Prologue

86 12 0
                                    

"Kapag nakapasok ako dyan, anong gagawin ko sa'yo?" Pang-aasar ko dito saka marahang pinasadahan ng suklay ang sariling buhok, napangiwi pa ako ng hindi ito umabot sa dulo dahil sa pagkakabuhol.

"Saka na kapag nakapasok ka." Sabay pa kaming tumawa habang nakaharap sa salamin, kanina ay may nahanap na kakaibang libro si Lisa sa attic ng mansyon nila Lindy na kanina pa nito hawak, pinaglinis kasi kami ni Lindy ng attic nila para lamang payagan niya kaming pumasok sakaniyang silid na ginawa naman namin sa paghahangad kong makita ang mala-palasyong ganda ng silid ni Lindy, napakayaman naman kasi ng babaeng ito, habang si Lisa ay nais lamang makahanap ng kahit na anong misteryoso. Marami daw kasing misteryo ang mahahanap sa mga sulok ng bahay lalo na sa isang mansyon, madalas kasing hindi napupuntahan masyado ang mga sulok ng mansyon dahil sa laki at lawak nito. At nagtagumpay naman siya, nakahanap siya ng kakaibang libro, isang librong may lumang salamin sa harapan at walang pamagat, kulay kayumanggi ang pabalat at naninilaw ang mga pahina.

Marahan kong sinulyapan si Lisa na nakaupo sa tabi ng salamin, mariin itong nakatitig sa binabasang libro at panaka-nakang inaayos ang kaniyang suot na salamin, pasimple kong sinulyapan si Lindy, kahit kailan talaga ay hindi ako nakaramdam ng kakomportablehan sa babaeng ito, si Lisa lang naman talaga ang kaibigan, kaya lamang ay mismong si Lindy ang lumapit saamin dahil wala namang nagnanais makipagkaibigan dito dahil sa kagaspangan ng ugali at madalas na pagmamaldita, pinili ko na lamang makipagplastikan sa harapan nito ng unti-unting mapalapit dito ang kababata, pero madalas talaga ay hindi ko natatagalan ang ugali nito, masyado kasing maarte at mapagmataas.

"Ano na, Lisa? Matagal ka pa ba dyan? May nalaman ka na bang 'misteryo'?" Nakangising saad ni Lindy habang panay ang paglapat ng lipstick na kulay pula sakaniyang labi, pakiramdam ko nga ay kasing kapal na ito ng encyclopedia dahil sa dami ng pinaglalagay nito sakaniya labi, patong-patong na at wala pa atang balak tumigil.

"Base sa nalaman ko, ang salamin na nasa inyong harapan ay maaari din na gamitin upang makapunta sa other world." Malakas na tumawa si Lindy saka maarteng pinalantik ang daliri at tumungo kay Lisa.

"That's so untrue, Lisa. Paano namang nangyaring may other world? Akala ko ba ay matalino ka? Well kung totoo nga, bakit hindi mo subukan, Cesia? At baka kapag totoo ay pasubukin kitang makahawak ng mga mamahalin kong gamit?" Pinigilan kong samaan ito ng tingin ng itulak ako nito palapit sa salamin.

"Ayon dito ay limang ulit na banggitin ang mga nasa salitang Ingles at limang beses din sa ibang lenggwahe." Dagdag pa ni Lisa saka sumulyap saakin, napalunok ako ng makita ang sabik sakaniyang mga mata, mukhang gustong-gusto niya talagang subukan. Wala na akong kawala pa.

"Mirror mirror on the wall,

Let her see the dreadful,

Guide her to the downfall,

Let her be the death of all."

"Wait, Lisa!" Sigaw ko ng magsimulang lumakas ang hangin sa paligid.

"Mirror mirror on the wall,

Let her see the dreadful,

Guide her to the downfall,

Let her be the death of all."

"What the hell!!" Nanlaki ang mga mata ko ng magsimulang maglagagan mula sa mga shelves ang mga mamahaling gamit ni Lindy, kapwa na kami nakahawak sa mga ulo at nakayuko upang hindi matamaan ng mga bagay.

"Mirror mirror on the wall,

Let her see the dreadful,

Guide her to the downfall,

Let her be the death of all."

"S-sandali, Lisa!!" Muli kong sigaw ng magsimula ng umikot sa ere ang malakas na hangin, tangay nito ang mga bag, damit at sapatos na siya nasa loob ng shelves kanina.

"Speculo speculum murum,

Videte ne ad ruinam eius,

Dirigeret viam eius ad horribili,

Ne morte omnium in ea erunt,"

"Stop! Stop it Lisa!!" Maging si Lindy ay humihiyaw na, ang kaniyang mukha ay balot na ng takot, ang buong katawan ay nangingnig at badha na rin ang putla sa buong mukha.

"Speculo speculum murum,

Videte ne ad ruinam eius,

Dirigeret viam eius ad horribili,

Ne morte omnium in ea erunt,"

Galit na hinarap ako ni Lindy.

"Kasalanan mong lahat ito!!" Bumadha ang inis sa aking dibdib akmang magsasalita na ako ng mapatingin saaming harapan, nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng makita ang mabilis na pag-ikot ng kulay putting liwanag mula sa loob ng salamin. Nanlamig ang aking mga palad at namumutlang nilingon si Lisa.

"Speculo speculum murum,

Videte ne ad ruinam eius,

Dirigeret viam eius ad horribili,

Ne morte omnium in ea erunt,"

"Kasalanan mo ito!!" Kasabay ng pagsigaw ni Lindy ay ang malakas nitong pagtulak saakin, nanlaki ang mga mata ko ng higupin ako papasok sa umiikot na liwanag na nagmumula sa salamin.

"Cesia!!" Ang malakas na pagtawag ni Lisa ang huli kong nadinig bago ako tuluyang lamunin ng nakakasilaw na liwanag.

Kaagad akong bumalikwas ng bangon at lumibot ang tingin sa paligid. Tumayo ako ng mapansin ang naglalakihang mga puno at ang hindi ordinaryong laki at lapad ng mga sanga nito at ng mga dahon, kapansin-pansin din ang iba't-ibang sukat ng mga kabute at ang iba't-ibang kulay nito, maaliwalas ang paligid dahil sa taas ng sikat ng araw na hindi naman nakakapaso dahil sa nakatakip na mga dahon, malalaki rin ang mga ugat ng puno at marami din na bushes na namumutaktak sa kulay ng luntian. Napakaganda ng paligid, tila ako napasok sa isang lugar na hindi pa natatagpuan ninuman, isang tahimik at napakapayapang kagubatan.

Kagubatan..

Mabilis akong napatayo kasabay ng pag-usbong ng kaba saaking dibdib.

"N-na saan ako?" Hingal na hinawakan ko ang tapat ng aking puso at panay ang hila sa laylayan ng suot na damit, saan ako napunta? Paano ako napunta dito? Saka lamang sumagi saaking isipan ang huling nangyari, ang pagsambit ni Lisa sa mga kakaibang salita at ang pagtulak ni Lindy.

Mariing kumuyom ang kamao ko.

Ang babaeng iyon.

"Lisa! Lindy!! Na saan kayo!?!" Napalunok ako habang pinaglalandas ang tingin sa buong paligid.

"Lisa! Lindy!! Huwag niyo naman akong biruin ng ganiyan!!!" Kumabog ang aking dibdib ng makadinig ng mabibilis na yabag ng kabayo.

"Lisa! Lindy!! Lumabas na kayo, hindi na nakakatuwa." Ibig sabihin ay mag-isa lamang ako?

Nanigas ako ng huminto ang isang puting kabayo saaking harapan.

"An intruder huh."  

Mirror of SpadeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt