Chapter XXII

47 1 0
                                    

Rovic's POV

bumaba ako para kumain. It's already 1:07 pm kaya naman nagugutom na ako.

"Sir may pinabibigay pong sulat yung dad niyo" sabi nung yaya ko.

Agad kong kinuha yung sulat at binasa.

''Rovic, Hiwalayan mo na yung baklang yun, kung 'di mo kaya, kalimutan mo nalang na may mamanahin ka pa, at wag ka ng uuwi pa ng bahay''.

Ganun ba talaga ka big deal sa kaniya yun? Well sorry. I made my decisions.

Nag impake na ako pagkatapos kong kumain, akala niya ba matatakot niya ako, not this time dad. Mahal ko si Leonard, siya lang nagparamdam ng saya na kahit sa aking sarili kong ama ay di ko nakuha. Kaya sorry dad. It's time to live freely and follow my heart.

Leonard's POV

Sabado ngayon kaya naman naglinis nalang ako ng bhouse.

It's already 2:00 nang matapos akong maglinis.

Ano kayang magandang gawin? Habang nag iisip ay biglang may kumatok, kaya agad ko itong binuksan.

Nagulat ako ng makitang si Rovic yun carrying a big bag pack and a travelling bag full of his stuffs.

Pinalayas ba siya?

"What's wrong?" Tanong ko ngunit di nya sinagot at niyakap nalang ako. Ramdam ang pagpatak ng bawat luha sa kaniyang mga mata. Kaya inalo ko nalang yung likod niya.

"I'm sorry" bigkas niya ng pakawalan niya ako sa pagkakayakap.

Umupo kami sa sofa at kwinento niya lahat ng nangyari. Kaya naman sobra akong na guilty.

"Okay lang bang dito muna ako makitira?" Tanong niya.

"Oo naman, pero wala ka na bang balak makipag ayos sa dad mo?"

"Hmmm, ewan. Mas mabuti na rin siguro to. Atleast I can live by my own want" sabi niya.

Napatigil kami ng biglang mag ring ang phone niya.

Rovic's POV

°° PHONE RINGING °°

••• DAD •••

Lumabas ako saka ito sinagot.

Dad : Oww, anak alam kong pipiliin mo pa rin yang jowa mo kaya naman naghanda na ako ng Plan B.

Me : Ano ba dad. Itigil mo na to. Lumayas na nga ako diba? Inalis mo na nga mana ko diba? Ano pa bang gusto mo?

Dad : Just watch

banta niya saka binaba yung phone. I hate him so muchhhhh

Leonard's POV

matapos ang pakikipag usap ni Rovic sa dad niya e, biglang may nag text sakin.

°° Office of the dean

Mr. Lincoln,  a son of owner of the school removed your scholarship, you have now to pay ₱80,000.00 for your tuition fee. Sorry for the inconvenient.

Napaluha nalang ako ng wala sa oras. Pano na pag aaral ko? San kami kukuha ng ganung kalaking pera.

Third Person POV

Hindi pa nakuntento ang dad ni Rovic sa kaniyang pinaggagawa. Tinagkalan din nya ng laman lahat ng cash card ni Rovic. Kaya naman yung pera nalang sa wallet niya ang kaniyang inaasahan.

Hindi na rin alam ni Leonard ang kaniyang gagawin lalo na't di niya pa pinapaalam sa kaniyang magulang ang nangyari..

Hindi nila malaman kung saan kukuha ng ipambabayad sa matrikula ni Leonard, mabuti nalang at nagpresenta si Asel na sabihin sa daddy niya na kung pwedeng gawin niyang scholar si Leonard. Pumayag naman ang dad ni Asel kaya naituloy pa ni Leonard ang pag-aaral.

           °°° One Month Ago °°°

Nag aaply bilang cashier ng isang convenient store si Rovic para sa extra income na maari nilang makuha. Samantalang waiter naman ng isang resto ang pinasok ni Leonard. Subalit di pa rin sapat lahat ng iyon.

"Can I buy Water?" Tanong ng isang customer. Ngunit pag angat niya ng ulo ay nakita nya ang kaniyang ama na naka bonnet.

At sa di inaasahan ay nalipad iyon ng hangin. At tumambad sa kaniya ang hairless na ulo ng kaniyang dad.

"Dad? What happened?" Alalang tanong nito. Kahit galit ito dito ay concern pa din ito bilang isang anak.

"Rovic can we talk?" Tanong nito sa anak.

Pumunta sila sa bhouse para doon mag usap.

Pagkapasok na pagkapasok palang nila ay niyakap na siya ng ama.

"Nak? I'm sorry for what I have done." Halata sa boses nito ang lungkot.

Niyakap rin siya ni Rovic.

"Rovic? I have stage 4 Leukemia, at bilang na ang mga araw ko dito sa mundo, according to my doctor"

Nagulat si Rovic sa nalaman kaya napaluha ito.

"Sorry nak."

Sa hindi inaasahan ay bigla itong nag collapse kaya naman agad nila itong dinala sa hospital.

Di rin naman natagalan ay nagising ito. Agad niyang pinatawag ang secretary niya at pinalista lahat ng mana kay Rovic dahil siya lang naman ang nag iisang anak nito.

"Anak sana mapatawad moko" sabi nito.

Agad napahagulhol si Rovic at niyakap ito. Kahit gaano kalaki ang naging galit ni Rovic ay hindi niya pa rin kayang makita ang ama sa ganoong kalagayan. Masakit para sa isang anak ang makitang naghihirap ang kanilang magulang.

"Tagal na kitang napatawad dad. Hinihintay ko nalang na humingi ka ng tawad. Mahal na mahal kita dad" Humagulhol nang pagkalakas lakas si Rovic. Kahit nagkapatawaran sila ay hindi pa rin sapat iyon para sa kaniya.

Katulad nga ng sinabi ng doctor ay naulila na nga si Rovic. Pumanaw na ang kaniyang ama.

Heto sila ngayon ni Leonard at naghahagis ng bulaklak  kaniyang kabaong.

Inaalo ni Leonard yung likod ni Rovic habang umiiyak. Masiyado siyang nasasaktan. Hindi makapaniwalang sa murang edad ay naulila na siya.

"Dad, paalam na, sana maging masaya ka na diyan sa piling ni mama" sabi ni Rovic saka pinalipad yung lobong hawak nila.

Blinded LoveWhere stories live. Discover now