Chapter 13

118 27 3
                                    

Jill's POV

Kinakabahan ako.... ngayon na maguumpisa ang acting namin para sa project kay Mam Lucia ~
Ang play ng Noli Me Tangere.
Nandito kami ngayon sa auditorium kasi mas malawak ito kesa sa room namin tapos ang dami mga estudyante sumisilip.

Ang ibang classmates ko busy sa paglalagay ng mga props at iba naman nagbibihis ng costume at  nagrerehearsed ng lines nila.

"Hi! Jill nasan si Jack?" tanung sakin ni Kim Taba.Napangisi ako sa itsura niya magaling ang nagmake up sa kanya para magkaroon ng konting wrinkles sa mukha. White long sleeves at khaki pants suot niya at may nakapalibot na asul na scarf.
Nakadagdag pa ang tungkod niya sa pagganap bilang Pilosopong Tasyo hehehe....

"Kanina ko pa nga hinahanap ang babaita na yun! Sa totoo lang kinakabahan ako kasi alam mo na pinakamagandang character sa nobela ni Jose Rizal si Maria Clara"
sabay pamaymay ko.

"Nakakatuwa ka naman kuhang kuha mo na ang galaw ng isang dalagang pilipina!" papuri nito sakin.

"Salamat!"

"Oops! Mabuti nakaabot ako! Hindi pa ba naguumpisa?"tanung ni Jack samin habang hinihingal ito.

Napatingin ako sa kanya nakasuot siya ng black americana with necktie at black pants.Sakto lang buhok niya siguro nilagyan ng hair wax at ginamitan din ng spray net para magkaroon ng style ng buhok niya.
Nakasombrero din siya na bumagay sa look niya mukhang naging matipunong lalaki si beshy.

"At sino ka naman ginoo?"kunwaring tawag ko sa kanya.

"Crisostomo Ibarra at your Service,Madam!"sabi nito sabay yukod ng ulo nito at hinila ang kaliwang kamay ko para ilapit sa kanyang labi.Nakatingin sa aming pwesto ang mga classmates namin. Akala ko hahalikan niya kamay ko pero hinawakan niya lang ng mahigpit.

"Akala mo naman totohanin ko, no!"sabay bitaw sa kamay ko.

"Malapit na ang play natin kaya dapat galingan natin para sa grades!haha!" tawa nito habang tinaas ang kanang kamay.

Kung makikita nyo lang itsura nya para siyang nababaliw pero ganyan talaga sya excited para sa grades.

"Bessy! Bakit ngayon ka lang dumating akala ko ba magpapractice pa tayo?"tanung ko sa kanya.

"Sorry, may nangyari lang."sabi nito.

"III - Rizal, maghanda na kayo pagkatapos ng 10 minuto maguupisa na kayo sa inyong play!!!"sigaw ni Mam Lucia.

Dumating ang magiging judge namin
Ang una si Sir De Guzman -P.E teacher
Sumunod si Sir Mallari - Aralin Panlipunan teacher at ang panghuli si Kuya MJ ang president ng student council. Naku! good luck samin ni bessy judge pala kuya niya malapit na maguumpisa.Ngayong araw nirequest talaga ni Mam Lucia isang subject lang sa araw na to para makapili sila ng gaganap sa mismong event.

Saktong 8am nagumpisa ang role play namin. Lahat kami pumunta sa gitna at pumila sabay sabay yumuko ng ulo sa harap ng audience.
(Lord please help me wag kabahan at magkamali. Amen🙏)sabi ko sa sarili.

Nagumpisa na ang play bawat isa todo effort at memorize ang kanilang monologue.

"Ako nga pala si Juan Crisostomo Ibarra Y Magsalin. Masaya akong nakita ko kayo ngunit ako'y mas masaya dahil ako'y nakabalik sa aking inang bayan.Nang matapos ang pitong taong pagaaral ko sa Europa; huwag sana kayo magkamali nakalimutan ko na ang bayan na ito."

"Umuwi ako para malaman ang pagkamatay ng aking ama.
Nalaman ko kay Tinyente Guevara kinahantungan ng aking Ama."
"Nakulong siya dahil tinulungan niya ang musmos mula sa malupit na kolektor.Walang Awa!!!Mga Kastila!!!"

Over the MountainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon