Chapter 5

180 95 9
                                    


Ang Exodus isa sa kilalang fraternity sa bansa. Isa sa mga nagtaguyod nito
naging estudyante din sa SSU.
Mula ng iniwan nito ang kapatiran ay marami umasam na pamunuan ito.
Ang huling humawak sa posisyon nito ay wlang iba kundi si Marcus Polinar.
Sumali siya dito dahil gusto niya maging tanyag, malakas at magkaroon ng takot ang iba sa kanya.
Isa sa rason kung bakit siya napabilang dito dahil sa masamang karanasan ng kanyang kabataan.

Anak sa buho yan ang bansag sa kanya noon, dahil wala siya ama at wala din ang kanyang ina pag kailangan niya ito. Lagi nasa trabaho at kung uuwi umaga na kaya nasanay siya na lang nagaasikaso sa kanyang sarili.

Ang kwento ng kanyang ina noon,
sa isang club naging customer nito ang kanyang ama.
First time nito pumasok bilang waitress sa club nung makita siya ng kanyang amo kinausap siya nito galingan niya at bibigyan siya ng napakalaki pera ng mga customer.
Lagpas ng isang buwan ang pananatili niya sa club na 'yon ng makilala nito ang kanyang ama. Love at first ng makita ito ng kanyang ina ganun din ang lalaki nagandahan sa kanya kaya di siya tumanggi sumama at dalhin sa motel.

First time nito sumama at wala pa siya karanasan. Mabilis ang pangyayari sa kanila at ito din ang nakakuha ng virginity nito.
Binayaran siya nito ng napakalaki pera worth 50k dahil nagustuhan nito ang serbisyo niya. Isang linggo lang sila nagkasama at nagmahalan pero tulad ng kanta ni Imelda Papin hindi na ito nagpakita sa kanya.

Alam ng kanyang ina isa itong seaman nagbabakasyon sa bansa. Sobrang lungkot si Emmy at dinamdam mula ng mawala ang lalaki. Kahit sa maiksing panahon sila nagkasama ay minahal niya ito. Makalipas ang isang buwan naduduwal ito at nalamang buntis. Pumunta ito sa pier kung saan dumadaong ang barko sinakyan nito nagbakasakali na makakuha ng impormasyon.

Ang alam ng kanyang ina ang pangalan nito, Marcus Shin isang koreano,ngunit nabigo siya dahil walang ganun pangalan ng seaman na nakasama nung nakaraang isang buwan. Ibig sabihin nito niloko siya ng lalaki kaya wala na siya alam sa kinaroroonan pa nito. Nung una gusto niya ipalaglag ang bata ngunit natakot pa din siya sa karma. Mabuti at mabait ang kanyang amo kahit nagagalit ito sa kanyang kagagahan.

Makalipas ng siyam na buwan nilabas niya ang isang maputi at malusog na batang lalaki kamukha nito ang ama. Ilang buwan lang nagpahinga ang kanyang ina at bumalik na ito sa club ngunit hindi sa dati sa iba na kung saan mas malaki ang kikitain. Dahil sa mga nangyari sa kanya naging manhid na ito kung sino2x lalaki ang kinakasama nito.

Nung nasa elementarya siya nakilala nito si Ding sa bar, binata ito at handa siyang tanggapin kung ano ang nakaraan niya. Madaling napaibig nito ang kanyang ina at nagsama sa isang bubong. Dun niya nalaman napakabatugan nito halos ang kanyang ina nagtatrabaho.

Ang lalaki naman ang nasa bahay kapag nasa bahay ang kanyang ina maamong tupa ito. Dahil sa uto-uto ang kanyang ina hindi nalaman nito na sinapit niya sa amahin. Kapag di siya sumusunod sa utos at nagkamali papaluin siya nito ng matigas na kahoy at laging kinukurot.

Napansin ito ng kanyang ina mga pasa niya ngunit ang sabi ng amahin "matigas ang ulo ng anak mo lagi naglalaro sa labas laging banatan ang gusto sa mga kalaro."

Di niya magawang magsumbong sa kanyang ina dahil pag ginawa niya 'yon papatayin daw sila nito.
Sa school naman lagi siya niloloko at pinagtutulungan ng mga bata.
Sa mga nangyari ay nagrebelde siya.

Isang pangyayari bago umuwi sa bahay hinarangan siya ng lima mga estudyante nasa highschool mga ito base sa kasuotan. Walang sabi sabi sinuktok siya at pinagtutulungan.
Ang bumubugbog sa kanya isa sa kuya ng nakaaway niya nung nkaraang linggo. Ito ang gumanti dahil sa ginawa niya sa kapatid nito.

Halos lupaypay na siya di na makakilos akala niya katapusan niya pagdilat niya ang limang lalaki bagsak at nakita ang isang binatang lalaki lumapit at kinarga siya. Dinala sa malapit na hospital. Umiyak ito nagpasalamat sa lalaki.

Over the MountainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon