Chapter I

627 13 0
                                    

Leonard'S POV

"Nay! Nay, Look, nakapasa po ako sa scholarship doon sa eskwelahan na matagal ko nang gustong pasukan!" Tuwang tuwang balita ko kay nanay.

"Talaga 'nak?" Sunod sunod ang aking naging pagtango, saka ipinakita ang resulta ng exam "Napakagaling talaga ng anak ko" dugsong nya saka ako niyakap.

"Hindi na po natin kailangang mamroblema ng pambayad sa aking matrikula!"

"Masaya ako para sa'yo anak!"

Totoo ay sobra akong kinabahan habang nag hihintay ng resulta. Hindi nga ako halos makatulog kagabi, kaya ganoon nalang talaga ang saya ko nang makita ang pangalan ko sa mga nakapasa!

"Mukhang masaya ang mag-ina ko ah?" bungad ni tatay na ngayo'y kararating lang galing sa bayan.

Katulad ni nanay ay naging masaya rin si tatay nang ipakita ko sa kaniya ang resulta ng exam.

"Alam ko namang papasa ka talaga diyan anak! Aba eh, ako ba naman ang tatay mo! Kung hindi mo natatanong ay hindi rin ako nawawala sa mga may karangalan noong mga araw!" Maangas na sabi ni tatay.

"Hay naku, tigilan mo 'yan Damian! Sa pagkakaalala ko, hindi lang isang beses kang ipinatawag sa discipline office noong araw dahil sa pangongopyahan niyo ng mga barkada mo!". natatawang pambabara sa kaniya ni nanay.

"Bakit ikaw? Hindi mo ba naranasan yun ha?!"

"Atleast hindi ako nahuhuli".

"Nangongopya ka pa rin!".

"Hayst tama na nga yan at tayo'y dumulog na sa hapag kainan at lalamig na ang inihanda kong pagkain" pagputol ni nanay at tsaka nagtungo sa hapag.

Nakakalungkot mang isipin na malalayo na ako kila nanay. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na titira ako sa bahay na hindi sila kasama, pero alam ko naman gagawin ko to para sa kanila kaya kailangan kong kayanin at pagbutihin. Papasok ako dun para sa aking pangarap, upang nang sa gayun ay masuklian ko balang araw ang mga sakripisyo nila sa'kin .

K I N A B U K A S A N

"Anak bumaba ka na dyan! Andito na ang tricycle" sigaw ni nanay, tuloy ay mabilis kong tinapos ang pag-aayos.

"Eto na po 'nay, bababa na po" pagkababa ko ay agad ko silang niyakap. "Mamimiss ko po kayo dun 'nay at 'tay, ingat po kayo lagi, tawagan nyo ho ako lagi ha?" pagpapaalam ko

"Oo naman 'nak, ingat ka din dun ha? Huwag kang magpapalipas ng gutom! Ikandado mo palagi ang pinto at huwag kang magpapapasok ng kung sino sino lalo at hindi ko kilala, Galingan mo dun at palagi kang mag-iingat" paalala ni nanay saka pa ako hinalikan sa noo.

"Kapag may kailangan ka tumawag ka agad dito ha? Alagaan mo ang sarili mo doon".

"Opo 'nay, 'tay! Makakaasa po kayo" nakangiting sagot ko sa kanila saka muli pa akong nakipagyakapan at saka sumakay sa naghihintay na tricycle.

Blinded LoveWhere stories live. Discover now