Chapter 25

424 30 7
                                    

SIDNEY'S POINT OF VIEW

Madiin kong inapakan ang preno nang matunton ko ang tapat ng bahay. I don't even know how I managed to drove myself home. As I checked my watch, it's already eight o'clock in the evening. Na pa buntong hininga ako at itinuon ang noo ko sa manubela. Damn that traffic.

Mabilis na binuksan ng guard ang malaking gate ng marinig nito ang aking busina. For the last time, I tried clearing my thoughts bago ako bumaba ng kotse. 

I lost a friend. A big part of my life.

When I was finally inside the house, Manang Emely immediately approached me para tulungan sana ako sa bag ko. But I refused to accept her help. Kasalukuyan itong nag mo-mop ng kusina.

"Good Evening Ma'am. Kanina pa po kayo iniintay ni Sir. Kumain na po ba kayo? Ipag hahain ko kayo hapunan. "

My lips formed a weak smile. Naging malapit na sa akin lahat ng kasambahay dito sa bahay. Noong una ay hindi talaga ako sanay na tawagin nila akong Ma'am. Mabait din naman si Caleb sa kanila pero medyo maselan at strikto ito lalo na sa babysitter ni Sandler.

Then I remember that I haven't eaten anything yet after my lunch with Vixen. Ngunit wala akong gana.

" Salamat, pero busog pa po ako. Kamusta po pala ang pamamasyal niyo? Tulog na ho ba ang anak ko? "

Naisipan kong daanan at silipin muna si Sandler bago ako tuluyan pumunta sa kwarto namin.

"Naku, Enjoy na enjoy ang mag-ama kanina. Nakatulog na nga sa biyahe si Baby, sa sobrang pagod. Nandoon po si Sir sa kwarto ni Baby."

A part of me regret that I missed this day with my son. Hindi na rin ako nakadaan para bumili ng pasalubong sa kanya. My mind was preoccupied the whole time I was driving.

"Sige ho at matutulog na din po ako. Magpahinga na din ho kayo pagkatapos niyan." Then she continued doing her chores. 

Dahan dahan kong pinihit ang door knob ng pinto sa kwarto ni Sandler. The lights were all dim at naabutan ko sa sofa si Caleb with his face focused with his laptop.

Hinalikan ko sa labi si Sandler at hinimas ang bumbunan nito. He was peacefully sleeping.

"Good night my baby." I whispered.

 Hindi naman ako tinignan ni Caleb at patuloy lang ito sa kanyang ginagawa.

"Where have you been? Akala ko ba masama ang pakiramdam mo?" Bored nitong sinara ang laptop at siya ako dinapuan ng tingin.

"Nag pahangin lang ako saglit sa labas. " He smirked and rolled his eyeballs. Please lang, Wala ako sa mood makipag talo sa kanya.

"Ilang oras ka nag pahangin? 5 hours? Or the whole day." Tumayo ito sa sofa at sinimulan ko ng maglakad palabas. Ayoko ng sumagot pa. I had a long day.

Tinungo ko na lang ang direksyon ng kwarto namin and as expected ay sinundan ako ni Caleb. When we both reached inside the master's bedroom ay padabog niyang binato sa kama ang laptop. Pinili ko na lang ang hindi siya pansinin at humarap sa vanity mirror para tanggalin na lang ang mga alahas ko.

Pero napansin niya ang pagiwas ko. He held my left arm para ipilit na iharap sa kanya.

Kunot noo ko tong tinignan. "Kinakausap kita. Sabi ng guard umaga ka pa umalis, saan ka galing?"

Nanlilisik ang mga mata niyang tinignan ako. I moved my arm para kumalas sa pag kakahawak niya. Wala na kong lakas para sa mga ganitong usapan. Kapag siya naman ang may pinupuntahan ay hindi ko naman ito inaalam pa.

Prison of Lies (Partners in Crime Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon