Black's POV
Patuloy pa din ang laban ng lahat habang ang isa naman ay pahikab-hikab pang nanonood sa laban ng mga Royalties at maging ibang Chanes na din.
Bawat pagpatay nila sa mga kalaban ay ganoon din ang paglabas ng iba pa mula sa portal. 'Gumawa kayo ng gulo doon sa gitna, kunin n'yo ang atensyon n'ya para magawa kong masara ang mga portal.'
'I will distract her first.' Saad ni Ash at bigla na lamang naglaho. Nag-teleport ito patungo sa likod ni Enchant. At akmang tatakpan n'ya ang mga mata nito ng bigla itong tumayo at humarap sa kan'ya ng naka-ngisi.
Tumaas-baba ang kilay nito kay Ash na naka-tingin lamang sa kan'ya ng blangko. "Why are you here? You want to kill me?"
"No. I want you back." Tugon nito.
Bigla namang natawa si Hailey ng sarkastiko. "Don't make me laugh. Baka pigilan ko ang mga pinag-usapan n'yo."
'Shit, she heard us.' Ash said to them.
'Anak ng. Nakakagigil talaga ang kapangyarihan n'ya! Leche!' Hasik naman ni Shille.
'Ano ng gagawin natin?' Tanong naman ni Thin.
'How about katulad ng tinuro ni Lady Zaizukee?' Halos mapatalon ang lahat ng marinig nila ang boses ni Enchant.
'Oh, natahimik kayo? Ang gagaling pa naman sana ng mga plano n'yo.'
'Play fairly.' Sabat naman ni Ace.
'Hoy, fair na nga ako eh! Kita n'yo nang hindi ako ang nalaban diba?'
'Then shut down the portal.' Wika ulit ni Ace.
'Hahaha, hoy. Huwag mo akong pinapatawa kuya Ace. Hindi ako uto-uto.'
'Ah, talaga ba? Eh, bakit nagpa-uto ka sa Darkian na 'yon?' Sabat naman ni Vis.
'Hindi ako nagpa-uto kuya. Sadyang may kailangan lang talaga ako.'
'Ano ba 'yang kailangan mo?' Tanong naman ni Calix.
'None of your business, Lix.'
'Don't freaking call me that!'
'Bakit ayaw mong sabihin? Isa lang ang ibig sabihin n'yan, alam mong nauto ka.' Wika naman ni Thin.
'And what the heck do you know?'
'I know nothing, but I can know something. Naniwala ka sa mga sinabi noon? Paano kung traydor 'yan?'
'Shut up.'
'Bakit guilty?'
'Tangina, tumigil ka. Wala tayo sa court.'
'Ikaw ang tumigil! Tama na 'to, Hailey!' Saad ni Kait.
Napa-irap na lamang ng wala sa oras si Enchant at akmang aatake na sa kanila at mag-lalabas ng mahika pero bigla na lamang s'ya nawalan ng malay.
Nag-sara din ang portal at nawala ang mga kalaban. Nanlaki ang mga mata ng lahat at agad na lumingon sa gawi n'ya. Mabilis na lumapit ang mga Royalties sa kan'ya.
"Anong nangyari?!" Tanong ni Vis at hinawakan ang pisngi ng kapatid.
"Ash, halikan mo! Dali!" Sabat naman ni Shille.
Nangunot naman ang noo ng lahat dahil sa sinabi n'ya, "Duh, a princess in asleep needs a prince kiss to awake-- Aray!"
Dumaing ito matapos batukan ni Ace. "Manahimik ka, wala munang biro-biro dito."
"Huwag kayong mag-alala, pinakalma ko lang s'ya at agad na kakausapin." Napalingon ang lahat sa nag-salita at nagulat ng makita si "Sydney?"
Simpleng ngiti lang ang tugon nito sa kanilang lahat at agad na lumuhod sa tabi ni Enchant. "Usod ka ng kaunti, Vis." Natulala naman ito sa kan'ya bagamat ay umusod din.
Luminga-linga ang babae at napa-iling na lamang. "How the heck did you escape?!" Napalingon naman silang lahat sa Darkian na kasama ni Enchant. Nakalimutan ko ang pangalan, hindi naman s'ya importante.
Parang tigre naman na nanlilisik ang mata ni Sydney dito at 'saka tumayo't agad na lumapit sa lalaki. Naglabas ng mahika ito at wala lang kay Sydney na iniwasiwas ito. Nanlaki naman ang mata ng lahat dahil sa ginawa n'ya. Mas binilisan n'ya pa at agad na sinakal ang lalaki, "Walang kwenta 'yang mahika mo kapag ako na ang kaharap mo. Iba magalit ang mga trusty na katulad ko."
Mas diniinan pa nito ang pagkakasakal at ini-angat ang lalaki. Kahit anong pag-pupumiglas ang gawin nito ay wala lamang kay Sydney. "How dare you to deceive my friend?!" Malakas na sigaw nito at bigla na lamang tumalsik ang lalaki.
"Deceive? H-Huwag kang mangarap. Ginagawa ko lang ang iniutos sa akin." Nangangapos na hiningang wika nito.
Naisuklay na lamang ni Sydney ang kan'yang daliri sa sariling buhok at 'saka itinapat sa kan'ya ang palad at may lumabas na puting mahika. Nakulong sa isang bula ang lalaki. Ginalaw n'ya ang kamay upang mapalapit sa kan'ya ang bulang 'yon.
"Isang tusok ko lamang dito, kasama kang mawawala at sasabog. Ang iniutos sa'yo ay tanggalan ng pansamantalang mahika ang prinsesa at hindi ang kontrolin sa pansariling kagustuhan!" Nag-summon ito ng malaking karayom at aktong itutusok ng tumigil s'ya.
"Hindi ako ang tatapos sa'yo. Hahayaan ko na ang nakatataas ang gumawa noon." Saad n'ya at 'saka tumalikod.
Sakto namang nag-mulat na muli si Enchant na nagpapalit-palit ang kulay ng isang mata sa itim at lila. Agad na lumapit sa kan'ya si Sydney at hinawakan ang kamay n'ya. Umilaw iyon at naging stable sa lila ang kulay noon.
Nakita ni Hailey ang mukha ng mga kaibigan at ang kapaligiran. Unti-unting tumulo ang luha n'ya at napapa-atras. "L-Lumayo kayo."
"Mahal?" Saad ni Ash na nagtangkang lumapit pero naglabas ito ng mahika. "Sinabi nang lumayo kayo!"
"Huwag kang mataranta." Napalingon muli ang lahat sa bagong sulpot na lalaki.
'Ito ba ang sinasabi mo, Timer?' Tanong ni Vis.
'Oo at malapit ng matapos ito.'
"S-Sam?"
"Sa wakas, nandito ka na din!" Sigaw ni Timer. Sinamaan naman s'ya ng tingin nito at itinaas ang dalawang kamay n'ya.
"Let me help you, princess. You have been hurt enough."
Lalo namang naiyak si Hailey dahil sa sinabi nito, "I'm tired. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong madamay pa ang mga kaibigan ko sa pangyayaring nabago ko..." halos bulong na saad nito na narinig naman ng lahat ng Royalties.
"Anong pangyayaring nabago?" Tanong ni Kait.
"Anong nangyari, magsabi ka nga sa amin." Saad naman ni Vis.
"Did you change something from the Book?" Tanong naman ni Ash.
Nag-iwas lamang s'ya ng tingin sa mga ito nang biglang lumitaw ang isang nilalang kasama ang ama n'ya na nahihirapan sa paghinga. Nanlaki ang mata n'ya at lumapit sa ama. Napahikbi s'ya at tuloy tuloy na naman ang luha.
Halos manlabo ang mata n'yang nilingon si Sam. Lumakas ang bawat pag iyak n'ya, "P-P-Please! H-H-Help me!"
BINABASA MO ANG
ENCHANTED ACADEMY: Behind the truth
FantasyNabago ang mga pahina. Naging kumplikado ang bawat alaala. Ano nga ba ang nakatakda? Nakatakda na dapat hindi mabago ng anumang mahika. Book 2 of EA:TLLP ENCHANTED ACADEMY: Behind The Truth •MAGIC SERIES #2 COMPLETED. ©All Rights Reserved.