Chapter 1

289 109 7
                                    

Sa maliit na eskinita may mga lalaki nambubugbog sa isang estudyante.
Nagmamakaawa ito habang umiiyak. Putok ang nguso at may black eyed sa kaliwang mata. Nakauniform ito at magulo ang mahabang nitong buhok.

"Patawarin ninyo ko di ko na gagawin 'yon" pagmamakaawa nito.

"Ang sabi samin ni Boss Marcus kailangan kita bigyan ng leksyon"
sabi nung unang nambugbog sa kanya.

"Ako naman pre, hahaha!" tawa ng pangalawang lalaki saka sinutok sya sa sikmura.

"Tama na yan mga pare baka mapatay nyo na 'yan.Yare tayo pag nagkataon" sabi ng pangatlong lalaki.

"Parang awa nyo na magkanu ba kailangan ninyo?" tanung nito kahit nanghihina na.

"Bibigyan pala tayo dapat kanina mo pa sinabi" sabi ng pangatlong lalaki habang nagsisindi ng yosi.

"Di namin kailangan ng pera mo mas mapera si boss hahaha..."
sabi nung pangalawang lalaki.

Hindi na nya kaya hinanghina na sya.
Nagdadasal na lang sya sa panginoon na patawarin ang mga ito sa ginawa sa kanya. Wala na siya kawala. Susuntukin na siya ng ulit sa mukha pero walang tumama.
Pinilit nyang dumilat at nakita nya isang nakauniform nakapants at binubog na neto ang tatlong lalaki.

"Mga walang hiya kayo!!!
Tatlo laban sa isa mga lalaki ba talaga kayo?" galit na sabi nito.

Sinugod niya ang mga ito. Ang isa sa sikmura niya pinatamaan, isa naman sa mukha putok na ang nguso at ang huli sa maselan na bahagi. Lahat sila mga lantang gulay at bagsak sa sahig. Agad ito lumapit inalalayan siya sa tumayo.

"Kinuha ko na bag mo kaya mo ba?tanung nito sa kanya.

"Bes, kaw pala yan" sabi nito at pilit na tumayo at humakbang sa paglakad pero natumba siya.

Lumapit si Jack at kinarga siya sa likod kahit mabigat ito kakayanin nya para madala sa pinakamalapit na hospital.

"Kumapit ka lang Jill, huwag ka matutulog ha?"

"Maraming salamat bes, kung di ka dumating patay naku!"

Nakahanap siya agad ng hospital. Inasikaso agad ng nurse ang kaibigan niya at nilagyan ng benda ang mga sugat nito.

"Bes,ok ka na ba?" tanung ni Jack sa kanya. Tumingin ito sa kanya.

"Okey na kahit,nanghihina pa rin, ikaw hindi ka ba nasaktan?"
sabi naman nito.

"Ako pa ba wala panama sa mga muscles ko yan!" biglang tinaas ang kanan braso.

"Loka ka talaga bes, salamat kung hindi ka dumating malamang deadbol naku" sabi nito.

"Wala yun anu pa silbi ng pagkakaibigan natin mabuti nakita kita dun."

"Kasalanan ko din bes, kaya hayaan muna" sabi ni Jill sa kaibigan.

"Ngayong gusto ko malaman kung bakit ka nila pinagtutulungan?
May narinig ako Marcus ang pangalan. Anu ba ginawa mo dun sa tao?" tanung ni Jack. Hindi makakibo si Jill kaya umiling na lang.

"Sumagot ka kung hindi isusumbong kita kay Tita Mina sa mga pinaggagawa mo"

"Huwag bes,magagalit si Mommy sa'kin. Sige sasabihin ko na.
Half day lang kami kanina bago umuwi pumunta muna ako sa cr.
Nagulat ako nagmamadali pumasok sa loob si Marco. Pagpasok ko wala naman sya doon. Di masyado nakasara ang isa sa pintuan kaya doon ako pumasok. Pagbukas ko nakita ko..." biglang tinakpan ang bibig.

"O, ba't tumigil ka jan sa pagsasalita! Iniinis mo ba ko?"

"Hindi pero wag dito,tignan mo nakatingin sila sayo" sabi ni nito habang nakaturo ito sa tinutukoy.
Ngayon lang nila napansin puro babae pala ang pasyente.

"Ang sweet naman nila!!!" sabi nung isang babae.

"Naku' mukhang di sila magjowa
ang gwapo nung lalaki, crush ko na siya" sabi ng katabi nito.
Biglang kumindat kay Jack.

"Bes, kaya mo na ba maglakad ihahatid na kita sa inyo" sabi nito
at hinatak na palabas ang kaibigan.


End of chapter.🤗

Note: Thank you sa mga nagview sa bagong ko story sana magustuhan nyo. I'll try my best na matuloy ko ang story😊😊😊



















Over the MountainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon