EA 2.15: Mahirap

505 23 0
                                    

Black's POV

Pagpapatuloy sa pagsubok na hinaharap ng mga royalties. Walang sino man ang may alam kung ano ba talaga at kung tungkol saan ang huling pagsubok.

Ngayon naman natin simulan ang kalagayan ng Prinsipe Cravis.

Isang sariwang hangin ang kan'yang nalalanghap. Isang pamilyar na lugar ang kan'yang kinarorooonan. At isang pamilyar na paligid ang kan'yang nasisilayan.

'Bumalik na ba kami sa Academya?'

Buong pagtatanong ang umuukit sa mukha nito ngunit sa kabila noon ay nagpatuloy s'ya sa paglalakad.

Sa bawat hakbang, hindi n'ya alam kung saan ba s'ya patungo. Na para bang hindi s'ya ang komokontrol dito.

Hanggang sa huminto ito sa kanilang hardin at isang senaryo ang putanginang ayaw na ayaw n'yang balikan pa.

Nakita n'ya ang kan'yang ina na nakahiga sa damuhan na puno ng sugat at wala ng hininga.

Nanlulumo at nanlalambot na ang kan'yang tuhod sa nasasaksihan.

Isang ingay na puno ng tawanan ang kan'yang narinig na naging sanhi ng kaniyang paglingon sa kabilang banda.

Ang saya na nauwi sa tahimik, gulat at pagpatak ng mga luha.

Nakikita n'ya doon ang sarili n'ya kasama ang mga kaibigan n'ya.

If he can turn back the time, if he can prevent this things to happened. If he can--

"What is your wish?"

Tila ba isang lason sa kan'yang utak ang salitang iyon na tila ba naglalaro at bumalot sa buong sistema n'ya.

This is his chance, what would it be? "I wish...

Mula naman sa kabilang banda, nasa isang lugar lamang ang prinsipe Ace at ang prinsesa Shille.

Magkatalikod at ilang metro ang layo sa isa't-isa.

Nasa harap sila ng isang memory bubble, isa itong mapanlinlang na uri ng mahikang isip.

Maaari nitong ipakita ang kahinaan mo, ang nakaraan mo o ang hinaharap mo. Pero ang tanong, bago ka humanap o lumikha ng isang ganito, dapat handa ka sa kung anong makikita mo.

Dahil sa oras na makita mo ang kahinaan mo, matatakot ka. Sa oras na makita mo ang nakaraan mo, masasaktan ka. At sa oras na makita mo ang hinaharap mo, masisira ang lahat.

Nakadikit at tutok na tutok ang paningin ng mga ito sa memory bubble na nasa harapan nila.

Pareho ang naglalarong senaryo doon, parehong kahinaan at nakaraan ang nakikita.

Abril 26, araw ng huwebes at alas dos ng hapon sa kaharian ng Winter Kingdom.

Ito ang araw ng hindi pagkakaunawaan nila. Hindi sila maayos, hindi sila bati.

Ang lahat ng ipinapakita nila sa kanilang mga kaibigan ay hindi totoo.

Sa eksenang ito, ang kapatid ni Ace na si Blake.

Wala pang kasiguraduhan ang magiging susunod na hari sa dalawang magkapatid. Si Blake ba na mas matanda ang karapatdapat o si Ace na ilang beses na napatunayan na kaya n'yang pamunuan ang isang kaharian.

ENCHANTED ACADEMY: Behind the truthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon