Chapter IV

125 3 0
                                    

Leonard's POV.

"Okay guys get ready for the production number" utos nung facilitator ng pageant yeah, ngayon na yung pageant at ngayon ay nasa backstage kami nag aantay upang tawagin para sa prod. Number.

We're wearing White shirt, Jeans and white shoes. Kinakabahan ako kasi perstaym kong sumali dito. at nagulat ako ng dumating si Rovic na wari'y kalahok din (di ko kasi sya nakita sa practice). Tumingin sya sakin with his poker face pero umiwas ako.

"Okay let's all welcome our candidates for their production number, let's give them a round of applause" agad kaming pumasok and do all our best. hindi ako magaling sumayaw kaya nakikampay kampay lang ako, padyak dito, padyak doon.

"John Rovic Stanford, BET-CT I-1" nakakabingi ang hiyawan ng mga supporters nya. Oo, aaminin ko gwapo talaga sya pero napakasungit.

"Leonard Lincoln, BET-CT I-2" syempre panglalaking boses.

Matapos ang production number ay agad na sinimulan ang talent portion, at talaga namang lahat ay naghiyawan maging ako ay humanga sa ganda ng boses na iyon ni John Rovic, talagang nanunuot ang bawat liriko ng boses niya sa pandinig ko.

Katulad niya ay kumanta rin ako bilang talent, gayundin ay hindi ko inakalang papalakpakan ako ng mga audiences at talagang malakas iyon na may kasama pang hiyawan.

Kasunod niyon ay ang iba pang candidate, may sumayaw, nag spoken poetry, at umacting.

Pagtapos niyon ay nagbihis na kami for formal attire, while changing our outfit. I accidentally look at John Rovic and saw his 6 packs and fit body.

"Uy, bakla matunaw yan" pang aasar nung baklang P.A ko

"tsss, yuck nga e, ansama ng katawan tsk" mataray kunyareng sita ko saka agad tumalikod.

Matapos ang formal attire competition ay agad na rin kaming pinapila for the Awarding at tila excited ang lahat para sa result.

"Okay our 2nd Runner up male candidates is none other than BET-CT I-3 Kurt Steven Ayala, and for female candidate we have BET-CT I-5 Elysse Sibigan"

'woahhhh' hiyawan ng mga nanunuod.

"1st Runner up male candidate goes to BET-CT I-7, Ulysses Formigones, and for female candidate we have BET-CT 2 Princess Arabelle Geronimo!" I clapped loudly hahaha pogi kasi nung Ulysses.

Bahagya pa akong napanguso dahil alam kong hindi ako ang panalo, but at the same time is grateful for this new experience.

"And our Mr. BET-CT 2020, congatulatios John Rovic Stanford from BET-CT I-1" talaga? Wow huh, may talent pala yung mukong na yun, kung sabagay magaling naman talaga siya. "And for female we have Alexandra Laurente from BET-CT I-1, CONGRATULATIONS!" palahaw ng mc kaya agad na rin kaming bumaba sa stage nang mga hindi top 3 dahil may pictorial daw silang mga nanalo.

Sinalubong ako ni Asel sa may back stage. "Yes! Conrats Leonard, galing mo" bati nya sakin

"Olats nga e" nakangusong sagot ko, bahagya niya pang ginulo ang buhok ko.

"okay lang yan, ganda nga nung talent mo e, galing mo pala kumanta" puri nya

"Sabi na e, ipapahiya mo lang yung section natin, tsk!" Sabi ni Brendan na nasa harapan ko ngayon.

"Ehem! Ano ulit yun?" I can feel anger in asel's voice.

"Hayaan mo nalang sila Asel, tara na!" ani ko saka hinawakan sa braso si Asel para sana higitin pero nagmatigas siya.

"Sa susunod na makita kitang niyayabangan kaibigan ko, makakatikim ka sakin" banta ni asel at tuluyan na kaming umalis.

"Sino ang mga iyon? Ang yayabang e". galit pa ring ani Asel.

"Kaklase ko ang mga iyon, hindi ata nila nagustuhan na ako ang napili ni ma'am".

"Edi sana nag presenta siya kung gusto niya!".

"Hayaan mo na, wag mo nalang patulan katulad ng ginagawa ko, baka kasi maging mitsya pa at magpatuloy silang buyuin ako". malungkot talagang sabi ko, natatakot akong ma bully ulit.

Binigyan niya naman ako ng nag-aalalang tingin.

"Don't worry I'll not let them bully you" sinserong sabi niya pa.

Dahil sa nangyari ay umuwi na kami, hinatid ako ni Asel sa boarding house.

"Salamat sa paghatid" sabi ko pa nang buksan ko ang pinto ng kotse niya.

"No worries, If they attempt to bully you, sabihin mo agad sa'kin".

"Ano namang gagawin mo?"

"Whatever, I'll get going, goodnight".

Nakipagpaalamanan lang ako saka nang makaalis na siya saka lang ako pumasok.

KINABUKASAN ay back to normal na ulit ang lahat, LUMIPAS ang araw, linggo, at buwan nang tanging pag-aaral lang ang tinutukan namin ni Asel, katulad dati ay palagi kaming sabay tuwing breaktime at lunch. Kahit ayoko ay palagi niya pa rin akong hinahatid, tuloy ay mas tumibay na ang samahan namin. Since magkatulad naman kami ng mga subject ay nagtutulungan kami kapag may project, assignment at activities, tuloy ay minsan pa akong napuri ng mga professors dahil sa maganda raw ang performances na ipinakikita ko.

Ngunit hindi rin natigil sila Brendan sa pambubuyo sa akin, hindi naman umaabot ang mga iyon sa pisikalan ngunit minsan kahit salita lang ay napapaluha ako ng mga iyon. Hindi ko ipinaaalam kay Asel ang tungkol doon dahil baka kung ano ang maisipan niyang gawin.

Ganoon din naman ang galak nila nanay at tatay ng ibalita kong maganda ang naging results ng mga preliminary exams ko.

Blinded LoveWhere stories live. Discover now