3rd. Person POV"Nagawa mo na ba pinapagawa ko?" sabi ng kausap nito sa cellphone.
"Yes! Sir nagawa ko na po. Naisend ko na po lahat sa email nyo."
"Okey! Good. Make it sure ituloy mo lang ung pinapagawa ko sayo. After ko masettle lahat ng clients at paper works ko dito, I'm coming back as soon as possible. Just update me kung anung status." sabay pinatay na ang tawag nito.
Napabuntong hininga na lang siya bago bumaba sa kotse. Ang suot niya pang M.I.B at naglakad papunta ulit sa loob ng school ng SSU. Dahil may event dito kaya hindi siya mahalata nagmamasid. Napansin niya daming estudyante nagtatakbuhan at may nahuli ito isang babae at nilagyan ng posas. Lalapitan niya sana ito para tulungan sa kanyang pagmamadali may nabangga siya mabuti at nasalo niya ito. Nagkatinginan sila at sa huling pagkakataon nakita niya ulit ang babaeng nagpabilis ng tibok ng puso ngunit hindi pa ito ang tamang oras para magpakilala dito.
"I'm sorry Miss, nabangga kita! Tutulungan ko sana yung babae nilalagyan nila ng posas baka mapahamak ito!" Bigla itong natawa sa sinabi niya. Naguluhan siya bakit ganun yung reaction ng babae.
"Nakakatuwa ka naman. Visitor ka din ba from the other school? Ang weird di mo alam yung ganun, haha!"
"Sorry Miss hindi ako nagbibiro kailangan ko siya tulungan dahil marami tao kumuha sa kanya..."
"Anu ka ba hindi mo ba alam kung anong meron ngayon? Intrams po. Ibig sabihin isa yun sa mga program dito sa school. Jail Booth!"
"Ganun ba! Hindi ako pumupunta dati pag may ganyang event. Sige mauuna naku sayo meron pa ako hahanapin" sabay alis nito.
"Teka sandali!" pahabol nito ngunit mabilis na nawala sa paningin niya ang lalaki. Nagtungo na lang siya sa clinic sakto pagdating niya may mga
2 lalaking namumula ang mukha at may gasgas sa binti. Nilapitan niya ito at nilagyan ng first aid ang mga sugat. Napagalaman niyang mga player pala ito ng soccer at napuruhan. Pagkatapos niyang gamutin ang mga ito lumabas muna siya para bumili ng lunch sakto nakita niya si Marcus kasama ang kaibigan nito."Marcus!!! Busy ka yata mukhang Alam ko na yang gagawin niyo!"
tawag ni Ms. Jane."Oo, Ms. Jane marami na kami nahuli sa booth na to. 💯 percent satisfied naman sila."
"Okey sige tuloy niyo lang yan pero hindi nyo dapat pwersahin mga mahuhuli nyo. Tulad kanina may nakilala ako lalaki tutulungan niya daw ung babae kaya sinabi ko agad program dito yun sa school." paliwanag ni Ms.Jane.
"Sige mauuna na kami sayo Ms.Jane."
"Boss! Hindi ba close kayo ni Ms. Jane baka pwede mo naman ako ilakad sa kanya." sabi ni Diego.
"Anu ka ba mas matanda yun satin mukhang bata lang. Hindi ko alam mahilig ka sa mas matanda sayo." tudyo nito.
"Eh! Ba't ikaw iba ang type mo!
Tibo pa hahahaha!" asar ni Diego sa kanya. Tinakpan nito ang bibig para tumahimik."Grabe ka naman papatayin mo ba ko.
Hindi kaya ako makahinga!" sabay hingal nito."Mabuti yan sayo! Tayo na pumunta na tayo sa booth."
Bago sila makarating sa booth nila. Nadaanan nila ang Message Booth. Dito pwede sila magsulat ng message sa taong gusto mong sulatan at magrequest ng kanta with dedication.
Lumapit sila doon at binasa ang mga message sa manila paper nakapalibot sa labas ng booth. Binasa nila ito.
"Baka gusto niyo din magsulat ng message sa mga kaibigan at crush nyo mga kuya. 20 pesos lang po!" sabi ng isang babaeng nakasalamin.
BINABASA MO ANG
Over the Mountains
RomanceBest friend's forever yan ang tandem nila mula pagkabata. Si Jack handang ipagtanggol sa lahat ng oras ang kaibigan. Si Jill naman dinadamayan ang kaibigan at handang ibigay ang lahat para dito. Sa hinding inaasahan na pangyayari ay magagawa nila ma...