Jack's POV
"Pa! nandito naku" sigaw ko pagpasok sa loob ng bahay namin.
"Bakit walang tao sa sala?Ah! baka nasa likod nagpapractice."
Pumunta ako sa likod pagtingin ko wala din tao bumalik na lang ako sa loob at umakyat sa hagdan. Nasa taas naku ng may narinig ang lakas ng sounds sa kwarto ni Papa Mike.Pagbukas ko sumasayaw na naman siya with matching nakacostume pa.
Ang kanang kamay niya nakahawak sa ulo at kaliwang kamay naman nakatapat sa zipper ng pants nito habang umiindak. Alam niyo na kung sino tinutukoy ko di'ba. Idol niya kasi yan mula nung nasa Jackson 5 pa si Michael Jackson Yes! The only one
"The King of Pop"Hindi din kayo maniniwala pero Michael ang first name ni papa kaya nung pinanganak kami ni kuya sinunod niya kay MJ pangalan namin.
Para sakin siya na pinacool na papa sa lahat naging nanay-tatay na siya samin ni kuya.Jackson Buenavista or MJ for short. ahead siya sakin ng 2 taon at fourth.year na siya running for salutatorian kasi hindi niya talaga matalo si Annabelle Valderama ung Campus Queen sa school namin masyadong pinagpala ang babaeng yun bukod sa maganda na ubod ng talino. Kamaganak niya yata si Albert Einstein. Si kuya kasi ang sungit na napakanerdy pa di mo mabiro parang aso't pusa kami niyan sa bahay pero mahal ko yan.
At syempre makakalimutan ko ba magpakilala sa inyo...
Jackilyn Buenavista or Jack for short. 3rd.year na Top 5 in a class. Same kami ni kuya MJ na scholar kaya sunod kilay kami dalawa.
Magkasunod lang kami ng taon sa SSU dahil nahinto si kuya nung grade 2.
Yes nahinto siya dahil maaga kinuha ni lord ang mommy namin si Linda.Heart Attack kinamatay ni Mama nasa lahi nila nung ipinanganak niya ako muntik na magaagaw buhay niya. Pinapipili na si Papa ng doctor sino ang pipiliin samin nung una si mama ang pinili niya pero nagpumilit si mama na ako na lang piliin.Bilang asawa mahirap pumili at magdecision pero may awa ang diyos at parehas kami nabuhay ni Mama.
Konti lang alaala ko sa kanya biglaan ang nangyari inatake ulit siya pero pagdala sa kanya sa hospital dead on arrival masakit kasi iniwan na niya kami kaya nung namatay si mama masyado dinamdam ni kuya MJ kaya pinahinto muna siya ng 1 taon sa pagaaral. Next year enrollment at grade 2 na si kuya at ako grade 1 dahil magaling daw ako magbasa at magsulat ng pangalan kaya di naku dumaan ng preparatory.
"Bravo! Bravo!" sabay palakpak ko matapos sumayaw ni papa.
"O, Jack kanina ka pa jan?"
pinahinaan ang DVD."Wala ka talaga kasawa sawa kay Michael Jackson,Papa!" sabi ko.
"Syempre idol namin ng mama mo. Alam mo ba kung anu ang theme song namin?" tanung nito.
"Oo matagal ko na alam yan papa paulit ulit ko nga naririnig yan dati sa inyo ni Mama"
"Namimiss mo ba siya Papa?"
"Oo naman anak walang araw at oras na inaalala ko ang Mama mo"
Napatingin ako sa kanya ayun umiiyak na pala."Diba next month 10 years na si mama dalawin natin siya magluto tayo ng mga favorites niya." sabay yakap ko sa kanya.
"Huwag ka na umiiyak papa di bagay sayo sobrang tapang mo sa pagtuturo mo ng taekwondo sakin di ba mga lalaki hindi umiiyak kaya di naku magtataka si kuya ang nagmana sayo"
"At ikaw naman sa Mama mo.
Parehas kayo matapang at walang inuurungan" sabay tawa namin."O' bakit di ako kasama sa tawanan niyong magtatay" sabi ni kuya MJ.
"Kanina ka pa ba jan kuya halika dito Alam ko naman inggetero ka"
"Anung sabi mo ako inggetero?" nagtago ako sa likod ni papa pero
nakalapit pa din siya at kiniliti ako sa bewang."Kuya tama na hahahaha...."
Lumapit na din si Papa nakisali na din. Kahit wala na si Mama alam ko nandito pa din siya sa masayang nakatingin samin.
Dear Diary,
Alam mo ba masaya ang naging araw ko nakita ko na naman si papa sumasayaw ng Billie Jean pati steps kuhang kuha na niya hahahaha... tapos si kuya naman siya nagluto ng dinner natalo kasi siya sa laro naming unggoyungguyan😁😁😁
Masarap talaga magluto si kuya ng adong manok parang mas babae pa siya sakin sa dami niyang alam sa kusina pero ang hindi ko talaga makakalimutan kaninang umaga sa dinami dami ng pwede tumulong sakin sa motor nakabangga sakin eh'
si Marco Polinar pa. Di ko alam sikat ang mokong na' yun.
Hindi ko alam pero namula ako sa hiya nung nakadagan ako sa ibabaw niya. Konting galaw ko lang kasi sakto mahahalikan ko siya pero mayabang pa din ang isang yun' hindi ba niya matanggap na natalo siya at malakas ako sa kanya...mga lalaki nga naman...
Napaisip din ako sa sinabi ni Jill sakin na maganda daw ako kung nakaayos at bihis babae ako. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko pero di naman ako nagkakagusto sa kapwa ko babae naattract din naman pero hanggang doon lang my crush din naman akong guy pero artista lang lalo na si Channing Tatum sobrang pogi at macho dahil sa nakasanayan ko na ganitong pormahan okey lang kina papa at kuya. Sana kung buhay pa si mama malamang babae babae talaga ako. Namimiss ko na siya naalala ko noon lagi niya ko binabasahan ng mga fairytales like snow white,cinderella,sleeping beauty at iba pa.Maraming Salamat sa pakikinig kaibigan,
Jack
Pagkatapos ko magsulat tinabi ko na sa drawer ang diary ko.
Napatingin ako sa picture frame; picture namin ni mama karga niya ko masaya ang kuha namin nung 1st.birthday ko. Kinuha ko ito at nilagay sa aking dibdib. Nagpray muna ako bago ko binalik sa pwesto ang picture frame at humiga na.
BINABASA MO ANG
Over the Mountains
RomanceBest friend's forever yan ang tandem nila mula pagkabata. Si Jack handang ipagtanggol sa lahat ng oras ang kaibigan. Si Jill naman dinadamayan ang kaibigan at handang ibigay ang lahat para dito. Sa hinding inaasahan na pangyayari ay magagawa nila ma...