Chapter IX

54 1 0
                                    

John Rovic's POV

Lumuwag bigla ang pakiramdam ko ng masabi lahat ng hinanakit kay Leonard, hindi ko rin alam kung bakit sa kanya ako nag open, pero para kasing ang gaan ng loob ko sa kanya.

.....

Maaga akong pumasok sa school upang asikasuhin yung paper works na di ko natapos kahapon. While on working napangiti nalang ako nang maalala yung paghawak ng kamay sakin ni Leonard.

What the hell? Singhal ko sa sariling isip.

Naisipan ko syang papuntahin dito at tulungan ako, tutal mahaba pa naman ang oras bago mag start ang klase.

Leonard's POV

Naglalakad na ako papasok ng magtext si Rovic na pumunta ako sa office kaya naman doon na ako dumiretso. Tsss! Ano naman kayang kailangan nun.

"Good moRning boss:>" sarkastikong bati ko nang makarating sa office niya

"Tss, Rovic nalang" aniya na nginiwian ko lang.

"Ano? Bakit mo'ko pinapunta dito?" nakangusong tanong ko kasi sabi ni Asel sabay daw kaming magbreakfast dito sa cafeteria kaya umaga akong pumasok pero epal tong Rovic na to!

"Help me here."

"Ahmmm per--" naputol ang sasabihin ko ng sumabat sya bigla

"I said help me here" inis niyang sabi kaya naman wala na akong nagawa kundi i-chat si Asel na di ako makakarating for important matters at napa oo nalang siya.

Agad kong kinuha ang mga pinagagawa niya at mabilis na ginawa iyon.

"Done" sambit nya ng matapos na kami sa pinagawa niya.

"May I leave na?" Tanong ko kasi gutom na talaga ako.

"One more thing" ano na naman hayst. "Let's eat first at cafeteria" dagdag niya kaya umo-o nalang ako dahil gutom na rin.

Habang naglalakad, I saw Brendan and his friends sweeping the floor, na siguro'y yun ang punishment nila. Habang naglalakad 'di ko namalayang basa nga pala ang floor kaya naman bumagsak ako pero hindi sa sahig kundi sa braso ni Rovic.

What the heck?!

Dahan dahan akong lumingon sa kaniya at ganun nalang ang paglunok ko nang makitang nakatingin na rin siya sakin.

Nabalik lang ako sa reyalidad ng umiwas sya at magsalita "Tsss kahit kailan napaka lampa mo" sabi nya at tsaka naglakad na agad ko namang sinundan.

"Hoy! Hindi ako lampa, sadyang madulas lang yung sahig!" Saad ko nang maabutan siya, ngunit di na niya ako pinansin at tumuloy na sa paglalakad.

Russel's POV

Andito ako sa cafeteria, kumakain mag isa, there are girls asking me if they can eat with me but I said no, cause I wanna be alone right now.

While eating I saw Leonard sa pwesto ni Rovic, lalapitan ko na sana kasi wala namang kasama nang biglang dumating si Rovic carrying a tray of foods.

Ganoon na ba talaga sila ka-close?

Hindi ko maintindihan but, bigla nalang akong bumalik sa upuan ko, kinuha yung bag at umalis.

Kaya ba hindi sya sumabay sakin cause of him?

Yes! Oo nagseselos ako kasi 'di ko na nakakasama ang bestfriend ko.

Leonard's POV

Si Rovic na yung pinaorder ko kahit napilitan lang heheh, mamaya kasi bumili na naman ako tas di nya kainin.

Totoo ay nag-aalala na ako kay Asel kasi di ko na sya nakakasama. Excited pa naman sana akong kumain kasama siya kaso epal 'tong Rovic na to e.

"Why aren't you even eat your food? Is there something wrong?" Nahimasmasan ako nang magsalita sya

Napabuntong hininga pa ako saka ngumuso. "Okay lang" sagot ko saka kumain.

"It seems like you're not enjoying the food, Is it because I'm the one you're eating with and not Russel?" Pranka at deretsong tanong niya

Bahagya mang natigilan ay hindi ko na siya sinagot at nagtuloy balang sa pagkain. wala na ulit nagsalita pa sa amin kaya matapos kumain ay napagpasiyahan na naming dumiretso sa kani-kaniyang room.

Sa unang pagkakataon ay naglayag ang utak ko habang nagkaklase, maayos ang paliwanag ni ma'am ng topic ngunit tila wala akong maintindihan.

**FAST FORWARD**

Lunch break, Nagpasiya akong pumunta sa room ni Asel para akitin siyang mag lunch. Sakto namang kalalabas lang niya kaya agad ko syang nilapitan.

"Uy par? Lunch?" Nakangusong usal ko

"Sige" tipid niyang sagot.

"Is there something wrong?" Tanong ko nang mapansin kong gaano kalamig ang sagot niya.

"Ahm, sorry namiss lang kita siguro" palusot niya saka ginulo ang buhok ko.

"Ahmm, par? sorry ha?, di kita nasamahan kanina" I apologized

Russel's POV

"Ahmm, par? sorry huh, di kita nasamahan kanina" he apologized

"Bakit nga ba par?" Tanong ko na pilit itinago ang pagiging sarkastiko.

"Ahmm par? Ang totoo kasi" panimula niya saka kinuwento ang lahat.

"Ano bang klaseng punishment yun?!" Inis na singhal ko.

"Ahm, sorry talaga par ha kasi kung di ko yun inaccept baka naalisan ba ako ng scholarship ."

Tsss! Naaasar ako dun sa Rovic na yun. Porque apo sya ng owner ng university may karapatan na syang mang blackmail ng scholar katulad ni par? Tsk!

"I'm sorry" I said, cause I know it's all my fault, kung hindi ko sana yun ginawa e di sana hindi na nadamay pa si par.

Blinded LoveWhere stories live. Discover now