Chapter 7

166 80 6
                                    

Marcus POV

Maaga ako gumising pagkababa ko hinahanda na ni mama ang almusal namin fried rice,tapa,sunny side up egg at hotdog at mainit na tsokolate.

"Mabuti gising ka na kumain na tayo" ang yaya ni Mama.
Pagkatapos namin kumain naligo na ako at nagayos para pumasok.
Sumakay naku ng motor pagpadyak ko hindi na naman umaandar.

"Ano ba naman yan nakalimutan ko ba pakargahan ng diesel ito?
Alam ko marami pa to nung isang linggo" tanung sa sarili.

"Ma' pinagamit mo ba ung motor ko?" tanung ko kay Mama.

"Ay! oo pinagamit ko muna kay boyet paghatid sakin sa salon nakalimutan ko palagyan sige tatawagan ko siya para pakargahan yan" ang tinutukoy nito ung hair stylist sa salon ni mama brusko ang pangangatawan ngunit pusong mamon.

Wala naku nagawa kundi maglakad na lang. Minsan kahit maganda ang gising mo darating din na papangit ang susunod, kabadtrip!!!
Naglakad na lang ako hindi naman masyado malayo sa school kaya exercise din 'to at baka malate pa ko.

Bago ako makarating sa gate napalingon ako sa sa likuran ko
si Jack mukhang nagmamadali pagtingin ko sa relos ko may 10 mins pa naman. Napalingon ako sa bandang kaliwa. May dumaan na motor sakay nito dalawang lalaki ang bilis magpaandar. May narinig akong tumili pagtingin ko nakita ko si Jack natamaan nito malapit na ito bumagsak mabuti naagapan ko at niyakap ko siya. Napahiga ako habang siya nakadagan sa ibabaw ko.

Pagdilat ng mata ko napatitig ako sa kanya sobrang lapit ng mukha namin. Konting galaw lang at mahahalikan niya ko. Sa unang tingin at ayos niya mapagkamalan mo na lalaki ito pero ngayon ang nakikita ko nakaamo ng mukha niya ngayon lang ako nakakakita ng perpektong mukha ng isang babae. May narinig kami boses ng mga estudyante lumapit samin kaya tumayo agad ito. Nilahad niya ang palad sakin pra tulungan tumayo.

"Marcus,salamat akala ko magkakabukol naku!" sabi nito

"Welcome!" ang sabi ko na lang.

Paandarin na nila ang motor pero inunahan ko sila lapitan. Tinitigan ko ng masama at parehas sila bumaba.

Boy 1: "Sorry boss Marco ikaw pala yan di namin sinasadya muntik na kayo madisgrasya ito kasi si bentong ang bilis magpaandar."

Boy 2: "Sorry boss first time ko gumamit ng motor."

"Alam nyo ba school ito hindi playground? Ayos ayusin nyo mga ginagawa nyo!" sabay suntok sa sikmura nila. Napangiwi ang dalawa at dali daling umalis.

Lumapit naman si Jack sakin at nagsabi "Baka may masakit sayo dadalhin na kita sa clinic"

"Huwag na okey lang ako akala mo ba sa pagligtas ko sayo okey na sakin ang ginawa mo pwes nagkakamali ka kaya ihanda mo ang sarili mo" sabi ko.

Umalis na ito at pumasok sa room.

"Baliw ka na ba Marcus? Bakit yun ang sinabi mo? Ba't ganun ang lakas ng tibok ng puso ko mula ng makita ko siya? Kailangan ko pumunta sa clinic baka may gamot hindi normal 'to!" sabi ko na lang.

Pagdaan ko ng clinic bukas ang pintuan kaya dumiretso ako pumasok. Nakaupo sa lamesa niya si Ms. Mary Jane ang nurse namin sa school habang nagsusulat. Kumatok ako at tumingin sakin.

"O' ikaw pala Mr.Polinar bakit ang aga mo nandito ka na maaga yata ang  paghahamon mo ng away."
sabi nito. Alam ni Nurse Jane na pagpupunta ako dito puro pasa at sugat ang katawan ko. Umupo ako sa silya.

"Mukhang wala ka naman galos at malinis ang uniform mo...
Anu ba ipapaconsult mo sakin?
Kasi wala si doc sumamang nagvolunteer sa kabilang bayan" paliwanag nito.

"Eh! kasi Ms.Jane lately ksi sobrang lakas ng heartbeat ko normal po ba yun?" tanung ko naman.

"Oo naman lalo naman kung galit na galit ka sa kaaway mo, hehehe...
Kuhaan kita ng BP baka highblood ka na kebata bata mo pa" sabi nito.

"Sige gawin niyo na sakin yan at kahit na anu pa" madaling sabi ko.

"Mukhang nagmamadali ka yata oh,sya kukunin ko na ang pang BP."

Kinuhaan niya ko tapos ang dami tinanung sakin kulang na lang isulat niya ang talambuhay ko pero syempre maingat pa din mga sinasabi ko sa kanya pagdating sa grupo ko.

"Normal naman ang blood pressure mo tapos kelan mo nararamdaman ang pagbilis heartbeat mo?"

"Kaninang umaga at last week tsaka pag sobra ako naiinis" paliwanag ko.

"May girlfriend ka na ba?"

"Wala pero mga nagpapaflirt marami bakit mo naman natanung sakin yan huwag mo sabihin may pagnanasa ka din sakin Ms.Jane" sabay ngisi ko sa kanya.

"Sorry ka na lang di ako pumapatol sa mas bata sakin at ayoko maging sugar mommy no!? Gusto ko ako inaalagaan!"

"Siguro napakapihikan mo Ms.Jane kaya hanggang ngayon single ka pa din eh malapit ka na mawala sa kalendaryo sige ka baka mauna pa kita,hahaha!" tudyo ko sa kanya.

"Hoy! 29 years pa lang ako next year pa ko mag thirty. Grabe siya ganun na ba ko katanda tignan eh wala pa naman ako wrinkles sa mukha" sabay hawak sa mukha niya.

"Joke lang yun,Ms.Jane baby face ka kaya marami napapatingin sayo mga teacher kahit mga estudyante.
Alam ko naman siya pa din hinihintay mo di ba?"

"Change topic nga tayo tsaka ayoko na pagusapan ang nakaraan. Past is past! Alam ko na kung anu reason ng pagbilis na tibok ng puso mo"

"Sige anu yun may gamot ka ba jan? Kung sakali mangyari ulit sa akin ito!"

"Di mo na kailangan ng gamot okey naman blood pressure at heart rate mo satingin ko nagbibinata ka na"

"Binata na kaya ako kung di lang ako nagcocontrol baka magiging binatang ama nako, ahahaha!"

Sabay palo niya sa braso ko.

"Mga kabataan ngayon sobrang mapupusok pero seryoso ako nagbibinata ka na kasi IN LOVE ka, hihihi! Sino ang malas na babae nagkagusto sayo o baka naman diyosa naman ito kaya napaibig ka"
sabi niya sakin ng ikinabigla ko.

Hindi pwede imposible mangyari yun galit nga ko dun tsaka bakit ako magkakagusto sa kanya parehas kami di talo inaamin ko nung nakita ko mukha niya malapitan totoong babae kaharap ko imbes sa nagpapanggap na lalaki.

"Uy! namumula siya tama nga ko, hahaha!"

"Tama ba mga sinasabi mo baka may gamot ka jan para mawala sa isip ko ang mga sinasabi mo"

"Never pa ko nagkamali pero kailangan magfocus ka muna sa pagaaral mo natural sa mga katulad mo ang ganyang Puppy Love. Alam mo ba bukod sayo meron na din nagtanung sakin yan.
Anu ba yan dami ko na sinasabi! Marami pa pala ako gagawin sige
at pumasok ka na ulit sa klase mo"

"Sige maraming salamat Ms.Jane!"
at tumungo naku sa pinto.

"Very welcome,bumalik ka nalang pag ganyan pa din nararamdaman mo pakisara na lang ng pinto"

Sorry Ms.Jane pero sa pagkakataon ngayon mali ang sinasabi mo hinding hindi ako magkakagusto sa kanya.



Thank you🤗🤗🤗🤗😍😍😍
sa 200+ na readers ko kahit ngayon lang ulit ako nagupdate sana marami pa sumaybay ng kwento ko.
Please pafollow naman sa acct ko
@silentchic28 then follow back ko din kayo at rate din.

Note : yan ang background music nila nung sagipin niya si Jack hanggang sa umalis si Marcus papuntang clinic.





















Over the MountainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon