Chapter V

110 2 0
                                    

Leonard's POV

ISANG ARAW habang naglalakad si Leonard mag isa pauwi wala kasi ang kaibigan nya upang ihatid sya nito sa kadahilanang may importanteng lakad daw ito. Napahinto sya ng biglang may grupo ng kalalakihan ang humarang sa kaniya at iyon ay ang grupo nina Brendan.

"Oh, mag isa ka yata ngayon? Asan yung knight in shining armour mong kaibigan?" Kinilabutan pa ako sa lakas nang nakakalokong tawa nila.

"Ahmmm, excuse me" akmang aalis na ako ngunit hinarangan nya ako.

"San ka pupunta?" aniya saka tinulak nya ako dahilan para maupo ako at kumalat ang libro sa kalsada.

Tumayo ako at nagpagpag.

"Ano bang problema mo sakin?, ano bang ginawa ko sayo ha?!" Naiiyak na ako hindi dahil sa takot kundi dahil sa pagtrato nya sakin kahit wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Hindi lang ikaw, kundi lahat kayong mga BAKLA" pasigaw niyang sagot.

Brendan POV

     >Flash Back<

"Pano mo'to nagawa sakin? Ano bang pagkukulang ko sa'yo, bakit nagawa mo akong ipagpalit at ang masaklap pa sa isang bakla" galit na sabi ni mama habang humahagulhol.

Andito ako sa may pinto at pinakikinggan ang pag aaway nila mom and dad.

"Melisa, patawarin mo ko pero siya yung nagpuno nang mga bagay na hindi mo kailan man napunan" sagot ni papa.

"Lumayas ka, nandidiri ako sa'yo! at wag na wag ka ng babalik pa, you F*ckin' asshole!" at narinig ko ang pagkabasag ng isang bagay na wari ko'y flower vase. napahagulhol nalang ako at at nagkulong sa kwarto.

Mula noong araw na iyon ay hindi na nga bumalik pa si papa sa bahay at sabi ni yaya ay sumama na daw ito sa kasinatahan nyang bakla. Kaya lahat ng bakla ay kinamumuhian ko! Nang dahil sa kanila nasira ang pamilya ko! kaya di ko kailan man sila Matatanggap.

>End of Flashback<

                      Leonard's POV

"Salot kayo sa lipunan!" at saka nya ako sinuntok, napapikit ako sa sakit at pinunas ang dugong dumaloy sa aking labi.

"Boys, dalahin nyo na sya sa lugar na iyon, kayo na ang bahala dyan" Umalis  sya ngunit hinawakan naman ako nung tatlo nyang kasama at dinala ako sa abandonadong silid ng aming paaralan.

"Please let me go" napahagulhol nalang ako.

"Tss, kahit gustuhin man namin di pwede e, kami kasi malalagot kay Brendan" sabi ni Niñel at tsaka umalis at ni lock ang pinto sa labas.

"t-tulong! tulungan nyo ako" nanghihina na ako dahil sa pagkaladkad nila dito. "Ano bang nagawa ko sa kanila bat ganun nalang kung laitin at saktan nila ako?". Sabi ko sa sarili ko habang umiiyak. Nagsimula ng dumilim na dahilan upang mas lalobg matakot.

"TULONGGG! PLEASEEE! TULUNGAN NYO AKOOO!" ngunit tila walang taong nakakarinig sakin. Kaya kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Asel.

"Hello, Asel?, Tulungan mo ako ... Kinulong nila ako dito----" napahinto ako sa pagsasalita nang mamatay yung cp na wari ko'y lobat na.

John Rovic's POV

Blinded LoveWhere stories live. Discover now