Chapter 5

21 7 0
                                    

Napatuwid ako ng tayo ng madinig ang malakas ngunit mabining pag-ugong ng trumpeta, napalingon ako sa bayan na siyang pinagmulan ko kanina, maging ang mga nilalang na nakapalibot sa bihag ay napatingin sa pinanggagalingan ng ingay.

"Narito ang Reyna." Kaagad nagtaasan ang mga balahibo saaking batok ng madama ang hininga nito malapit saaking tenga. Mabilis akong lumakad palayo dito.

"Well, that hurts." Lumingon ako dito, namataan ko si Zaryu na kasalukuyang tumatayo habang sapo ang kaniyang mukha, si Sariyah naman na nakawala mula sa pagkakahawak ay mabilis na naglakad saaking gilid at sumiksik sa pagitan namin ni Clee na siya namang kasalukuyang nagsusuot ng damit. Muntik pa akong matumba sa biglaang singit ng babae mabuti na lamang ay tumabi saakin si Zaryu saka hinawakan ang magkabila kong balikat at tinuwid ako ng tayo.

"She's jealous." He whispered. Kumunot ang noo ko saka ito tinignan, tinapik lamang nito ang balikat ko bago bahagyang lumayo.

"And he is, also." Nilagay nito saaking kamay ang lubid, kaagad ko naman iyong hinila upang makasiguro. Nang madinig ang pag-inda ng mga ito ay kaagad kong ipinulupot ang lubid saaking pulso.

"Hide." Napatingin ako dito ng magsimula siyang lumakad pabalik sa bayan, kaagad namang sumunod si Sariyah ng hindi ako binabalingan ng tingin o sulyap man lang, maging ang ibang nilalang na nakapalibot kanina ay kaagad na sumunod sakaniya.

"Hide her, Zaryu." Kaagad namang yumukod ang lalaki, nagawa pa nitong ngumisi na tila ba hindi siya sumalampak sa lupa kanina.

"Masusunod, Supremo." Napaigtad pa ako ng mabilis na hinablot nito ang aking pulso saka tumakbo.

"Wait!" Sa pagkabigla ay hindi ko na nagawa pang pumalag, panay ang ungol naman sa sakit ng mga bihag na siyang nakakaladkad dahil sa lubid na nakatali saaking pulso. Ang iba ay nakakatayo man ngunit mabilis din na nadadapa, tinulungan pa ako ni Zaryu na hilahin ang lubid upang mas mabilis kaming makaalis. Panay lamang ang sunod ko dito habang pinanonood ang kaniyang likuran na siyang puno ng mga pilat, mga pilat ng latigo. Hinubad pala nito ang kaniyang damit bago pa kami tumakbo, hindi ko iyon napansin, sa iba kasi ako nakatingin.

Makailang ulit akong napakurap sa naisip.

Nagpadala na lamang ako sakaniya habang panay ang lingon sa mga bihag saaking likuran, mabuti na lamang ay hindi mabato ang parte ng kagubatan na ito at puro patag na lupa lamang, kung hindi ay talagang makakatamo sila ng malalalim na sugat.

"Can I ask something?" Nagulat ako ng bigla itong tumigil at mapasubsob ako sakaniyang likuran. Kaagad akong humakbang palayo ng humarap ito saakin, ngunit dahil hawak nito ang aking pulso ay nagawa niya akong higitin palapit.

"What is it?" Nanigas ako ng dumaan sa pagitan ng aming mukha ang isang nag-aapoy na bato. Kapwa kami napalingon sa pinanggalingan nito, namataan ko doon ang nakatalikod na pigura ni Clee na siyang lumalakad palayo.

"It's dangerous here, makikita ka ng Reyna. Come." Muli itong tumalikod saka tumakbo ng mabilis, muli ay nagpatianod na lamang ako sakaniya.

"Why don't you just use your mirror, your power?" Nagpatuloy ang aming pagtakbo, nakakapagtaka na gumaling kaagad ang aking mga sugat at hindi na nananakit pa, anong klaseng gamot ba ang ipinainom nila saakin?

"Hindi sa lahat ng oras ay dapat gamitin ang salamin, Cesia. Sa nararapat lang na sitwasyon at kapag kailangan na talaga, kapag wala ka ng mapagpipilian, ang salamin ang buhay, lakas at kahinaan namin, siguro ay hindi mo ito maiintindihan dahil wala ka pang salamin o talagang kaya mong mabuhay ng wala ito, ngunit iba kami, katulad ng pisikal na lakas ang aming salamin, tila ba ay parte ito ng aming katawan na kailangan din ng pahinga. Batid kong nais mo din na itanong ang tungkol sa hindi paggamit ni Sariyah ng kanyang kapangyarihan kanina, oo, kaya niyang pigilan si Clee kapag ginamit niya ang kaniyang salamin. Kaya niyang makawala sa hawak ng mga nilalang na iyon, ngunit hindi niya iyon gagawin, Cesia. Una ay dahil ayaw niyang masaktan si Clee, pangalawa ay hindi niya nais masaktan ang mga nilalang na pumipigil sakaniya at ng iba pang mga nanonood, pangatlo ay dahil hindi niya kaya." Lumandas ang tingin ko sa paligid ng makita ang aming hinintuan, isang ilog. Tinanggal ko ang kamay nito saaking pulso saka hinigit palapit ang mga bihag.

Mirror of SpadeWhere stories live. Discover now