Chapter 13

16 4 0
                                    

Days after I secretly enter the Aupe, Sariyah came to me as I watch the Princess interact with the people of Aupe. Ginawang utusan at alipin ang mga tauhan ng Supremo, nakakapagtakang hinahayaan nilang alipustahin sila ng Prinsesa. Oo nga at mas mababa ang ranggo nila, ngunit hindi pa rin sapat iyong dahilan upang sila'y alilain, kakaiba ang mahal na prinsesa, ni minsan ay hindi ko nakitang tumapak sa lupa. Kung lalakad man siya ay nakaantabay ang mga alipin na siyang may dala ng pulang karpet, na inilalatag sa'twing nais maglakad-lakad ng prinsesa, ayaw lisanin ang gintong upuan. Tila siya isang ligaw na ginto sa gitna ng putik at kakahuyan, napailing ako.

Hindi nababagay ang ginto at pula sa kapaligiran, bakit ng aba pinagpipilitan niyang isiksik ang sarili dito kung mayroon naman siyang palasyo? Batid kong si Clee ang nais niyang bantayan, ang laging hinihintay at sinusulyapan, lumalapit man ang lalaki ngunit may isang metro ang layo mula sa prinsesa, tila nais umiwas.

Dumiin ang yakap ko sa banga na nasa aking mga bisig at lumingon saaking tabi. Namataan ko si Sariyah saaking tabi suot ang kulay kayumangging cloak, mariin ang titig nito saakin at tuwid ang pagkakatayo saaking tabi, tila galing pa ito sa ibang lugar dahil sa kasuotan. Huminga ito ng malalim at lumingon saaking tinitingnan kanina.

"Lumaki siya sa makikinang na bagay, kung kaya't ganiyan ang asta, hindi sanay sa putik kung kaya't sag into tumatapak." Ibinalik nito ang tingin saakin.

"Rituals, once his fangs dig into your skin, you can't never get away from him." Tumiim ang aking titig, ang banga na aking hawak na may lamang tubig ay tila unti-unting lumamig, kasabay ng panlalamig ko sa boses ni Sariyah. Ibang-iba sa una kong nakaaway, nakasagutan at nakasama. Magkaibang-magkaiba, tila hindi sila iisa.

Tinalikuran ako nito habang ako'y nagmamasid lamang sakaniyang mga kilos.

"It's one of their rituals, alam kong talo na ako simula pa lang." Her actions and words is very familiar, tila ba nalapitan at nakausap ko na noon, bipolar. Magkaiba ang kaniyang sinasabi sa kaniyang mga kilos.

"Hindi ko siya basta na lamang bibitawan, Cesia, kahit gaano pa karami ang aking maging kaagaw." Hinarap ko ang aking katawan sakaniya.

"I know you are, but you are meant for another man.." Nilingon ako nito, walang nagbago sa emosyon ng kaniyang mukha, madilim at madiin pa din ang mga mata. Hindi ko mabasa ang kaniyang kilos at salita dahil kapwa magkaibang-magkiba ang dalawa. Muli ako nitong tinalikuran at marahang naglakad papalayo.

"He mistaken you for another woman, he thought Zosa is his mate because he can see you in her, and he was devasted when he learned that Zosa is just a spy. He thought his mate is a traitor and she betrayed him." Pinanood ko ang mararahan nitong lakad hanggang sa tuluyan na siyang mawala saaking paningin.

Zaryu is for Sariyah, Sariyah is for Zaryu, the two of them is meant for each other. Umibig man sila sa magkaibang nilalang, hindi man nila ninais ang kanilang tadhana, sa huli ay sila pa ring dalawa ang magsasama. They can't trick the faith, they can't escape their destiny. He might knew that I am his mate, but because he was betrayed by a woman, he's scared that it might happen again, that's why his actions in my room is not questionable. A self defense, upang hindi na mangyari pang muli ang kaniyang kinatatakutan, upang hindi na muli pang malinlang.

Napangiti ako at tumalikod, ang banga ay para sa mga kababaihan ng Aupe na siyang naghahabi sa isang kubo, papunta na sana ako doon kung hindi lamang ako tumigil upang sulyapan ang mga pinagagagawa ng pasaway na prinsesa. Nasisiguro kong higit na mas bata ang edad nito saakin, sa kilos at pananalita pa lamang ay halatang hindi napagtuunan ng pansin ng mga magulang. Marahan akong lumakad palapit sa kubo, tila batid ko na kung sino ang nakikita ko sa katauhan ni Sariyah. Hanggang ngayon ay nangungulila ako sakaniya, hanggang ngayon ay marami pa rin akong pagtatakha, pagtatanong. Kung nabuhay kaya siya ngayon, ano naman kaya ang mangyayari saakin? Masasadlak ba akong muli dito sa loob ng salamin? Kasama ko pa rin ba siyang hanggang ngayon? Ngunit palagay ko'y kung sakali man na kasama ko ito, patuloy lamang kaming magtatago.

Mirror of SpadeWhere stories live. Discover now