EA 2.9: Approach

742 28 6
                                    

Timer's POV

Ang daming bagay ang nangyayari ngayon. Akala ko kapag natapos na ang digmaan ng liwanag at kadiliman ay magiging maayos at panatag na ang bawat isa.

Hindi naman sa inaasahan kong wala na talagang problemang magaganap, pero I expected that the things will now be more easier.

Pero makalipas ang isang taon, nakararamdam na naman ako ng isang pagtutuos o panganib, hindi ko nga lamang matanto kung ano at kung kailan ba iyon magaganap.

Inaral at nag-ensayo ako ng mabuti sa kakayahan kong makakita ng hinaharap. Ilang beses ko na iyon nagamit at tama naman ang lahat ng nakikita ko. 

Pero this past few days, something seems off.

I felt uneasy. Sinusubukan kong makita ang magaganap pero simula noon, wala na akong makita. Hindi na nagana ng maayos ang kakayahan ko. Tila ba may pumipigil, sa tuwing sinusubukan ko, iba ibang senaryo ang nasisiliyan ko. Magulo at nagpapakita sa akin ng isang bangungot sa buhay ko. Ang mga pangyayari na ayaw na ayaw kong makita at maganap.

May takot na akong gamitin ang future ability ko, nag-aalinlangan. At dahil sigurado naman ako na kahit anong pilit ko, ako at ako lang naman ang mahihirapan. May dahilan kung bakit hindi ko iyon magamit at iyon na lamang ang aalamin ko. 

Bibisita ako kay Boss kapag naka-usap ko na si Bhabe ng maayos. Alam ko naman ngayon na wala munang makakausap sa kan'ya, her mind is occupied by some thoughts.

But, honestly. Bhabe is kind of different, before pa noong mangyari ang kakaibang kilos n'ya patungo sa forest. Para bang ang dami na n'yang sikreto. Nagtatampo na nga ako eh, hmmp. 

Just kidding not adulting. -_-

Pero sa totoo lang, ang gwapo ko talaga.--

Gusto kong malaman ang nangyari sa reyna, nakapagtataka. 

Parang ang lahat ng kakayahan ko na makaalam sa mga pangyayari tungkol sa mga ganito ay wala ng kwenta. Katulad nga ng sinabi ko kanina, it is blocked.

Isa ako sa mga pinakamahusay at may malakas na koneksyon sa mga god and goddess. Malakas ang kakayahan ko. Pero pwede itong mapigilan kapag ang mismong god at goddess ang gumawa o may mga katulad ko na may koneksyon din sa mga ito. 

Pero alam ko din naman na hindi iyon gagawin nila boss, i did nothing to deserve that kind of thing.---Unless, the highest almighty god did it.

Wait? Did I say the highest almighty god?-- It's possible, but why? Sa anong paraan?

May nagaganap na hindi ko alam. May nagaganap na sigurado akong tungkol sa prinsesa.

Ano na namang ginawa mo bhabe? 

"Ley, it's been already 3 days. Can you come out there? We miss you, come on we can talk."

Narinig ko ang boses ni Aicey kaya't unconciously ay lumingon ako sa direksyon nito na sigurado namang sa labas ito ng silid ni bhabe.

I deeply sigh, no matter what we do hindi ito nag rerespond sa amin. At hindi naman namin mapasok ang  kwarto nito dahil sa mahikang ipinalibot n'ya.

Wala kaming balita. Wala kaming alam kung ano bang nangyayari sa kan'ya. Nag-aalala kami, dahil kahit na mismo sina Ash at ang kan'yang kapatid at ama ay hindi din nito pinapansin.

Wala ding ingay o kahit ano man na nagpapaturing sa presensya n'ya.

Wala na akong magagawa, paglubog ng araw at hindi parin s'ya lumalabas at nagpapakita sa amin ay liliban ako at tutungo kina boss upang humingi na ng tulong. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga nangyayari ngayon.

ENCHANTED ACADEMY: Behind the truthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon