IntramuralsJill POV
Dumating na din pinakahihintay namin ang Intrams. Dito gaganapin ang event dahil isa sa pinakamalaking university ang school namin. Unang araw uumpisahan ang sports at matatapos hanggang bukas. Pagpasok pa lang ng gate dami agad na mga estudyante aligaga sa pagbuhat ng mga gamit para sa mga booths nila, ung iba nagmamadaling tumakbo at isa sa mga player ng basketball bumanga sa akin mabuti pasensyoso ako. Nasalubong ko si Ate Racks isa sa mga kagroup ko sa volleyball at hinahanap naku para sa warm up namin para sa competition.
"Ikaw na lang hinihintay namin" bungad ni Diego isa sa mga alipores ni Marcus at teammate ko din siya para volleyball male division. Nagumpisa na warm up namin after nun diresto na kami sa Gymnasium. Six schools ang maglalaban ngayong taon para sa volleyball. Ang aming school ang unang lalaban para sa unang match.
Tumingin ako sa audience hinahanap ko si bessy malamang di na darating para manood dahil may practice pa ito para mamaya sa laban niya ng taekwondo. Malapit na magumpisa ang laro namin. Napasinghap ako may kumalabit sakin paglingon ko si bessy. Niyakap ko siya at teary eyed ako sa pagaakalang hindi na siya darating."Uy' bes napano ka! Ang aga naman ng kadramahan yan sige ka matatalo kayo niyan" biro niya sakin.
"Akala ko kasi di ka manonood! Thank you nakaabot ka! This year kami ulit mananalo." habang pinapahid ko ung luha ko.
"Oo na sige dun lang pwesto namin support kami mga classmate mo." turo niya sa pwesto nila. Nilingon ko sinabi niya nakita ko mga classmates namin may hawak na tarpaulin.
GO GO GO WE CAN DO IT JUNIORS!!!"Anung oras laro mo mamaya?" tanung ko sa kanya.
"Bukas pa kami kaya ikaw naman magchecheer para sakin. Nalate lang kami kasi ginawa ko ung tarpaulin at hinagilap ko sila nakalimutan nila ngayon ang laro mo." nagpaalam na ito at naglakad papunta sa pwesto ng mga classmates namin.
"Huwag kayo magalala kami ang mananalo." pahabol ko sabi.
Sumenyas na si Ate Racks at tumakbo naku pabalik sa teammates ko. Nagumpisa na ang laban namin ang lakas ng cheer nila kaya ginanahan kami sa paglalaro. Naging mabilis ang laro at kami ang naging winner. Ako ang nagpanalo samin muntikan na kami matalo dahil ang kalaban namin 1 point lamang ngunit alam ko samin ang championship. Naghiyawan kami at lumapit mga classmates ko. Ang saya saya dahil 1st. game plang kami agad ang panalo. Next game ang Basketball.
"Hindi ka ba manonood mamaya sa game ni Marcus?" tanung ko kay Jack.
"Hahabol na lang ako ireserve mo ko ng seats ulit kasi pupunta ako ng Drama Club para magjoin sa Film Showing natin."
"Wow mabuti nagbago ang isip mo!"
"Sayang kasi nandun kayo nila Kim at support ang mga teachers natin."
"Sige balik ka agad ha!" Lumakad na ito at umalis.
"Ang galing galing nyo Jill!" ani ni Kim sabay abot ng bottled water sakin.
"Syempre naman kami pa ba!" sabi ko habang umiinom ng tubig.
"Bakit nagmamadaling umalis si Jack?" baling nito sakin.
"Hahabol daw siya sa registration para sa Film Showing natin. Last day na kasi ngayon." paliwanag ko.
"Mabuti naman makakasama natin siya. Ang alam ko magbubunutan ulit kung anung role mapupunta sayo."
"Hay naku ayoko na Maria Clara ang hirap gampanan hehe..."
"Bagay naman sayo ang galing mo kaya umacting. Alam ko makakasama din natin sina Gretchen at Juancho."
BINABASA MO ANG
Over the Mountains
RomanceBest friend's forever yan ang tandem nila mula pagkabata. Si Jack handang ipagtanggol sa lahat ng oras ang kaibigan. Si Jill naman dinadamayan ang kaibigan at handang ibigay ang lahat para dito. Sa hinding inaasahan na pangyayari ay magagawa nila ma...