik ng ito lang ang alam ko at sabihing si Sydney at si Thin ay nawawala. Tiyak kong naghahanda na din ang lahat ng Enchanters dito."
Nadako ang paningin ko kay Boss at nagkibit-balikat lamang ito. "Ito ba ang parusa n'ya? Ang kalabanin ang sarili n'ya? Alam kong hindi ito ang gusto n'ya. At alam ko ding hinding-hindi n'ya ito gagawin. Pero bakit ito? Alam ng nakatataas na magdudulot ito ng digmaan at hindi pagkakasundo ng itim at liwanag. Bakit ito ang parusa na inatang sa kan'ya?"
"May plano s'ya at huwag mong pangunahan. Alam n'ya ang lahat at huwag kang mag-salita ng gan'yan." Wika ni Boss Flash.
"Pero hindi n'ya naman kasalanang mabuhay muli. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang ginawa n'yang pagsasakripisyo sa sarili n'yang buhay upang ipanalo ang nakaraang digmaan."
"Dahil nabasa na n'ya ang libro at binago n'ya mismo."
"Ang kulit n'yo naman eh! Hindi n'ya nga kasalanan iyon! Sinong nilalang ang kayang bumuhay sa sarili n'ya?!"
"Huwag kang sumigaw! Lagyan ko ng tali iyang bibig mo eh!" -Boss Candy.
"Ang nakatala ay dapat manatiling magawa. Walang anumang mahika ang pwedeng mag-pabago doon. Kahit pa sabihin natin na hindi n'ya sinasadya o ginusto ang nangyari, kasalanan pa din iyon at dapat pagbayaran."
"Pero hindi naman iyon mangyayari kung pinigilan ng nakatataas!"
"Kapangyarihan ang ipinaubaya at ibinigay n'ya sa atin. Sa atin naka-depende ang bawat desiyon na gagawin natin. Alam n'ya ang lahat ng nagaganap ngayon pero hindi s'ya nangingialam. Kagaya ng nangyari. Nabuhay s'ya at nabago n'ya ang nakatala sa libro. Bakit? Dahil gusto n'yang maging responsable tayo, kailangan nating matuto sa sariling pagkakamali at kailangan nating bumangon mula sa pagkabagsak. Nasa atin ang mali, wala sa kan'ya." Mahabang wika ni Boss Bon.
Natahimik naman ako at napayuko na lang. Hindi ko na alam ang lumalabas sa bibig ko dahil naguguluhan at nahihirapan na din ako sa mga nangyayari. Ayokong may laban na maganap. Ayokong may buhay na mapahamak. Ayoko ng away. Ayoko ng digmaan. Ayoko ng kasamaan.
Namumuo na ang luha ko at napasabunot na naman ako sa sarili kong buhok. Kasalanan ko ito eh, ako ang nagbabantay kay Bhabe noon. At dapat nalaman ko ang nalaman n'ya, edi sana nagawan pa ito ng paraan. Bakit kailangan pang makita ang libro? Bakit kailangan pa?
Naiinis ako. Napaka-iresponsable ko. Hinayaan ko s'yang gumawa ng kasalanan. Pero paano kung hindi naganap ang kasalanang iyon?
Edi matatalo kami sa digmaan? Ugh! Nakakalito, nakaka-inis!
Katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa makita namin na biglang may lumitaw na isang bula sa salamin. Nahagip ko ang panlalaki ng mata nilang lahat at agad na kumilos si Boss Flash na iwasiwas ang kan'yang kamay at lumaki ang bula at lumikha ng mga imahe.
"Boo?" Nakita ko si Kait na nasa garden at mag-isa ito, palingon-lingon. "Anong nangyayari, Boss? Bakit ipinapakita n'yan kung anong nangyayari kay Boo?" Tanong ko pero wala ni isa sa kanila ang sumagot sa tanong ko.
Nag-lakad ito at tumatanaw sa kung saan. Maya-maya lang ay kumunot ang noo ko ng magtungo ito sa isang puno at doon ako napamura ng malutong ng makita ko si Bhabe na naka-upo sa likod ng punong iyon.
'E-Enchant?'
'Kamusta na ate Kait?' Tangina, anong nangyayari? Bakit bumalik na sa dati ang itsura n'ya at ang mga matang iyon ay ang nakasanayan kong titigan. Anong nangyayari?
'Anong nangyari sa'yo?! Ikaw ba talaga 'yan? Hindi ba ako nananaginip?!'
'Bakit? Mukha ba akong panaginip sa'yo? HAHAHA, na-miss mo lang ako eh.'
'Wah! Ikaw nga! Pinag-alala mo ako! Anong nangyari sa'yo? Ayos ka lang ba?' Niyakap n'ya ito ng mahigpit at nakita ko namang napa-ngiti si Bhabe.
'Ayos lang ako, pasensya ka na at pinag-alala kita. Pero ayos na ang lahat. Huwag kang mag-alala.'
'Sige, basta ang mahalaga bumalik ka na. At dapat bumalik na din si Boo baka magliwaliw pa 'yon at makahanap ng babae. Halika, sasabihin ko kila Vis. Sigurado akong titigil na 'yon sa kaka-ngawa na parang bata.' Aba, loko 'tong babaeng 'to! Hindi ako nagliliwaliw 'no!
Kumalas s'ya sa pagkakayakap at akamang hihilahin na n'ya si Bhabe ng hindi man lang ito kumilos. Kumunot ang noo n'ya, 'Bakit? Ayaw mo ba silang makita? Nag-aalala kami ng matindi sa'yo at mabuti pang magpakita ka na sa kanila bago ka pa namin bugbugin. HAHAHA!'
Unti-unti itong nag-angat ng tingin sa kan'ya at doon ako kinabahan ng matindi, 'Hindi na, actually ikaw lang talaga ang kailangan ko.'
Kumuyom ang kamao ko sa sumunod na nangyari. Shit.
➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪➪
Black's Note"Madaming pamimilian, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang iyong pupuntahan."
Thank you Purples. Vote and Comment. Continue supports. I purple You.
BINABASA MO ANG
ENCHANTED ACADEMY: Behind the truth
FantasyNabago ang mga pahina. Naging kumplikado ang bawat alaala. Ano nga ba ang nakatakda? Nakatakda na dapat hindi mabago ng anumang mahika. Book 2 of EA:TLLP ENCHANTED ACADEMY: Behind The Truth •MAGIC SERIES #2 COMPLETED. ©All Rights Reserved.