Chapter 12

16 4 1
                                    

Tulala akong nakatitig sa kawalan, hindi ako makahuma sa mga nangyari, tila isang kisapmata lamang ay bumaliktad ang lahat. Ang pangyayaring kailanman ay hindi ko malilimutan, nadarama ko na, sumasagi na saaking isipan ang maaaring kasalukuyan ng nangyayari sa likod ng salamin. Hindi ko man tanggapin, pilit ko mang alisin, saaking isipan ang lahat ng ito ay totoo. Noong una pa lamang ay naghinala na ako, ngunit hindi ko pinakinggan ang sigaw ng aking isipan. Bakit kailangan itanggi kung maaari namang tanggapin?

Tumulo ang aking luha, hindi ko batid kung na saan ako. Tulala lamang ako saaking harapan, hindi ako makagalaw, umaasang muling makita ang puting liwanag. Umaasang sumilay ulit ang lagusan at makita ang aking mga magulang, at ang aking Lola. Sumikip ang aking dibdib, niyakap ko na lamang ang aking mga tuhod at sumubsob dito, batid ko namang wala akong magagawa. Alam ko namang wala akong kakayahan kagaya nila, hindi na ako makakabalik pa. Hindi ko na sila masisilayan pa, ang huling senaryo saaking isipan ay paulit-ulit na nagpapakita.

Saan ba dapat ako magsimula? Mag-isa na lamang ako, hindi ko man nais tanggapin ngunit batid kong wala akong magagawa sa nangyari, alam ko na ang kakalabasan ng huling pangyayari. Tuloy lamang sa pagdaloy ang aking luha, wala ng mas sasakit pa na makita ang huli nilang kalagayan at batid kong wala akong magagawa, hindi na ako makakatawid pa. At kahit na makabalik ako, hindi ko na sila makikita pa.

Bahagya kong hinahaplos ang aking binti, naghahanap na lamang ng kalinga saaking sarili, mas masakit pa ang lahat ng ito kaysa sa mga sugat na nakuha ko, sa mga pagsasanay na paulit-ulit kong ginagawa, para saan? Para saan nga ba ang ilang taon kong pagsasanay kung mauuwi lamang sa ganito ang lahat? Para saan pa ang paggugol ko ng mga taon na iyon sa pagsasanay? Para saan? Para saan nga ba ang lahat ng ito? Ni wala man lang nagpaliwanag saakin ng mga nangyayari, ni hindi nila ako hinayaang intindihin ang lahat. Para saan pa ang pagsasanay ko kung hindi ko naman pala sila maipaglalaban, nasayang lang ang lahat ng aking mga pinagpaguran.

Nag-angat ako ng tingin, suminghap ako ng makitang ito ang iniwan kong silid, kung saan ako natulog at paggising ko ay nasa loob na ako ng salamin, marahan akong tumayo. Nanginginig pa ang aking mga tuhod, pinunasan ko ang luha at inilibot ang tingin sa paligid. Pilit kong inalala ang lahat ng nangyari, ano nga ba ang laman ng librong dala ni Papa?

~~~

Days after that sorrowful day, I act normal, I live like a normal human or people do. Nakipagsabayan ako sakanila, ginawa at ginaya ang mga pang-araw-araw na gawain, bawat araw ay sumasagi saaking isip. Ang lahat ng nangyari, wala akong pinagsabihan, hindi ko nais pagkatiwalaan ang mga mortal. Kung hindi man nila ako tatawanan ay paniguradong tatawagin akong baliw, pilit kong itinatak saaking isipan ang mga dapat kong gawin sa araw-araw, na siyang ibang-iba sa buhay ko sa loob ng salamin. Nag-aral ako sa paaralan ngunit laging umiiwas sa tao, mas nais kong mapag-isa, nakipagsabayan sa mga aktibidad at gawain sa eskwelahan. Sa lahat ng minuto, oras at pagkakataon ay dumadaan saakin ang mga senaryo, ang aking buhay sa likod ng salamin.

And then after years I met Lisa, together with Lindy. I act like a normal teenager, buong akala ko ay matatanggap ko ang aking kinalalagyan, at ng makita ang libro ni Papa sa kamay ni Lisa ay muli akong umakto. Umaktong gulat at hindi makapaniwala sa nangyayari, the book is powerful because it has the broken mirror of my Father and the mirror of my Lola. Hindi ko man hinanap, hindi na ako umasa pang makikita ang libro at magkakaroon ng pagkakataong makabalik, dahil batid kong impossible. Ngunit kusa akong hinila ng salamin, kusa akong hinanap at ibinalik, sa dami ng nilalang sa mundo. Ako ang pinili, sa dami ng nilalang sa loob ng salamin, ako ang ninais ibalik. Sa lawak ng mundo sa labas at loob ng salamin, iisa lamang ang pinili.

Mirror of SpadeWhere stories live. Discover now