Chapter 9

160 77 5
                                    


Jill's POV

Isang magandang araw na naman sarap talaga ng gising mo lalo na't weekend. Oo nga pala pupuntahan ko si beshy sa kanila ngayon kasi ang start ng training no# 1 ko sa kanya.
Nagalit kasi 'yun sakin need ko din matuto ng self defense para just in case may manakit sakin kaya ko depensahan ang sarili ko.

Pagbaba ko ng dining may nakahain na breakfast may napansin ako sticky note na nakalagay sa lamesa. Bilin pala ni Mommy hindi niya ko ginising para magpaalam kasi masarap ang tulog ko. Umalis siya agad kasi may 3 Day Sale sa SM North. Ganyan ang mommy ko laging updated sa mga sale medyo wais siya bibili lang sa mall kung may sale or discount.
As usual naman gamit niya ang kotse,
Honda Civic mamaya paguwi nun di na magkandaugaga sa mga pinamili niya.Binilisan kong kumain,naligo at nagprepare papunta kina Jack.

BFF / Bestfriends forever ko talaga siya since elementary. Una ko siya nakita nung grade 1 short hair at nakabangs.
Ang cute niya sa suot niya uniform at nakaskirt lagpas hanggang tuhod at medyas niya kulay puti na may lace.
Hello Kitty ang backpack niya.
Ang bag ko naman Spiderman tapos hatid sundo din ako ni Mommy sa school.Hindi kami magkaklase ni Jack magkatabi ang classroom namin kaya lagi ko siya nakikita.

Isang araw lumapit siya sa mga naglalaro ng chinese garter kaso hindi siya pinasali.Nakita ko siyang umiyak sa isang tabi kaya nilapitan ko siya.

"Bata, huwag ka na umiyak gusto mo ng lollipop para sumaya ka!"

"Salamat" sabi nito at binalatan ang lollipop sabay sinubo.

"Nakita kita kanina hindi ka nila pinasali sa laro! Ako din hindi rin ako sinali ng mga kaklase ko sa agawan base" sabi ko sa kanya.

"Oo eh! parehas pala tayo,
Ako pala si Jackilyn" sabay lahad ng kanang kamay niya sakin.

"Ako pala si Jullian" sabay nagshake hands kami.

"Nakikita din kita paguwian.
Mommy mo ba yung sumusundo sayo?" tanung nito.

"Oo mommy ko. Bakit nasan ba mommy mo? Di ka ba niya hinahatid at sinusundo dito?" tanung ko sa kanya.

"Buti ka pa may Mommy,maaga kasi kinuha ni Papa God ang Mama ko!" sabi nito.

"Ganun ba may Daddy ka naman
di ba?" tanung ko.

"Oo meron tsaka kuya sabay kami pumapasok kasi si papa may trabaho" paliwanag naman niya.

"Mabuti ka pa may kuya ako kasi nagiisang anak lang tapos ang daddy ko lagi wala nasa ibang bansa busy sa mga business namin" sabi ko.

"Mayaman pala kayo kasi may business ang daddy mo"

"Hindi naman masaya pa din kung buo ang family mo, may daddy at mommy." sabi ko.

"Sa totoo lang namimiss ko pa din ang mommy ko" malungkot na sabi niya.

"Wag ka na malungkot...gusto mo maglaro tayo?" yaya ko sa kanya. Nakita ko tumawa siya pati na din ang mga mata niyang singkit.

"Oo sige may alam ako laro sandali lang kukunin ko lang ang bag ko"

Pumunta siya sa room at pagbalik bitbit na ang kanyang bag. Naghanap siya ng sementadong kalsada.Ang pwesto namin malapit sa puno ng Acacia. May kinuha siya sa kanyang bag; chalk at nagdrawing ng parihaba tapos hinati kya nagkaroon ng walong box tapos nilagyan niya ng numero.

Over the MountainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon