Chapter XXI

42 1 0
                                    

Leonard's POV

Dahil lasing na rin ang lahat ay napagpasyahan ng tapusin ito, bukod pa doon ay hindi ko na gusto ang jamming at aura ni Alexis.

Magkasabay silang umalis ni Russel.

Dito ko na papatulugin si Rovic kasi masyado na siyang lasing, maging ako ay nalulula na.

"Rovic? Tara na sa kwarto"

Tumayo siya at nagsimulang maglakad, ngunit napaupo din kaya naman inalalayan ko nalang ito papuntang kama.

Tss, hindi naman siya mataba pero bakit ang bigat niya!

Ibababa ko na sana sya ng bigla akong madala nang dahil na rin sa pagkalula, kaya nama'y bumagsak ako sa ibabaw niya.

Napamulat din siya at ngumiti.

"I love you" sabi niya saka ako hinalikan

"Hmmm, I love you too" sagot ko saka umalis sa ibabaw niya at umayos ng higa.

Yumakap siya sakin at tuluyan nang nakatulog.





Alexis' POV

Natauhan ako sa tanong ni Russel kanina nung naglaro kami. Well nakita ko naman kung gaano na kasaya si Rovic kay Leonard kaya siguro di nalang ako eepal pa at tatanggapin nalang ang katotohanan. Ayoko namang maging kontrabida no. Duhhhh, humingi na rin ako ng tawad kay Russel.

°°° FLASH BACK °°°

Nasa labas kami ng bakuran ng bahay ni Leonard ng bigla ko siyang niyakap.

"Sorry  Asel, Di ko sinasadya yung mga nasabi ko sa'yo kanina" humahagulhol na paghingi ko ng tawad.

Masiyado akong nagpadala sa damdamin ko.

"Don't cry, I know kung gaano ka kabuti siguro na carried away ka lang" sabi niya sabay alo sakin.

Pakiramadam ko ay naging napakasamang tao ko dahil sa pagbabanta kong iyon kay Russel maging ang pagtangkang pagsira sa relasyon nila Rovic.

°°° END OF FLASHBACK °°°

Aaminin kong isa talaga si Rovic sa dahila kung bakit ako umuwi, I really miss him. Wala kaming official break up kung naging kami nga ba. I was expecting na may babalikan ako, well may nabalikan naman akong Rovic ngunit nasa piling na ng iba.

I love Rovic, that's why I'm now setting him free.







Leonard's POV

Nagising ako ng wala sa tabi ko si Rovic.

Pupungay pungay akong bumangon nang maamoy ang masarap na niluluto.?

Is he cooking?

Lumabas ako at nakita ko siyang naghahanda ng agahan.

"Ohh, gising ka na pala, tara kumain" alok niya saka ako pinaghila ng upuan.

"Nagluluto ka rin pala?"

"Oo naman, nagpaturo ako sa maids ko"

He cooked, Fried rice, Eggs, Ham, Hotdogs, and Fried chicken.

"Ang hilig mo magluto ng fried chicken, e di ka naman kumakain nun" sabi ko

"Ee, paborito mo yun e"

Nagmake face ako saka lumapit sa kaniya at humalik.

Oh bakit bawal?

"Mukhang napapadalas iyang pahalik halik mo sa'kin ah?" pang iinis niya

"Okay, hindi na mauulit!" tinalikuran ko siya saka naupo sa silya ko.

Minsan na nga lang maglambing, nang iinis pa!

"Biro lang e". sagot niya saka tumawa.

"Edi kay Asel nalang ako hahalik, ayaw mo ata e". pang iinis ko din.

Bahagya pa'y pinamulahan ako dahil sa kahihiyan ng maalala yung sa'min ni Asel kagabi.

Kasalanan niya yun! Bakit kasi pumayag payag siya.

Nang tingnan ko siya ay masama na ang tingin niya.

"Biro lang!"

"Mukhang gusto mo nga e". Sarkastikong aniya.

Malamang yung kagabi ang sinasabi niya.

"Eh bakit ba kasi pumayag ka?!" sagot ko saka nilabanan ang sama ng tingin niya.

"Eh bakit pumayag ka rin?!"

Tama bang ibalik ang tanong?

Bakit nga ba?

"Ang kulit ng best friend mo e".

"Ah kaya pala pumayag ka na magpahalik din sa best friend mo?!"

bahagya ay nakaramdam ako ng inis.

Kung alam ko lang na mauuwi sa ganito ang paghalik ko sa kaniya ay sana di ko na ginawa.

Alam kong pagsisimulan lang ito ng pag aaway namin kaya hindi na ako nagsalita, sa halip ay sinimulan ko nalang kumain.

Tuloy ay naging tahimik ang sana'y masayang agahan.

Ngunit dahil hindi ko naman kayang tiisin na may alitan kami ay ako na rin ang humingi ng tawad, tutal ay may kasalanan rin naman ako.

"Sorry din, is just that hindi ko lang nagustuhan ang biro mo".

Sorry daw pero may sumbat pa rin.

"Hindi na mauulit".

"Mauulit, pero dapat sa'kin lang!" Pilyong aniya saka kumagat sa pabi.

"Tss, diyan ka magaling e no?! Oh siya gawin na natin". pilyo rin sagot ko saka kami nagtawanan.


Rovic's POV

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na akong umuwi kay Leonard, at tumuloy na sa bahay.

"HEP! HEP! HEP!, san ka galing?" Tanong ni dad nang makapasok ako sa bahay

"Nagparty lang with friends" sagot ko

"With friends? Tsss sinong niloko mo? Akala mo ba na di ko pa alam na bakla ang jowa mo ha?" Galit na kompronta niya ngunit di ako umimik. "Natatanga ka na ba talaga Rovic? Break up with him, you don't know how can I do". Banta niya.

"No, I won't. Pati ba naman kaligayahan ko sisirain mo pa?" Sagot ko.

"Ayaw mo namang masaktan siya diba? O ang pamilya niya?" He said and grinned

"Dad, pwede ba? Kahit minsan naman maramdaman ko na tatay ka sakin, lahat nalang sayo bawal! I don't even know kung saan na ako lulugar, matanda na ako, I know what I'm doing" sagot ko

"Kung ganyan lang din ang basehan ng pagiging matured! Marahil wala ng gustong mag matured!" He shouted

Aakyat na sana ako ng magsalita pa siya.

"Break up with him, or else I will remove all of your heirs!, Don't test me!" Sabi niya saka umalis. Umakyat na din ako at pabagsak na sinara yung pinto.

Hindi na ba talaga ako pwedeng sumaya, what a kind of father he is.

I'm old enough, He can't manipulate me at this time.

Blinded LoveWhere stories live. Discover now