Chapter 15

22 5 0
                                    

Hinawakan ni Lindy ang kamay ni Lisa, kapwa naglabas ng itim na liwanag ang kanilang salamin na nasa loob ng magkasiklop nilang mga kamay. Muling natakpan ng itim na usok ang kalangitan, natakpan ang papasikat na araw kasabay ng pagdilim ng paligid. Sa isang kisap mata ay nasa tabi ko na ang tatlo, nawala ang tila itim na usok sa paligid at pinalibutan ang kalangitan.

Nangitngit ang aking mga ngipin ng madama ang malamig na hampas ng hangin, napasulyap ako saaking paanan, nyebe. Ibinalik ko ang tingin saaking unahan. Marahang dinadala ng malamig na hangin ang buhok ni Lindy, nakangisi ang nangingitim na labi, umawang ang labi ko ng makita ang ibang nilalang ng Speculo sakanilang likuran, unti-unting nawala ang usok at namataan ko kung gaano sila karami, kapwa may hawak na salamin at mga sandata. Tulala. Lumibot ang tingin ko sa paligid, nasa kagubatan kami na siyang puno ng nyebe ngunit madilim ang kalangitan.

Bumuka ang labi ni Lindy at umusal ng mga salita, ngunit kahit napakalayo ay nabasa ko ang kaniyang nais iparating.

"Saakin ang salamin ng spade.."

"This is an illusion, and this creatures are under their spell." Nilingon ko si Sariyah, inilahad ko ang aking kamay. Kaagad naman niyang inilagay doon ang libro at ngumisi.

"Kumikislap ng puti at pula ang iyong mga mata, Cesia." Ngumisi ako pabalik.

"Kagagawan ng salamin." Ibinalik ko ang tingin saaking harapan.

"Patuloy lamang dadanak ang dugo, mauulit ng mauulit ang delubyo at hindi matatapos ang pagkamatay ng mga nilalang sa buong Speculo. Ang digmaan ay magpapatuloy at kailanman ay hindi na mamumuhay pa ng tahimik ang buong Speculo." Sinulyapan ko si Suie na siyang nasa aking tabi, lumingon ito saakin at ngumiti.

"Sinabi saakin iyan ng iyong Ina sa aking panaginip, nasa iyo na ang lahat ng salamin na siyang makakatulong saiyo, Cesia. Ang libro ay patunay ng pagsisimula at katapusan, ang nakalagay na mga salamin ang simbolo ng iyong lakas, sa oras na matapos ito ay hindi ka na muli pang makakahawak pa ng salamin." Tinanguan ko si Suie habang hindi inaalis ang tingin saaking harapan. Tila naghihintay lamang ang kalaban kung ano ang aming magiging hakbang, hindi maaaring mamamatay at masali sa aming labanan ang mga nilalang ng Speculo, kung hindi ay tanging Aupe na lamang ang matitira sa mundo ng salamin.

"Naiintindihan ko, dahil ako mismo ang magiging salamin ko." Dama ko pagniningas ng aking mga mata. Itinaas ni Lindy ang kaniyang kamay hudyat ng pagtakbo at mabilis na paglusob saamin ng kalaban. Nang nilingon ko ang aking likuran ay nakalabas na ang kanilang salamin, bahagya silang lumayo at pumalibot saaking likuran habang nakatapat saakin ang kanilang salamin. Isa-isa kong pinatamaan ang mga malapit na saamin, bumilis ang paglusob ng iba kasabay ni Lindy at Lisa, tumulong si Suie sa pagpapatama ng kulay puting liwanag dahilan upang mabulag ang iba. Dinig ko ang panaghoy at galit na sigaw ng ilan, habang tulalang sumusugod ang mga ordinaryong nilalang ng Speculo, nagulat ako ng umulan ng sibat mula sa aking likod.

Gulat akong lumingon, namataan ko doon ang mga taga-Aupe na may mga hawak na sandata at umiilaw na mga salamin, bumalik ang tingin ko saaking haparan. Nawala sina Lindy at Lisa. Mula sa salamin ni Sariyah ay lumabas ang napakaraming punyal, naghalo saaking harapan ang mga taga-Aupe at ang ibang nilalang, marami ang natamaan at napatay ng mga Aupe at marami din ang nasugatan, bumaha ng dugo at sigaw ang kapaligiran.

"Use the book, Cesia!!!" Napalingon ako kay Suie na siyang may sugat na sakaniyang braso. Sa hindi kalayuan ay namataan ko si Zaryu na nagpapalabas ng itim na usok, marami ang nawalan ng malay at nahimatay, ilan sakaniyang puntirya ay ang mga ordinaryong mga nilalang sa Speculo, at wala akong namataang kahit anong kawal at maharlika mula sa palasyo, palagay ko'y napatay na nila ito bago pa man sila magpunta sa Aupe. Nakita ko sa malayo si Clee na nakalabas na ang mahahabang kuko at ang kaniyang salamin ay naglalabas ng mga matatalas na kutsilyo na may likido sa dulo, tumama ito sa isang kalaban at kaagad na nalusaw, nasa tabi ni Suie si Sariyah at puno ng kalansing ng sandata at panaghoy ng sakit ang paligid.

Mirror of SpadeWhere stories live. Discover now