Chapter 4

30 8 0
                                    

Mabilis akong napadilat ng makadama ng hapdi saaking leeg, nanlaki ang mga mata ko makita ang isang lalaki na siyang napakalapit ng mukha saakin.

"Isa ka rin bang espiya?" Nanuot saaking pang-amoy ang kaniyang hininga, ang mainit nitong paghinga saaking baba at ang sumisingaw na init mula sakaniyang katawan ang siyang nakapagpatindig saaking mga balahibo. Nagwala ang aking dibdib ng mas ilapit nito ang kaniyang mukha, sa bigla ko ay malakas kong naitulak ang kaniyang mukha, napaupo ito sa sahig at nabitawan ang hawak na patalim. Kaagad naman akong napaupo at napahawak saaking leeg. Nang tingnan ko ang aking kamay ay mayroon na itong dugo, inis na tiningnan ko ito, sinugatan niya ako.

Hawak nito ang kaniyang ulo ng mag-angat siya ng tingin saakin, napakurap naman ako ng makita ang kulay ng kaniyang mga mata. Kulay luntian, katulad ng kagubatan. Hindi ito umalis sa pagkakasalampak sa sahig, bagkos ay nag-angat ito ng ulo saakin. Luntian na tila nagliliyab ngunit nagdadala ng kakaibang lamig saaking katawan.

"Wala kang dalang salamin, sino ka ba?" Nag-iwas ako ng tingin saka inilagay ang kamay saaking dibdib, pilit na pinapakalma ang nagawawala kong puso, lumunok ako habang tila hindi mapakali sa uri ng kaniyang mga tingin. Nanunuri, hinahalukay ang bawat parte ng aking kaluluwa, sino ba ang lalaking ito? Isa siyang estranghero, estranghero na may nagliliyab na mga mata ngunit nagdadala ng lamig sa paligid. Napamulagat ako ng may maalala, lumingon ako dito, ngayon ay sigurado na akong siya nga, ang lalaking huling humawak saakin bago ako tuluyang panawan ng malay.

"Hindi ako espiya.." Hindi ko batid kong dapat ko pa bang ituloy ang aking mga salita, dapat ba akong magsabi sakaniya? Ngunit sinabi ko rin naman ang mga bagay na iyon kay Sariyah, ang kaibahan lamang ay hindi ko kilala ang lalaking ito, ngunit nasisiguro kong kilala ito ni Sariyah. Palagay ko ay isa ito sa mga Aupe, ngunit dapat ba akong magtiwala sakaniya? Mariin ko itong tinitigan, napakurap naman ako at nabigla ng mabilis itong tumayo at tumalikod saakin.

"Kung gayun ay sino ka?" Marahan itong lumingon saakin, bumaba naman ang tingin ko sa patalim na siyang nahulog kanina, may kakaiba sa lalaking ito, sa mga mata niya, lalong-lalo na sakaniyang mga titig at tindig. Hindi siya basta-basta, at nasisiguro ko iyon. Sabay na bumaling ang tingin namin sa pinto ng bumukas iyon, nakatayo roon si Sariyah na may bitbit na tray. Kaagad itong natigilan ng mapatingin sa lalaki.

"Clee.." Gulat na saad nito habang nanlalaki ang mga mata, kaagad namang bumaling ang tingin nito saakin saka kumunot ang noo.

"A-anong ginagawa mo dito?" Ibinalik nito ang tingin sa lalaki, hindi naman sumagot ang huli bago nakapamulsang lumakad palapit sa pinto, kaagad namang yumuko si Sariyah saka tumabi upang padaanin ang lalaki. Ilang sandaling namayani ang katahimikan ng tuluyan itong makaalis. Bumuntong-hininga muna si Sariyah bago inayos ang tindig saka pumasok. Kumunot naman ang noo ko ng walang mabanaag na emosyon sakaniyang mukha.

Malakas nitong ibinaba ang tray sa katabing lamesa na siyang nakapagpaigtad saamin, nasagi din nito ang patalim sa sahig dahilan para kapwa kami mapatingin dito, bumalatay ang gulat sakaniyang mga mata at ang unti-unting pagkuyom ng kaniyang kamao. Madilim ang mukhang umupo ito saka pinulot ang patalim, tumayo ito saka inilapag ang patalim sa tabi ng tray at inayos ang laman nito, sa buong galaw nito sa silid ay hindi ito ni minsan tumingin saakin.

"Sariyah? Ayos ka lamang ba?" Muli akong napaigtad ng malakas nitong binitawan ang hawak na siyang nakalikha ng malakas na tunog, napangiwi ako ng umalingawngaw ang tunog ng nagtamang metal sa buong silid.

"Sariyah!!" Sabay kaming napalingon sa nakabukas na pinto, nakita ko doon ang naghahabol ng hininga na si Zaryu, nakahawak ang isang kamay nito sa amba ng pintuan habang panay ang singhap sa hangin.

"Si Clee—" Iyon lamang ang sinabi ng lalaki ngunit kaagad na tumalilis ang babae palabas, sabay silang tumakbo paalis ng silid, tulala naman akong naiwan sa silid. Pakiramdam ko ay muli kong nakita ang babaeng una kong nakalaban sa kagubatang iyon, ngunit nasisiguro kong mas malala pa iyong ngayon keysa noon. Huminga muna ako ng malalim bago nilingon ang tray saaking tabi, may laman iyong pagkain at sa tabi ay may isang palanggana na may tubig at panyo sa loob. Kaagad ko iyong inabot saka kumain, pinunasan ko rin ang aking sarili lalo na doon sa sinugatan ng lalaking iyon, Clee. Kakaiba sa pakiramdam ang pagbanggit ko ng kaniyang pangalan, kakaiba ang kaniyang ngalan.

Mirror of SpadeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora