Epilogue

23 4 0
                                    

Nang tuluyang maglaho saaking paanan si Lindy at nawala ang liwanag na nagmumula sa ibang salamin ay napaluhod din ako sa lupa at unti-unting napahiga. Sumabay ang kirot saaking kamay at sa mabilis na pagpintig ng aking puso, mariin akong huminga ng malalim nang manlabo ang aking pandinig at paningin. Hindi ko na mamulawan pa ang mga nangyayari sa paligid, dama ko ang kanilang hawak at ang tila bulong na lamang saakin ang kanilang pagsigaw. Dumaan saaking isipan ang mga nangyari noong unang tapak ko sa Speculo, ang pagkilala ko saaking Lola at ang araw-araw kong pagsasanay. Ang pag-iwan nila Mama at Papa saakin, ang mga nadinig kong pag-uusap ng mga kapatid ni Lola tungkol sa palasyo, ang pagbabalik ng aking mga magulang matapos ang ilang taon kong pagsasanay sa kamay ni Lola ng wala sila. Ang huling senaryo na siyang aking nakita bago tumawid pabalik sa mundo ng mga mortal, ang pagkamatay ng aking buong pamilya. Natapos na rin, natapos na rin ang aking paghihirap at pasakit, natapos na rin ang nakatakdang mangyari, natapos na ang aking hinagpis at paninibugho sa mga nangyari. Natapos na ang lahat ng labanan at digmaan na nalalapit na mangyari, wala na akong dapat aalalahanin saaking paggising, wala ng dapat isipin dahil tapos na ang aking laban. Hanggang dito na lamang ang kaya ng aking lakas. Tuluyan akong nilamon ng kadiliman habang nagbabalik-tanaw sa ilang pangyayaring paglalagi ko sa Aupe, ang mga nakasalumuha at nakasama ko saaking pananatili sa mundo ng salamin. Ilang araw pa lamang akong nandito ngunit napakarami na ng nangyari, na siyang buong akala ko ay hindi na matatapos pa.

Napakarami kong natuklasan at nalaman, napakarami kong binalikan, napakarami kong inisip at desisyon na ginawa. Napakarami kong inisip at pinag-isipang mga pangyayari, kung itutuloy nga ba ang lahat ng sinabi saakin ni Lola, na siyang palihim niyang itinuro saakin. Pilit kong itinago sa kasuluk-sulukan ng aking isipan ang kaniyang mga salita, pilit kong nilinlang ang aking sarili at pinagtakpan ang lahat. Pilit kong inalis saaking isipan at kinalimutan ang lahat upang maging normal, normal na mamuhay ng walang balakid at iniintinding iba, ang sabi ng aking Lola ay hindi ito maaaring malaman ng iba, hindi ito dapat na makarating sakanila. Dahil ang impormasyon at mga bilin na kaniyang sinabi ay para lamang saaming dalawa, hindi dapat malaman ninuman. Ngunit kahit anong pilit kong iwaglit sa isipan, pilit kong itinanggi ang kaniyang mga salita, hindi matanggap ang kaniyang mga binabatid saakin. Hindi nasunod ang gusto ko, dahil ang nakatadhana ay dapat mangyari, at wala ng makakapagpabago pa dito. Iba man ang gusto kong mangyari, kahit hindi pa ito sumagi saaking isipan kailanman, mangyayari pa rin ang nakatakda. Handa ka man sa laban o hindi, mangyayari ang nararapat kahit ano pa ang pigil na iyong gawin.

Marahan akong dumilat, nananakit ang buo kong katawan, hindi ako makagalaw, kahit ang bawat paghinga ko ay napakasakit sa katawan. Bumaba ang mga mata ko sa kamay na siyang nakahawak saaking walang sugat na kamay, wala na ang mahahaba niyang kuko. Unti-unti akong lumingon saaking tabi, mariin itong nakatingin saakin. Bahagya kong hinaplos ang kaniyang mga daliri.

"Gising ka na.." Kung gayun ay siya ang nagbantay saakin.

"Ilang oras akong tulog?" Huminga ako ng malalim at ibinaling ang tingin sa may pinto, hindi ko talaga matagalan ang kaniyang mga mata, lumunok ako habang tila nadarama ang pagsikip ng kwartong aking kinalalagyan, tila hindi kami kasya sa ganoong kalawak na silid, sinasakop ng kaniyang presensya ang paligid.

"Limang araw kang walang malay." Kumunot ang noo ko habang nadarama ang pamamawis ng aking kamay sa kaba, kailanman ay hindi ko naisip na maaaring ganito ang kalalabasan matapos ang labanan. Hindi ko naisip na mapag-isa kasama siya, kung gayun ay sa loob ng limang araw siya ang nagbantay saakin?

Mariin akong huminga ng malalim, hindi ko nagugustuhan ang nadarama ko sa loob ng silid, hindi ko nais na kaming dalawa lamang sa lugar na iyon. Hindi ko na maunawaan pa ang aking sarili, nanghihina pa ang buo kong katawan, hindi ako makakakilos upang tumayo at lisanin ang lugar. Kakailanganin ko pa ng aalalay saakin sa bawat pagtapak ko palabas, ngunit hindi ko nais na siya ang gagawa noon saakin. Ngayon pa lamang na ganito kami magkalapit, hindi na ako makahinga sa bilis ng tibok ng aking puso, kakaiba ang reaksyon ng aking katawan sakaniyang presensya.

Mirror of SpadeWhere stories live. Discover now