Chapter 7

29 6 1
                                    

"We will be going to your Lola's house, Cesia." Tiningala ko si Papa, nakatungo ito saakin habang nakangiti, sa tabi nito ay si Mama na may hawak ng libro, kapwa sila nakasuot ng cloak na kulay pula at may ngiti sa labi.

"Lola's house?" Kumunot ang noo ko, simula kasi pagkabata pa lamang ay palagi na itong ikinukwento saakin ni Papa, lagi niyang sinasabi ang tungkol kay Lola, walang araw na hindi niya ito binanggit saakin, ngunit kailanman ay hindi ko pa siya nakikita. Ni litrato ay wala, hindi ito magawang ipakita saakin ni Papa dahil ang sabi niya, nasunog daw ang lahat ng larawan ni Lola kaya wala siyang maipakita saakin. Hindi naman ako bumanggit sakaniya ng kahit na ano, ngunit heto siya at niyaya ako sa bahay ng aking Lola.

Aaminin ko, noong una ay nasabik ako sa mga kwento pa lamang ni Papa, nasabik akong makita siya, ngunit sa pagdaan ng araw, nawala ang pakiramdam na iyon, hindi ko naman kasi nakikita ang larawan nito, tila ba tanging sa salita lamang buhay ang Lola, ang sabi saakin noon ni Mama ay maganda, napakagandang dilag daw ng aking Lola at marami daw ang umibig sakaniya, dahil daw sa angking ganda nito na siyang namana ko naman daw kaya mas lalong natuwa si Papa, hindi ko alam kung alin sa dalawa, dahil kamukha ako ni Lola o dahil maganda 'daw' ang kaniyang anak.

Hindi ko rin maintindihan si Papa, palagi niyang binabanggit si Lola, sa bawat galaw at kilos ko ay nandyan ang ngalan ni Lola, ngayon ko lamang naisip, wala akong alam sakaniya, bukod samga sinasabi ni Papa ay wala na, maging ang pangalan ni Lola ay hindi niya binanggit, si Papa na laging napupuna ang kilos ko ay kaagad na may karugtong na, hindi iyan magugustuhan ng Lola, ang Lola mo ay mabait, masunurin at kung ano-ano pang mga papuri, ako naman ay sumusunod na lamang. Bakit nga ba ako laging nakukumpara kay Lola? Ano ba ang mayroon sakaniya? Ni minsan ay hindi ko siya nakita, hindi siya nagpakita? Bakit bukang-bibig siya ni Papa? Ganoon ba kabait ang Lola ko? Ganoon ba siya kamahal-mahal at sa bawat segundo ay hindi siya nakakaligtaang sabihin saakin ni Papa?

Wala naman akong angal kapag pinagsasabihan niya ako, kapag kinukumpara niya ako kay Lola o kapag sinasabi niyang gayahin ko si Lola, gusto ko rin siyang makita, sabik din naman ako saaking Lola, sabik akong makita siya at makausap, makilala at matanong siya tungkol kay Papa, makita kung totoo nga ba ang lahat ng sinasabi ni Papa o hanggang salita lamang iyon. Si Mama naman ay walang angal at ngingiti pa saakin kapag nadadamay na ang pangalan ni Lola, sa'twing titingin ako sakaniya kapag napapagalitan ni Papa at kinukumpara kay Lola ay ngingiti siya saakin at sasabihing, makinig na lamang ako, sumunod na lamang ako at hayaan na lamang si Papa dahil nangungulila lamang ito kay Lola.

Ano nga bang klaseng tao ang Lola ko? Minsan kasi ay pakiramdam ko ay mas mahalaga pa si Lola kaysa saaming dalawa ni Mama, hindi man tumututol si Mama kapag nasasama ang pangalan ni Lola, ngunit ako, hindi ko na iyon nagugustuhan. Sa paglipas ng araw ay hindi ko maiwasang mainis na sa paulit-ulit na sinasabi ni Papa, sa paulit-ulit niyang kumpara, sa pangalan ng aking Lola na kahit kailan ay hindi ko pa naman nakilala. Bakit kaya hindi umaangal si Mama? Siguro ay nauunawaan niya si Papa, ngunit ako ay hindi, malaki talaga ang pagkakaiba ng matanda sa bata.

"Makikita mo na ang Lola mo." Nangingislap pa ang mga mata ni Papa habang ngiting-ngiti, hindi mapigilan ang nag-uupaw na kasiyahan sa dibdib. Excited, dahil siguro matagal na niya itong makita, matagal na niya itong nais masilayan muli.

"Excited ka ba, Cesia?" Bumaling ang tingin ko kay Mama na siyang nakangiti rin saakin, hanggang ngayon ay hindi ko mabasa ang sinasabi ng kaniyang isip, o kung totoo nga ba ang nakikita kong ngiti sakaniyang labi o itinatago lamang ng kaniyang mga mata ang totoo niyang emosyon at nadarama.

Mirror of SpadeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora