Chapter XIV

38 1 0
                                    

Gumising ako ng maaga para makapag handa sa pag alis, medyo malayo din kasi ang byahe e, mga 2 hours.

Naisipan kong tawagan muna si mama para ipaalam sa kanila na uuwi ako ngayon.

*Phone Ringing*

"Hello 'nak, napatawag ka?" Bungad niya.

"Ahmm, Ma? Uuwi po muna ako diyan, namiss ko po kayo e" excited kong sagot.

"Ahh talaga nak?, Oh siya sige at ipaghahanda kita ng paborito mong ulam"

"Ayyy nga pala ma, sasama daw yung isa kong kaibigan, apo po ng may ari ng school" saad ko.

"Talaga nak? Close mo apo ng owner nyan?"

"Opo nay heheh, wala daw kasi siyang gagawin kaya sasama nalang" sabi ko

"Oh, siya sige na nak ng makapaghanda ka na, Ingat kayo sa byahe, bye muahhhhh"

"Sige po nay" at saka ko na ibinaba yung phone at nagsimula nang mag ayos.

Matapos akong mag ayos ay bumaba na ako, sakto namang may kumatok kaya agad ko iyong binuksan.

"Asel?" 

"Para yatang gulat na gulat ka par, HAHAHAH Gwapo ko no" sabi niya at kumindat pa ang loko.

"Eh?"

"Oh, bat para yatang nakabihis ka? Saan lakad natin ha?"

maka NATIN naman kala mo kasama siya.

"Uuwi muna ako sa bahay miss ko na parents ko e." Sagot ko

"Talaga? Pwede pasama tutal nakabihis na din naman ako ".

"Ehem, ehem" -Rovic

"Oh, wag mong sabihing kasama mo tong lalaking to?" Ani Asel saka tumingin kay Rovic.

"Ahhh, oo kasama ko si Rovic" sagot ko.

"Ee di sama na rin ako" pag si Asel talaga, napakakulit.

"Sige na, isama na natin" sabi ni Rovic.

"Hahah sige na nga, Oh siya tara na at baka tanghaliin pa tayo" saad ko.

"Ako na mag dadala niyan" saad ni Rovic at saka kinuha yung dala kong gamit.

"Ahhh hehhe, salamat." Tugon ko

"Sa kotse ko na ikaw sumakay" sabay nilang bigkas, na pagkatapos ay nagkatinginan.

Eh?

Kanino ba ako sasama?

"Okay, fine Go with Russel, I'll just follow his car para di ako maligaw" sabi ni Rovic at sumakay na sa kotse niya.

Kaya naman kay Asel na kotse ako nakasakay.

Nagsimula na ang byahe, tinuro ko kay Asel yung daan, at saka sinaksak ang headphone ko sa tenga ko.

Umiimik si Asel ngunit di ko maintindihan. lakas kasi nung music e.

"Anong sabi mo?" Tanong ko ng maalis yung headphone sa tenga ko.

"Sabi ko, boss mo lang ba talaga siya?" Pag uulit niya.

Ano bang iniisip nito?

"Oo naman, friends na din at the same time."  Sagot ko

"Mukha ngang close na kayo e"

"Iba pa rin sa level ng closeness natin".

Gusto ko sana umidlip ngunit walang magtuturo ng daan.

"Kumusta nga pala kayo ni Alexis?"

"We're good".

"Totoo, ikaw sana talaga ang isasama ko, kaso ay naisip ko kasing baka may lakad ulit kayo ni Alexis".

"Ah, kaya si Rovic ang inaya mo?".

Hindi ko alam kung sarkastiko ba siya o praning lang talaga ako.

Nito kasing mga nakaraang araw ay lagi silang may lakad o magkasama ni Alexis, eto namang si Rovic ay nagpapatulong kapag hectic ang gawain sa SSGC o minsan ay inaakit ako mag lunch kaya bihira kami magkasabay ni Asel.

Hindi ko alam paano sasagutin ang tanong niyang iyon kaya isinalpak ko nalang muli ang headphone sa tainga ko at nakinig nalang ng music.

Blinded LoveWhere stories live. Discover now