Epilogue

76 2 0
                                    


"Hello po, Magjowa po ba kayo? Ang cute niyo po" tanong ng isang batang nalingat sa mata ng kaniyang ina.

"Oo bhie. Salamat, anong name mo?" Umupo ako para malevelan ang laki niya.

"Ako nga po pala si Patrick Finkler"

"Gusto mo ba ng Ice cream?"

"Ice cream? Sige po gusto ko po. Yeheyyyy" at nagtatalon pa ito.

Bigla ko tuloy naalala si Kyte at si Fiona sa bahay ampunan. Kung maaari lang kasi sana na ampunin sila ay nagawa na namin ngunit hindi pwede, kaya dinadalaw nalang namin sila ni Asel kapag may free time kami.

Bumili kami ni Rovic ng Ice cream at bumalik sa bata.

"Heto na Patrick oh."

"Yeheyyy, Ice cream"

"Ayy, naku ano ka bang bata ka! Bakit ka nakikipag usap sa mga yan! Naku baka magaya ka sa kanila. Mga salot sa lipunan"

Sita nung ali kay Patrick na wari ko'y nanay niya.

Bahagya pa akong nakaramdam ng inis dahil sa sinabing iyon ng ale.

"Eh, nay ang bait nga po nila e, nibilhan pa nga po nila ako ng ice cream oh" masayang sabi ni Patrick saka niya ipinakita yung hawak niyang ice cream.

Agad namang hinablot ng ale yung Ice cream at tinapon!

"Hay naku, next time patrick wag ka ng makikipag usap sa kanila, nakuuu baka mahawa ka pa sa mga yan!"

Humikbi naman si Patrick,

Totoo ay sanay na kami sa mga comments ng karamihan kapag magkasama kami ni Rovic sa kahit na anong lugar, wala lang naman sa kaniya iyon, pero kahit papaano ay nasasaktan pa rin ako.

"Ay nay, sorry po ha?, hindi po kami perfect e. Pero kung di niyo po kami kayang tanggapin sa pagkatao namin, sana naman po kahit respeto nalang. Wala naman po kami sigurong nagawang masama sa inyo diba?" Magalang na sita ko sa kaniya. Pinipigil ang inis ngunit sadyang kumakawala.
 
Sandaling natigilan yung ale  ngunit sa pagkadaka'y nagsalita din.

"Hayy nakuu patrick. Tara na nga!"

Inalo ako ni Rovic saka niyakap.

"It's okay love, diba sabi ko naman sa'yong 'wag mo nang patulan ang mga lumalait sa'tin?. Kasi hindi naman mahalaga ang sasabihin ng iba, ang mahalaga ay masaya tayo sa kung anong meron sa'tin". Mahabang pagpapaunawa niya saka ako iginiya papasok ng kotse niya.

~~~~~

LOVE IS BLIND,  We can't even dictate who will be our love but our heart itself. If you really love one person kahit ano o sino pa 'yan huwag kang mag-atubiling ipaglaban ang inyong nararamdaman. Walang nananalo kung walang makikipaglaban!

JUDGMENTAL PEOPLE FT. TOXIC SOCIETY is indeed the hindrance of many! Biruin mo yun, mahal niyo ang isa't isa pero ayaw ng mga taong nasa paligid niyo sa relasyon niyo.

Huwag niyong hayaang manipulahin kayo ng mga taong nasa paligid niyo! Gawin mo ang gusto mo, ipaglaban mo ang alam mong nagpapasaya sa'yo. Hindi magiging madali, pero nasisiguro kong matatamasa niyo rin ang saya kung parehong niyong ipaglalaban ang isa't isa.

#Gender_doesn't_matter!
#Love_wins

~~~~~ THE END

October 04, 2020
ALL RIGHT RESERVED©

Blinded LoveWhere stories live. Discover now