May mga bagay na sadyang ginawa na ganito ka ngunit may dahilan na pwede mabago ang pananaw mo sa buhay....
Sa malawak na field nakatingin sa kalangitan si Jack dinadama ang simoy ng hangin. Kagandagan ng langit at tahimik na paligid. Hindi niya namalayan may umupo sa kanyang tabi.
"Okey ka lang ba bes?" untag nito sa kanya.
"Nandyan ka pala Jill heto okey naman. Sorry hindi kita napansin ang ganda kasi ng langit ngayon..."
"Bes pwede ba magtanung sayo?
Gusto ko sana yung totoo at wala ka sana ililihim sakin."Napalingon si Jack dito napaisip siya sobrang seryoso ng kaibigan niya. Bilang tugon tumango na lang siya.
"May gusto ka na ba kay Marcus?"
Nagulat ito sa tanung ngunit ayaw niya maglihim sa kaibigan. Natahimik muna ito. Iniisip nito kung tama ba o mali ang kanyang sasabihin.
"Parehas natin nakita ung ginawa ni Greta kay Marcus. Nakikita ko din tinititigan mo siya sa malayo. Ayos lang kung ayaw mo sabihin kasi Silence means Yes hindi ba!" ani nito.
Nagdadalawang isip muna siya kung sasabihin ba niya o hindi. Sa huli pinili nito sabihin ang totoo.
"Oo aaminin ko na dahil ikaw ang bestfriend ko at ikaw lang mapagka katiwalaan ko. Sana satin dalawa muna ito walang ibang makakaalam"
"Sige bes I promise hinding hindi ko sasabihin sa akin lang cross my heart" sabi ni Jill. Napabuntong hininga muna ito bago magsalita.
"Tama ka humahanga ako sa kanya... Ewan ko ba? Hindi ko alam paano nagumpisa. Nung una galit na galit ako sa kanya pero nung naging kaibigan natin siya dun ko nakita na mabait at matulungin siya sa kapwa. Ayoko iadmit sa sarili ko pero nung makita ko ang ginawang paghalik ni Greta sa kanya eh.... nagselos ako."
mahinang sabi nito."Ang hirap naman mag selos lalo na't kung hindi naman kayo. Halata naman indenial ka talaga hindi ka rin nakatiis. Paano na yan may karibal na ako kay Marcus. Joke lang! Basta masaya ako para sayo kasi matutupad na ang wish ng papa mo." tudyo ni Jill sa kanya.
"Naku bes izipper mo yang bibig mo nagpromise ka na sakin. Huwag na huwag mong ipapaalam kina Papa at Kuya. Humahanga lang ako sa kanya hanggang dun lang yon'. Wala pa sa isip ko ang makikipagrelasyon." paliwanag ni Jack.
"Alam ko na yan bes support naman ako sa'yo di' ba! Anu pa naman mag bestfriend tayo ikaw talaga! Kapag niloko ka ni Marcus jombag gagawin ko sa kanya."
"Salamat bes dahil naintindihan mo ko!" sabay yakap nito sa kaibigan.
Natigilan ito. Sa wakas naging pusong babae na ang kaibigan niya. Sa kabilang banda natatakot siya na baka mawalan na ng time si Jack sa kanya. Ngunit ngayon kailangan nito ng support at gagawa siya ng paraan para masabi din nito sa binata. Mahirap kung ang bestfriend niya lang ang may gusto at ang isa wala. Kumalas ito sa pagyakap sa kanya at tumayo.
"Halika ka na pumunta na tayo sa Gymnasium. Di ba ikaw ang no.1 fan ko hihi..." nilahad ang kamay nito sa kanya para tumayo. Naglakad na sila patungo sa Gym. Nahiwalay sila dahil sa likod dadaan si Jack at siya naman sa audience.
"Galingan mo bes ha! wag ka patatalo dito lang kami mgchecheer para sayo!" sigaw nito.
"Maraming salamat hindi ko kayo bibiguin." sabi naman ni Jack.
Natanaw ni Jill si MJ ang kuya ni Jack nakaupo sa harapan.
"Kuya MJ akala ko hindi mo na panonoorin ang laban ni bessy?"
"Syempre kailangan ko panoorin ang kapatid ko lumaban ngayon magagalit si papa pag hindi ako manonood."
"Pwede ba dito na din ako umupo? Para mas makita ko malapitan si Jack"
tanung ni Jill.
BINABASA MO ANG
Over the Mountains
RomanceBest friend's forever yan ang tandem nila mula pagkabata. Si Jack handang ipagtanggol sa lahat ng oras ang kaibigan. Si Jill naman dinadamayan ang kaibigan at handang ibigay ang lahat para dito. Sa hinding inaasahan na pangyayari ay magagawa nila ma...