Chapter 3

31 9 0
                                    

Kaagad kong tinabig ang kamay ni Sariyah nang mapansin ang mga kalalakihan sa kaniyang likuran, mariin kong tinitigan ang mga ito dahilan para mapalingon si Sariyah at Zaryu sakanilang likod. Mariin kong pinunasan ang dugo saaking labi ng mapansin ang isang pigura sa likod ng mga lalaki. Pailing-iling ang mga ito habang nakatingin saamin.

"Tingnan mo nga naman, kung suswertihin ka nga naman, at talagang malakas ang loob ninyo na umapak saaming teritoryo." Tumawa ang lalaki saka siniko ang lalaki sakaniyang tabi, kaagad namang tumayo si Zaryu at si Sariyah paharang saaking harapan. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ng lalaki, kung hindi ko lang nakasama kanina si Sariyah sa paglalakad at nakausap, iisipin kong kadugo niya ang lalaking ito.

"Hindi niyo ito teritoryo, sa mga Aupe ang lupaing ito." Muling tumawa ang dalawang lalaki.

"Sa wakas ay nakaharap na rin natin ang dalawa sakanilang pinuno, malalaman ko na rin kung gaano sila kalakas at sigurado akong makukuha ko na ang mga salamin ninyong dalawa!!" Saad ng isa.

"Sariyah, sino naman ang mga lalaking iyan?" Doon lamang ata ako napansin ng dalawa at napatingin saakin, sumilay ang ngisi sakanilang mga labi ng mapasadahan ako ng tingin.

"At tingnan mo, may kasama pa silang sugatan na babae na natitiyak kong walang dalang salamin, magandang pampainit ng gabi." Naningkit ang mga mata ko ng muli silang tumawa.

Mga hangal.

"Cesia, ang dalawang iyan ay kabilang sa mga pangkat na nais agawin ang aming lupain, sila rin ang dahilan kung bakit kita nagawang sugurin at napagkamalang mang-aagaw ng teritoryo, pakiramdam ko kasi ay isa ka sa mga espiya nila na siyang palihim na papasok saaming lupain at aalamin ang aming mga kilos sa loob at labas ng Aupe. May nangyari na kasing kaso na ganoon noon, ang mga nilalang na kasi iyan ay kayang lumaban ng walang salamin, kaya nilang malayo dito ng ilang milya ng mga ilang oras, kilala sila sa isa sa mga pinakamalakas na grupo sa buong Speculo dahil dalubhasa na sila sa paggamit ng salamin at nagagawa na ring makalayo dito. Ngunit nabatid kong iba ka sakanila, sapagkat ikaw ay walang dalang salamin habang sila ay ilang milya lamang ang layo mula rito." Lumalim ang gitla saaking noo ng muling tumawa ang dalawa, nasisiraan na ba sila ng tuktok? Bakit panay na lamang ang kanilang tawa?

"Oo nga pala, nais ko din ipahatid ang isang mensahe mula kay Zosa, nangungulila na daw siya kay Clee at nais niya itong makita ngayong gabi, sa dati nilang tagpuan." Kita ko ang mariing pagkuyom ng kamao ni Sariyah at ang pagyuko nito, tumalim naman ang pagkakatingin ni Zaryu sa dalawa habang panay naman ang ngisi ng huli.

Akmang susugod na ang isa ng pumulot ako ng bato saaking tabi saka ito malakas na binato, tumama iyon sa kaniyang noo na siyang nakapagpaluhod sakaniya.

"Aray! Shit ang sakit!!" Sapo-sapo nito ang kaniyang noo ng tabihan ito ng kaniyang kasamang lalaki.

"Kapatid, ayos ka lang ba?" Kaagad namang napatingin saakin si Sariyah at Zaryu.

"Hangal." Mabilis na nag-angat ng tingin ang dalawang lalaki saakin, nanlisik ang mga mata nito habang unti-unting tumatayo, naningkit ang mga mata ko ng hawakan ng isa pang lalaki ang sugat nito at unti-unting maghilom kasabay noon ang pagsigid ng kirot saaking mga sugat. Kumuyom ang kamao ko ng makaramdam ng hilo, hingal akong napasandal sa kabayo habang hawak ang brasong nabalian ng buto, marahan kong dinilaan ang dumugong labi ko bago ipinikit ang mga mata.

"Cesia!" Nadinig ko ang mga kaluskos at ang init ng palad nito saaking mga sugat.

"Sariyah, itigil mo iyan! Mauubos ang lakas mo kapag pinagpatuloy mo pa ang panggagamot sa babaeng iyan, masyadong malalim ang kaniyang mga sugat at siguradong hindi mo kakayanin iyon." Pinalis ko ang kamay nito ng makarinig ng mga nagmamadaling yabag papunta saaming direksyon. Iminulat ko ang aking mga mata ng makadinig ng mga kalansing metal, nasilayan ko ang pito pang lalaki sa tabi ng dalawa. May dalang mga espada, sibat at kalasag ang mga ito kapwa binigyan ng sandata ang dalawa pang kasama.

Mirror of SpadeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora